Ch.4 P.2

4.9K 110 2
                                    

MUSIC and Lyrics ang napili ni Dan na papanoorin nila.  Ilang linggo na niyang gustong mapanood ang pelikula pero dahil sa dami ng kliyente nila nitong nakaraan ay hindi siya magkaroon ng pagkakataon na pumunta ng sinehan at manood.  Mabuti na lang at showing pa rin ito hanggang ngayon.  She liked the premise of the movie.  It's about a washed-up 80s pop star and his plant lady who ended up falling in love with each other.

Nang sabihin niya kay Liam kung ano ang papanoodin nila, he visibly cringe pero hindi naman ito nagreklamo.  Kaya nanood na lamang sila.  The story line was a bit cliched.  You already have an idea on what would happen at the get go.  But it was still pleasant to watch.  Nagustuhan din niya ang tambalan nina Hugh Grant at Drew Barrymore.  They definitely have chemistry.  All in all, masasabi niyang hindi naman sayang ang pera na binayad nila sa sinehan.

"All I wanna do is find a way back into love.  I can't make it through without a way back into love."  Hindi niya napigilang kantahin ang opisyal na kanta ng pelikula habang naglalakad sila palabas ng sinehan.  It just kind of stuck to her, like some sort of last song syndrome.

"Mukhang na-enjoy mo yung movie," komento nito.  "You even memorized that song."

"It was cute.  Ikaw, hindi ka ba natuwa man lang?"

"Drew Barrymore is hot, so I guess, pwede na."

"That's such a guy answer."

"Well, she is hot."

Umingos siya.  "So you were busy admiring Drew Barrymore's hotness.  No wonder you didn't take advantage of me while we're watching.  Hinihintay ko pa naman na hawakan mo ang kamay ko," may pagbibirong wika niya.

"Groping in the dark is not really my thing.  If I'm going to touch you, I'd do it in broad daylight or somewhere na may liwanag.  Para makita ko ng mas maayos ang magiging reaksyon mo."

He said it with such a straight face na para bang sinabi lang nito sa kanya ang paborito nitong pagkain.  Samantalang siya ay ramdam na ramdam ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi.  Sigurado din siya na pati teynga niya ay namumula.  Agad siyang nagbaba ng tingin bago pa man nito 'yon mapansin.  Seriously- this guy.

Pero bago pa man niya tuluyang mapakalma ang sarili ay bigla na lang nitong hinawakan ang kamay niya.  "Saan na tayo pagkatapos nito?"

Calm down, heart.  "We'll go shopping."

Napangiwi ito.  "I hope your not one of those women na binibili ang lahat ng makita nila kahit hindi naman nila 'yon kailangan."

"Don't worry.  It's nothing your credit card couldn't handle."

Then may ginawa ito na hindi niya inaasahan.  He laughed.  Parang biglang nagliwanag ang mukha nito.  The laugh lines on his face making him look a lot younger.  Seeing him laugh made her heart beat harder and harder.  It rose a thousand miles upward and just fell.  Patuloy 'yon sa pagbagsak at meron lang 'yong isang destinasyon.  Pero bago pa man 'yon tuluyang bumagsak, she immediately stopped herself. 

Ayaw niyang isipin na nahuhulog na ang loob niya kay Liam.  She wouldn't want to jump into conclusions.  Again.  Because this time, if she did fall in love, truly fall in love, she wanted to make sure it was right.  Because she has a feeling that if she messed this one, she wouldn't be able to survive it unscathe.

Dangerous Kiss (Troublemakers 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon