BS #11: CHERRYPOP

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa tabi niya. "Reid, tama na 'yan. Assignments muna." 

"Later. Multiplication lang naman po." Walang ganang sabi nito at hindi tumitingin sa akin.

"Ang yabang." I mumbled. Alam kong matalino siya pero ayaw ko pa ring nagpapabaya siya sa pag-aaral. "Three times Two?"

"Six." Parang tamad na tamadna sabi niya.

"Four times Nine?"

Medyo matagal itong nag-isip. Sa tingin ko ay ginagamit nito ang technique na tinuro ko sa kanya. "Thirty-Six."

"Six times Three?"

"Eighteen." Pinindot nito ang Pause at saka timingin sa akin. "Mom, I'm at the middle of the game."

Nakaisip ako ng plano para gawin nito ang homeworks niya. "Pagnatalo kita, gagawin mo na ang assignments mo."

"Deal. Anong laro?"

"Street Fighter." Mayabang kong sabi. Iyon lang kasi ang alam kong video game. insan nga ay natatalo pa ako ni Reid kapag naglalaro kami nun.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Muntik pa akong mapasinghap dahil si Wright ang nakita ko nang gawin niya iyon. "Guile."

Tumikhim ako at saka nagbuntong-hininga para pakalmahin ang sarili ko. Tumingin ako sa TV Screen atsaka pumili ng character.

"Gouken." Sabi ko. "Game start."

Sinimulan namin ang laro. Hindi naman talaga ako marunong sa video game na ito. Pero dahil ini-imagine ko na si Wright si Guile ay nagiging desperado akong patamaan ito at bugbugin.

Napatayo si Reid nang mapatumba ko ng left hook ang character nito. Napasigaw siya ng lumabas sa screen ang K.O. "Woah! Mom! You're super!"

"What? You think women can't play games like that? Think twice, Son." Pagmamayabang ko. Tinuro ko ang pinto ng kwarto niya. "Do your homeworks."

"Oh, man!" Kinamot nito ang batok at nanlalatang naglakad papunta sa kwarto niya. I don't wanna spoil him kahit na nag-iisang anak ko siya. Gusto ko magkaroon siya ng disiplina sa sarili.

Alam ni Reid na aalis ako. Binasahan ko muna siya ng Don Quixote hanggang sa makatulog siya. Ilang minutokong pinagmasdan ang mukha nito habang natutulog. Talagang mahahalata ang malaking pagkakahawig nila ni Wright. Paano ko pa mai-deny na hindi siya anak ni Wright kung sa unang tingin palang ay alam mo na kung sino ang kanyang ama.

Hinalikan ko ito sa noo at hinaplos ang pisngi bago dahan-dahang isinarado ang pintong kwarto niya. Naglakad ako papunta sa may sala. Naroon ang nakaupong si Minerva. Ang inatasan kong magbanatay ng bahay at lalong-lalo na kay Reid.

"Minerva, ikaw muna ang bahala sa anak ko, ha? Babayaran uli kita sa pagbantay sa kanya." Bilin ko rito. Kahit na siya ang pinagkakatiwalaan ko ay hindi pa rin maalis sa sistema ko ang kaba na baka pag-uwi ko rito ay wala na ang anak ko. "'Wag na 'wag mong pagbubuksan ng pinto ang mga 'di mo kilala."

Si Minerva ay anak ni Aling Mising. Siya ang panganay sa kanilang pitong magkakapatid. Mahirap ang buhay nila dahil marami silang pinag-aaral ni Aling Mising. Kaya dahil mabait naman si Minerva at ilang taon ko na siyang kapitbahay ay siya ang kinukuha kong babaysitter kapag may gig ako. Mabait siya at matulungin sa nanay niya, ang sweldong tinatanggap niya sa akin ay ibinibigay niya sa nanay niya para sa gastusin.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon