Chapter 5

1.8K 45 1
                                    

Umuwi ako at hindi na nagawa pang pumasok. Nagkulong nalang ako sa kwarto at nahiga sa kama. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako ganito, naalala ko ang sinabi niya sa akin bago niya ako iwan na mangiyak-ngiyak.

"Yun na nga Drei, e! Kaibigan mo ako! Dapat nagsasabihan tayo ng problema diba?! Hindi mo ako magawang pagkatiwalaan!"

Napabuntong hininga ako at nagpa-ikot ikot nalang sa kama, 1pm palang at wala si nanay dahil may trabaho siya. Tinext ko nalang si nanay na umuwi ako ng maaga dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Habang nagtitipa ako, may kumatok sa aming bahay.

Mahina lang ang katok kaya no'ng una ay hindi ko ito pinansin, pero sa pangalawang beses ay dumami ito ng dumami kaya lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa may pintuan.

"Hi ate!" Sabay sabi nila Isha at Leb. Nakangiti sila at may mga dalang laruan at dalawang plastic.

Ngumiti ako pabalik at binati rin sila, "Hello Leb at Isha! Halikayo, buti naparito kayo?" Pinapasok ko sila at pinaupo sa may sala. "Nakita ka kasi namin ni Isha ate, tinatawag ka namin pero hindi mo kami pinapansin." Tumingin ako kay Isha at tumango ito ng maraming beses. "Tsaka ang lungkot mo kasi ate kaya heto o! Nagdala kami ng paborito mo." Tinaas niya ang dalang plastic at napangiti ulit ako.

"Kayo talaga, alam ba yan ng nanay niyo na may ice cream kayong dala?"

"Si nanay pa nga nagsabi na dalhan ka namin ng paborito mong ice cream ate, e!"

Tumawa ako at nagyayang pumunta sa kusina para mabuksan namin ang ice cream. Kumuha kami ng baso at kutsara, dahil dalawa naman ang dala nila pinuno namin ang aming mga baso at masayang kumain sa sala habang nanonood Despicable Me 2. Sa ilang sandali, nakalimutan ko na may tampuhan kami ni Andy. Kailangan ko humingi ng tawad sa kanya, dahil alam kong ako yung mali.

At kada naaalala ko yung malungkot niyang mukha nasasaktan ako. Ganon ba kasakit na itago ko sa kanya ang nangyayari sa akin? Gusto ko lang naman siyang protektahan at ayokong may iba pa siyang problemahin. Medyo nagkaproblema sila sa team nila, dadagdag pa ba ako? Pero nagkamali ako, mas nakadagdag pa ata lalo ang paglilihim ko sa kanya.

Habang nanonood kami biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha at nagbabaka sakali na si Andy ang nagtext. Ini-swipe ko ang screen at si nanay pala iyon, maaga daw siyang uuwi dahil natapos nila ng maaga ang ginagawa nila sa kanilang opisina. Napabuntong hininga ako at nanood nalang ulit.

Mga ilang saglit ay tumunog ulit ang aking cellphone at madali ko itong tinignan. Si Andy an nagtext! Mabilis ko itong binasa at napabuntong hininga ulit. Nagtipa ako ng irereply sa kanya.

Andy:
Nandiyan ba sila Isha at Caleb?

Ako:
Oo , nandito sila kumakain at nanonood. Nakauwi ka na ba?

Pinindot ko ang send at hindi ito nagsend, nawalan na ata ako ng load. Nagpaalam ako kina Isha at Leb na magpapaload lang saglit at tumango naman sila, ngumiti ako dahil ang cute nilang manood. Ang seseryoso ng mukha.

Pumunta ako sa kwarto at hindi na nag-abalang magpalit pa ng damit, naka-T shirt ako na may bear na printed sa gitna at naka-maong ako na kulay puti. Kinuha ko ang wallet at mabilis na lumabas ng bahay. Medyo malayo layo ang pinagloload-an, lalagpas pa ng mga apat na bahay. Habang naglalakad ako, napansin ko si Andy na naglalakad pasalubong sa akin. Tatawagin ko na sana siya ngunit may kasama siyang babae. Katawanan niya ito at malapit sa isa't isa.

Nag-init ang ulo ko at gusto ko silang sugurin! Pero mali itong nararamdaman ko kaya umiling nalang ako, tumalikod ako at babalik nalang sana ako ulit sa bahay pero tinawag naman ako ni Andy. Lumingon ako sa kanya at nakatingin silang parehas sa akin.

"Drei! Nandiyan ka pala!" Tila nagulat niyang sabi.

"Hello." Ngumiti ako sa kanya at sa kasama niyang babae. Ngumiti naman ito pabalik sa akin.

"Pauwi na nga ako, e. Sige maiwan ko na kayo." Aangal sana siya ngunit mabilis akong tumalikod at naglakad pabalik. Naiinis ako kapag nakikita ko siyang may kasamang babae. Normal lang ba ito? Siguro. Kaibigan ko siya kaya siguro hindi lang ako sanay na iba ang kinakasama niya bukod sa akin. Tama, baka yun lang iyon.

****
Hello! Sorry sa super late update! Tinamad kasi ako, tsaka puro kasi pasa kamay ko kaya ngayon lang napa-update. Hahaha. Short update ulit. Bawi next next time! Xoxo

Will You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon