Ch.5 P.1

4.9K 135 0
                                    

KATATAPOS lang ng board meeting na dinaluhan ni Liam, kasalukuyan na siyang pabalik ngayon sa sariling opisina.  Inalala niya ang schedule niya para sa araw na 'yon.  Ito na ang huling meeting niya para sa araw na 'to.  Ang natitira na lang niyang dapat gawin ay pumirma ng mga papeles at pag-aralan ang ilang mga proposal.  Pagpasok niya sa opisina niya ay nagsimula na siyang magtrabaho.  Pero ilang minuto pa lang ay nasa ibang bagay na kaagad ang utak niya.  O mas tama yatang sabihin na ibang tao.

Nitong mga nakaraang araw ay madalas na nangyayari 'yon sa kanya, mapapatigil siya sa ginagawa and then he would just suddenly think of her.  Of Dangerous Saavedra.  Kapag naalala niya ang buo nitong pangalan ay hindi niya mapigilang mapangiti.  It was just so unusual.  Pero kagaya nga ng sinabi niya dito, it suits her.  Because that's what she was.  Dangerous.  If you let your guard down, even for just a bit, she could easily destroy your defenses.  Pero mukhang wala na rin namang silbi na mag-ingat pa siya.  Because she already got under his skin.  At unti-unti ay binubuwag na din nito ang pader na nakapalibot sa puso niya.

Halos isang buwan pa lamang niya itong nakikilala and yet he alreasy felt like his world has been turned upside down.  He knew nothing would be simple with her but despite that he still didn't stop himself from getting involved with her.  Isa pa, huli na para umatras pa siya.  Not after that one mind-boggling kiss.  A kiss that almost turned his brain into mush. 

After that first date ay ilang beses pa ulit silang lumabas ng dalaga.  They mostly went out to dinner dahil na rin sa busy niyang schedule.  He really enjoys her company, more than he cared to admit.  There was never a dull moment when he's with her.  She's always so lively and animated na hindi siya napapagod na makinig lamang sa mga kwento nito.  And she doesn't seem to mind that.  Iniiwasan niya na magkwento dito patungkol sa trabaho niya, because he knew how boring it would be.  But she always listen to him attentively.  Na para bang napakainteresante ng sinasabi niya.  Isa 'yon sa mga bagay na talagang gustung-gusto niya dito.

Yes, he likes her.  To the point na ang tanging nais lang niya ay makasama ito araw-araw.  Napailing siya.  This was like a new territory for him.  He was not even sure what kind of relationship he has with her.  Sila ba yung matatawag na 'exclusively dating'?  It kind of frustrates him that he can't define their relationship.  It annoys him more that Dan was fine with it.  Na kung tutuusin ay hindi naman dapat niya ikainis.  Dapat nga ay matuwa pa siya because she's not asking for any commitment from him.  Pero kabaligtaran no'n ang nadarama niya na labis niyang hindi maintindihan.

She's really twisting him into knots.

Natigil ang pag-iisip niya nang bigla na lang tumunog ang cellphone niya.  Hindi niya napigilang mapangiti nang makita ang pangalan ni Dan sa caller i.d.  Agaran niya 'yong sinagot.  "Hey."

"Hi Liam!  Nasa vicinity ako ng office building niyo.  Okay lang ba if I drop by, that is, if you're not busy?"

"I'm not busy."

"Good," he could hear the smile in her voice.  "I could bring food kung hindi ka pa nakain ng lunch."

"That's a good idea."

"Anong gusto mong kainin?"

"Surprise me."

Narinig niya ang mahina nitong pagtawa.  "Fine.  I'll see you later then."  At tinapos na nito ang tawag.

Not busy, huh?  Sinulyapan niya ang bunton ng mga papeles na nasa desk niya.  He really has it bad. 

Dangerous Kiss (Troublemakers 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon