Chapter 13

25 4 7
                                    

Di Ko Akalain

Julie's POV

Jusko! Bakit ganto ang mukha nilaa? Ampopogi jusko! Tas yung pandesal nila oh! Nakakaloka! Maloloka na talaga ako nito! Tiffany kasi e! Ininfluence ako manood ng mga kpop groups! Eh syempre ako, nagustuhan ko kasi ampopogi nila at yung ebsh! AHAHAH

Tulog na silang dalawa (Nadz and Tiff) habang ako dito ay nagsasayang manood! Si Athena ay umalis kaninang dinner time... May dinner daw kasi sila nung kaibigan nya... Si Mia ba yun? Eh, ewan ko basta ayun! Tas yung fiancé daw nun ay kapatid ni Austin? Woah. Pinag tagpo talaga sila.

Anyways.. Bat 12:00am eh wala pa din si Athena? Sabi nya hanggang 11:00 lang sya? Aish. Nako talaga yung babaeng yun!

Anyways... Hayaan ko nalang yun.. Malaki na yun eh! Manonood nalang ako ng kpop dito!

Ohemgee! Goo baby koo! Baby na kita frim now on! Wooh! Jusko!

BANG

Ay anak ka ng kabayo!

Yung puso ko letche! Sino ba kasing nag bang ng pintuan? Pati dito sa loob ng kwarto rinig eh! Buti nalang hindi nagising tong dalawa!

Syempre kinabahan ako! Baka mamaya kung sino yun eh! Kaya kinuha ko yung walis dito sa kwarto.. Yung mahaba at pwedeng ipamalo sa tao. Iniwan ko ang phone ko sa kama at lumabas ng kwarto hawak hawak ang walis pataas.. (Yung pamalong posisyon) pagkalabas ko nakita ko sya nakaupo dun sa sofa... Langya to ah? Magnanakaw na nga lang parang magpapahinga pa! Tsss...

Lumapit ako sakanya at papaluin ko na sana pero...

"JULIEEEE!" Sigaw nya..

Ohmy! Kilala nya ko! At pamilyar ang boses nya!

Hala! Sino tong kumag na to?

Hinampas ko na yung braso nya ng malakas

"ARAY KOO LETCHE KAA!" sigaw nya...

Eto na yung pagkakataon kong sumigaw

"SINO KA? AT ANONG GINAGAWA MO DITO? MAGNA--" naputol kong pagsabi...

Biglang bumukas yung ilaw at

"Jusko! Anong nangyayare dito?!" Sabi ni Nadz...

Napalingon naman ako dun sa pinalo ko at... Ohmygosh! Si... ATHENA pala yon!

At lumapit na yung dalawa saamin...

"Jusko Athena! Sorry! Sorry talaga! Akala ko magnanakaw pero ikaw pala! Anlakas kasi ng pag bang mo sa pinto eh!" Paliwanag ko..

Nakita ko anh braso nya at medyo nagdudugo ito... Jusko! What have I done?!

"LETCHE! KUNG MAGNANAKAW SANA AKO EDI SANA MAHINA KONG SINARADO YUNG PINTUAN! MAGNANAKAW NGA DIBA?! SAN KA NAKAKITA NG MAGNANAKAW NA MAGPAPAHULI SA NANAKAWAN NYA?!" sigaw ni Athena "araaay kooo! Huhuu! Langya ka Julie!" Sabi nya.

Umupo si Nadine sa tabi ni Athena... At hinawakan ang braso nya...


"Araaay!" Sigaw nya...

"Tiff, paki kuha nga yung first aid kit naten! Nandun lang yun sa may cabinet.. " sabi ni Nadine...

Tumango naman si Tiff at kinuha yon...

"Ano ba kasing nangyare sayo at binang mo yung pintuan?" Tanong ni Nadine...

Nawala ang inis sa mukha ni Athena at naging malungkot sya...

"Si... Austin kasi eh.. " sagot nya...

The Bitter GalsWhere stories live. Discover now