Chapter 15 pt. 1/2

1K 21 3
                                    

Nakasalungbaba ako at nakikinig sa guro, actually hindi naman talaga ako nakikinig. Lumulutang ng sobra utak ko, ni hindi ko nga alam kung anong subject na ito.

Huminga ako ng malalim at mas lalo pang lumutang ang isip. Maya't maya ay may nakapansin na akong nakatayo sa gilid ko opposite kung saan ako nakatingin.

"Drei." Hindi ko napansin uwian na pala.

Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti, kaso ngiwi ang nangyari. Hindi ko pa rin talaga makalimutan kung paano niya tignan ex niya. Nasasaktan ako.

"B-Bakit?" Mukha naman hindi niya napapansin kung ano reaksyon ko sa kanya kaya medyo napapanatag ako at hindi naiilang na magkaharap kami.

Nakatingin lang siya sakin, nakaupo pa rin ako hanggang ngayon. Wala akong balak tumayo kung yayayain niya ako umuwi. Ewan ko, ayaw ko muna siya makasama.

"Drei."

Napatingin naman ako sa kabila at si Ahmon naman ang nakatayo. Napansin ko na tumingin si Andy sa kanya, tinignan ko si Ahmon na nakakunot ang noo.

"Bakit?" Tanong ko kay Ahmon.

Tumingin siya sandali kay Andy at binalik sa akin ang tingin, ngumiti siya ng napakalaki-laki, "Hatid na kita?"


Eto na chance para makawala ako kay Andy, magsasalita na sana ako kung hindi lang hinawakan bigla ni Andy kamay ko at pilit na pinatayo, natumba ang upuan ko na nakagawa ng malakas na ingay dahil bakal ito at may makapal na kahoy, "Aray! A-Andy!"

"Tol, nasasaktan si Drei." Sabi ni Ahmon, hindi siya pinansin ni Andy at nakatingin lang ito sakin. Tumingin ako sa kanya at magsasalita sana ulit kung hindi din hinawakan ni Ahmon ang isa kong kamay. Hindi iyon kasing bayolente ni Andy, may diin pero hindi masakit.

Naiinis na ako kaya pilit ko hinablot dalawa kong kamay, "Uuwi akong mag-isa!" Sigaw ko at nagmadali kinuha ang bag ko, hindi ko na pinansin ang iba ko pang gamit na nasa lamesa. Bahala na bukas. Hindi naman siguro mawawala mga iyon.

Tumakbo ako hanggang sa gate at nagpahinga ng konti. Hindi ko pinansin mga nakatingin sakin, bakit ba kasi tumakbo pa ako? Nakakainis.

Napagpasya kong huwag muna umuwi agad, bukas ay half day naman kami. Tanghali ang pasukan. Umikot ako sa buong lugar, maliit lang itong lugar na to kaya wala pa sa isang oras paglalakad.

Naalala ko kung saan yung bahay ni Ahmon kaya sinubukan ko pumunta doon.

***
Sensya na po kung ngayon nalang ulit. :( Sobrang busy kasi sa trabaho, imagine 24/7 at walang day off!!!! I won't promise na mag-tutuloy tuloy po update nito kasi may mas priority po ako. Til' next time! Hehe

Will You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon