Ch.2 P.1

6K 152 0
                                    

SINULYAPAN ni Liam ang wristwatch.  Mag-a-alas-nuebe na ng gabi.  Iniisip niya kung ayos lang na magpaalam na siya sa host ng party.  Masyadong madami ang naging meeting niya ngayong araw at ang gusto na lang niyang gawin sa ngayon ay humiga sa kanyang kama at magpahinga.  Pagkagaling niya sa trabaho ay dito na siya dumiretso sa party ng mga Ramirez.  Kung pwede lang siguro niyang tanggihan ang imbitasyon ng mga ito ay ginawa niya. 

Pagmamay-ari ng pamilya niya ang De Alva Food Corporation.  Isang kumpanya na nagpo-produced ng mga processed meat, like beef, chicken, and pork, pati na rin ng iba't-ibang canned goods.  Ang farm ng mga Ramirez ang isa sa mga pangunahin nilang supplier.  Ang mga ito mismo ang personal na nag-imbita sa kanya at bilang CEO ng kumpanya, hindi niya 'yon basta-basta pwedeng tanggihan lang.  Lalo pa nga't dalawang buwan pa lamang siya sa posisyon niya.  It won't do if he will immediately fall out of one of their major supplier's good grace.

Sumimsim siya sa kopita ng champagne na iniinom.  At muli ay natagpuan na naman niya ang sarili na nakatitig sa isang partikular na babae.  Isang babae na nakakuha kaagad ng atensiyon niya pagkadating na pagkadating pa lang nito.  She was wearing a cocktail dress that barely covered her back, showing off her porcelain white skin.  She was very petite, sa tantiya niya ay nasa limang talampakas lamang ito.  But all her curves were definitely on the right places.  Her black hair was tied in some complicated knot, hindi siya sigurado sa kulay ng mga mata nito.  But even at this distance, he knew she was beautiful.

Kausap nito ngayon ang anak na lalaki ng mag-asawang Ramirez.  She came to the party with him, no doubt she was his date.  Lucky guy.  Sigurado siya na gano'n din ang iniisip ng halos kalahati ng mga lalaki sa party na 'yon.  Dahil tiyak niya na hindi lang siya ang lalaking nakatitig dito.  The way she tilts her head, the way she smiles and laughs, it was all very alluring.  And he's not even sure if she's aware of it.

Dagli na niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon bago pa niya simulang pagpantasyan ang babae.  She's not even his usual type, for Pete's sake.  Naisip niya na dala lang siguro ito ng pagod kaya kung anu-ano na lang na naiisip niya.  Nagdesisyon siya na magpaalam na sa mag-asawang Ramirez para makauwi na siya at makapagpahinga.  Ibinigay niya ang champagne flute sa dumadaang waiter at nagsimula nang maglakad.  Pero nakakailang hakbang pa lang siya ay isang babae ang bigla na lang lumapit sa kanya. 

Now this one was more of his type, tall and willowy.  Pero wala siyang maramdaman na kahit na ano habang nakatingin dito.  Unlike the tightening of gut he felt while he was string at that particular girl.

"Hi, kanina pa sana kita gustong kausapin.  Pero hindi naman ako makatiyempo," wika ng babae.  "We've met before actually.  Your mother introduced us.  I hope you still remember."

Sa pagbanggit nito sa nanay niya ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya.  Kung ipinakilala ito sa kanya ng ina, then that meant that his mother approved of her.  That would make this woman cold and manipulative, just like his mother.  Mga babaeng kaugali lang naman ng ina ang nagugustuhan nito.  Which would put this girl in his immediate black list.  No wonder hindi niya ito maalala.

"I don't remember you.  Sorry."

Nakita niya ang pagsimangot nito pero agad din naman itong nahamig ang sarili at dagli ring ngumiti.  "That's okay.  It was a long time ago anyway.  We can always start to get to know each other now."

"I'm not interested," simpleng wika niya.  Kung hindi kasi siya magiging prangka ay tiyak na hindi siya nito tatantanan.

Sa puntong 'yon ay hindi na ito nag-abala na itago ang pagkadisgusto nito.  Hindi na ito nagsalita pa at agaran na siyang iniwan.

"Now that was rude," wika ng panibagong tinig sa may likudan niya.

Lumingon siya at halos mapigil niya ang hininga nang makita niya ang nagsalita.  It was the woman he's been gawking at.  Hindi niya alam na posible, but she was even more beautiful up close.  Heart-shaped face, matangos na ilong, luscious lips.  And her eyes, it was big and brown.  A deep brown like a dark whiskey.  You can almost drown in it.

"You're not a gentleman, are you?" muli nitong wika, mischief twinkling in her eyes.

It took him another second just to calm his nerves.  "May kailangan ka ba?"

"How about a dance?  And I won't take no for an answer." 

Bago pa siya nakasagot ay nahigit na siya nito patungo sa dance floor. 

Dangerous Kiss (Troublemakers 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon