Chapter 11

1.6K 40 2
                                    

Hinabol ko si Andy na mabilis naglakad pauwi, habang iniwan ko naman si Ahmon doon. Kung umalis na siya ay wala na akong pakielam doon.

"Andy!"

Patakbo ako at habang si Andy naman ay naglalakad lang ng mabilis. Pagod na ako pero pinilit kong abutin ang kanyang braso. Nagmatigas siya ngunit pinilit kong harapin siya. Tumigil kami at hinintay niyang habulin ko ang aking hininga. Sa sobrang hingal ko ay parang mahihimatay ako. Mahina kasi ang stamina ko, madali akong mapagod kaya sa tuwing napapagod ako ay nagsusuka ako o kaya ay mahihilo nalang bigla. Wala akong asthma pero minsan ay hinihika ako.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko dahil sobra na ang aking paghahabol sa paghinga. Pinagpapawisan na rin ako at medyo pikit na ang mata. Masakit na rin ang ulo ko at nanginginig ang mga binti.

"Shit! Hinihika ka!" Nataranta ito at hindi alam ang gagawin.

"U-Uwi nalang t-tayo." Sabi ko habang nahihirapan pa rin huminga. Hawak ko ang aking dibdib habang siya ay nagtatarantang nakatingin sa akin.

Suminghap siya at dali-dali akong binuhat. Bridal style. Nagulat ako ngunit naghahabol pa rin ng hininga. Nagsimula siyang maglakad habang binabalanse niya ako at maya maya pa ay nagsimula na siyang tumakbo. Imbis na pauwi sa bahay ay dumiretso ito sa kanilang school. Madaming tumitingin sa amin at nanlalaki ang mga mata. Maraming nagbubulungan pero hindi pinansin ni Andy iyon. Tinignan ko siya at nasa mukha pa rin ang pagkakataranta, pawisan siya at medyo humihingal na. Nakarating kami sa clinic at buti nalang ay nandoon pa ang nurse nila.

Dali dali lang sa pagpasok si Andy kaya nagulat iyong babae, "Oh Andy? Anong nangyari?" Aniya.

"Hinihika ate." Inihiga niya ako ng marahan sa kama. Mabilis lumapit sa akin ang babae at kinabit sa akin iyong mask ng oxygen. Hinawakan ko ito at nagsimulang huminga ng malalim. Dahan dahan akong huminga hanggang sa lumuwag luwag na aking paghinga. Pumikit ako at medyo inantok.

"Ano ba ang nangyari, Andrei?" Tanong ng nurse.

"Eh kasi ate, napagod sa kakahabol sakin." Nagmulat ako ng konti at nakita kong nagkakamot siya ng ulo at medyo pula ang kanyang tenga dahil sa pagtakbo niya. Pawisan at hinihingal pa rin.

"Yabang! Pero alam mo bang may hika siya?" Kunot nitong tanong, kaya noong napatingin siya sakin ay nawala iyon. Nginitian niya ako bago siya lumapit sa akin.

"Kamusta na pakiramdam mo?"

Tinanggal ko ang mask dahil mukhang okay naman na ako, "Maayos na po. Hindi naman po kasalanan ni Andy. Tsaka wala po akong hika." Tumango ito ngunit mukhang hindi naniniwala.

"Anong pangalan mo?" Ngumiti ito ulit sa akin.

"Drei po." Nagtaka ito at tumingin kay Andy.

"Palayaw niya lang iyan."

"Andy nalang ba itatawag ko sayo?" Tawang tanong nito.

"Hindi. Si Drei lang tatawag sa akin non." Tumigil sa pagtawa ang nurse at napalitan ito ng makahulugang ngiti. Siniko siko pa niya si Andy at ngumiti naman ito.

"Uh, anong pangalan mo ate?" Sabi ko.

"Ah! Pasensya, ako pala si Angelica. Angie nalang for short." Tumango ako at nginitian siya.

Sinabihan kami ni ate Angie na magpahinga muna ng kaunti at nagpaalam na siya dahil pinatawag siya sa kabilang clinic.

Pagkaalis ni ate Angie, biglang natahimik ang paligid. Walang nagsasalita sa amin, huni ng ibon at bolang tumatama sa sahig lang ang maririnig.

Gumalaw ako ng kaunti at isinuot ang mask ng oxygen, tumingin ako sa labas at pinanood ang mga naglalaro.

"Uhm,"

Napatingin ako kay Andy at nakatingin ito sa akin habang nagkakamot ng ulo. Mannerism.

"Kumusta pakiramdam mo?" Medyo lumapit siya sa akin at umupo ng diretso.

"Ayos na, nakakahinga na ako ng maluwag." Tumango siya at nag-iwas ng tingin sa akin.

Mga ilang minuto ng katahimikan inalis ko ang mask at nagsalita ako.

"Sorry, Andy."

Tumingin siya sa akin at medyo umawang ang bibig, nagsalita ulit ako. "Hindi ko naman sinasadyang ma-offend ka kaninang umaga. Pasensya sa mga salitang ibinigay ko sayo, h-hindi ko naman a-alam na iyon ang n-nangyari.." yumuko ako habang hawak-hawak ng mahigpit ang mask. Nangilid ang mga luha ko. Mababaw man pero ayaw kong nag-aaway kami.

Narinig ko siya nagbuntong hininga atsaka mas lumapit pa sa akin, "Hindi naman sa ganon, may kasalanan din ako. Hindi dapat kita iniwan, hindi dapat ako nag-react ng ganon. Sorry, Drei. At lalong sorry dahil sa nangyari ngayon.." hinawakan niya ako sa kamay pagkatapos. Napangiti ako at napaisip at natawa nalang. Tumingin siya sa akin na nagtataka.

"Naisip ko kasi bigla na dapat pala ako magpasalamat sa nangyari sa akin ngayon, nagkabati na tayo e."

Tumawa siya at umupo na sa tabi ko sa kama, "Abnormal." Aniya. Nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't isa. Hinawakan niya ako sa ulo at ginulo ito ng marahan. Hinayaan ko siya habang nakatingin sa kanya.

Habang nakatingin sa kanya ay nakaramdam ako ng malakas na tibok sa aking puso. Hindi lang isa, dalawa o tatlo. Maraming beses ko itong naramdaman. Sa bawat pag-ngiti niya sa akin at tingin ay nararamdaman ko ito. Nawala ang ngiti ko at tinignan ko siya ng seryoso.

"Andy."

"Hmm?"

Lumunok ako at binasa ng kaunti ang aking labi, napatingin siya doon ngunit bumalik din ang tingin sa aking mata. Kinakabahan ako ngunit nilakasan ko ang aking loob.

"I-I think, I like you."

×××
Heto na, hahahaha. Sobrang busy talaga ako. Lol. Pero promise ko na mag-update ako agad ng chapter 12. Since inspired ang ateng niyo. Hahaha jk. Ja neeee.

Will You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon