Chapter 38

20 3 0
                                    

Waiting


Nadine's POV

Okay fine. Wala naman akong choice diba? Kahit naman humindi ako sakanya eh liligawan nya padin ako! Oh Clark! Pano na to? Ang sabi nya eh basted-in ko na daw si Nate! But how? Ang bait nya sakin these past few days tapos babasted-in ko?! Eh samantalang sya eh puro text lang! Tas eto namang mga kaibigan ko eh sinasabi na kay Clark nalang daw ako!
Alam nyo, may thought ako na nagtutulungan silang magt-tropa eh! Isama na natin yung mga kaibigan kong bruha!

Yes, I don't feel anything for Nate. Pero ang sabi nya maghihintay daw sya kaya baka magka feelings ako sakanya! Pero kay Clark? Ugh... I don't know! I once said that I love him. But I don't know...


Speaking of Nate eh eto na nga.. nag text na...

Nate:
Hi! Can we go out later? Are you free today?


Bigla namang nagvibrate ulit ang phone ko and received another text.


Clark:
Hey, sunduin kita mamaya, ha? mga 4pm.


shit!


Who am I going to answer? Si Nate, nagtatanong muna habang si Clark naman eh, siguradong sigurado na susunduin nya 'ko! Haaay! Ang hirap naman ng merong dalawang manliligaw!

"Hoy Nadya! Ang biyernes santo ng mukha mo ah?" saad ni Tiffany

"Eh Tiff naman kasi..." sabay pakita ng phone ko

Lumaki naman ang mata nya at ang ngisi nya nang makita nya iyon.

"OMG! Seryoso ba yan? Sagutin mo naaa!" masaya nyang sinabi

"Gaga! Eh di ko nga alam kung sino sasagutin ko eh!" sagot ko

Tinarayan nya naman ako

"Duh! Edi syempre si Clark! Tidnan mo kasi! Sigurado sya sa susunduin ka nya! Eh si Nate? sus! nagtatanong pa! Tas kapag umayaw ka madi-disappoint sya diba? edi si Clark nalang!" sabi nya

Parang di ko gusto yung opinyon nya ah?

Bigla namang may pumasok na babae sa kwarto namin, Julie.

"Oh, ano yang naririnig ko?" sabat nya

"Si Nadine kasi eh, namomorblema kung sino ba sasagutin nya!" sabi ni Tiffany

"Ha? Patingin nga!" sabay kuha ng phone ko.

Kumunot naman ang noo ni Julie nang makita nya iyon..

"Jusko mamsh! halata na kung sino ang sasagutin mo! Boto man ako kay Clark pero why not ask, diba? Mas gentleman ang isang lalaki kung magtatanong muna sya kung pwede ka ba lumabas! Hindi yung ura-urada!" sabi nya.

I get her point pero. Does that mean...?

"So?"

"So.. I suggest that ang sagutin mo eh si Nate!" sabi ni Julie.

Haish! Sabi na eh! Kung hindi si Clark, si Nate! Kung hindi si Nate, si Clark!

"So... Nadine?" sabay nilang tanong.

"Uh...Ah...Eh...Ano..." nauutal kong sagot.

To be honest kasi talaga, hindi ko alam kung sinong sasagutin ko sakanilang dalawa! Ang hirap hirap!

The Bitter GalsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu