Chapter 12

1.4K 44 7
                                    

Bakas sa mukha ni Andy ang gulat. Kahit ako kay nagulat sa aking sinabi. Marahan kong kinurot ang aking sarili at medyo yumuko, walang nagsalita sa amin.

Nagdadalawang isip ako kung babawiin ko ba ang sinabi ko o hindi, may parte sa akin na gusto ko talaga siya at may parte sa akin na hindi pwede dahil magkaibigan lang kami. Kaibigan lang ang turing niya sa akin, at turing ko sa kanya. Tama, iyon nga.

"I-I like you, as a-a friend," tumingin ako sa kanya bago sabihin iyon, tinignan ko siya sa mata at nakita ko itong gulat at napalitan ng lungkot. Bakit?

Tumango siya sa akin at niyaya na akong umuwi. Nauna siya sa aking lumabas at naiwan naman akong mag-isa. Ano ba itong nangyayari sa akin? Alam ko na straight-forward ako, ngunit bakit iyon pa ang sinabi ko? Naguguluhan ako. Ang gusto ko lang ay magpasalamat. Nagbuntong hininga ako at nagpasyang bumangon para makauwi na.

Nagpaalam kami kay ate Angie dahil sakto naman ang kanyang pagbalik. Tinanong niya ako kung maayos na ba ako at kung hindi pa ay pwede naman ako magpahinga pa sa kanilang clinic. Umiling ako at sinabing baka hinahanap na ako ni nanay.

Habang naglalakad kami ay walang nagsasalita sa aming dalawa. Nasa loob pa rin kami ng kanilang campus at marami pa ring naglalaro sa labas. Nakayuko lang ako at habang siya ay nasa loob ng bulsa ang kamay at seryoso ang tingin sa harap.

Hindi ko alam talaga ang sasabihin ko, ngayon lang ako nahiya at kay Andy pa. Pa-unti unti kong tinaas ang aking paningin at tumingin sa kanya. Seryoso pa rin ang kanyang tingin at medyo kagat kagat ang labi. Sa tagal ng tingin ko sa kanya ay hindi ko napansin ang paabang na tao sa akin kaya nabangga ko ito.

"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo miss!"

Humingi ako ng paumanhin at nahihiyang tumingin ulit kay Andy. Nakita ko siyang nakatingin don sa lalaki at tumingin pabalik sa akin, "Dahan dahan kasi." Hinawakan niya ako sa braso at hinila ako palapit sa kanya.

"Sorry." Yumuko ako ulit at nilaro nalang ang akin kamay, hindi niya pa rin bininitawan ang aking braso at narinig ko siyang bumuntong hininga.

"I like you too, Drei." Biglang bulalas nito. Napahinto ako at hindi mag-sink sa aking isipan ang kanyan sinabi.

"H-Ha? As a f-friend din, 'no?" Bahagya akong tumawa at tumingin sa kanya. Binitawan niya ang aking braso at seryoso na tumingin sa akin. Kinabahan ako ngunit tumingin din pabalik sa kanya.

"No, I like you," Nagulat ako "Not as friends, nor bestfriend."

Hindi ko mahanap ang biro sa kanyang sinabi, tila seryosong seryoso ito at sinseridad.

"P-Pero hindi ko a-alam kung iyon din a-ang nararamdaman ko s-sayo," yumuko ako at medyo nanlalamig ang kamay kaya pinaglaruan ko ito.

Hinawakan niya ako sa kamay at sinakop niya ito lahat, nakaramdam ako ng init at ramdam ko na safe ako sa kanya. Nagulat akong tumingin sa kanya at pumungay ang kanyang mga mata.

"Tutulungan kitang malaman mo ang nararamdaman mo para sa akin," lumunok ako, "Matagal ko ng nararamdaman ito sayo Drei. The first time I saw you, tumigil ang oras ko. Korni man o cheesy pero totoo." Tumawa siya ng bahagya at hindi pa rin binibitawan ang aking kamay.

"That time ang alam ko hindi pa rin ako nakaka-move on sa ex ko, pero huwag mong isipin na ginamit kita para makawala ako sa nararamdamam ko para sa kanya." Umiling siya at sumeryoso nanaman ang tingin sa akin, "Hindi ko sadyang gustuhin ka, lahat ng tungkol sayo kusa ko itong nagustuhan, kusa akong nahulog sayo."

"Alam kong maaga pa para masabi kong mahal na kita, pero alam ko sa sarili ko na iyon din naman ikahahantong nitong nararamdaman ko para sayo. Hindi kita minamadali Drei. Sinasabi ko ito para malaman mo kung ano talaga totoo kong nararamdaman para sayo. Kaya kong maghintay. At kaya kong tulungan kita." Ngumiti siya at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay. Wala akong masabi kundi ma-amaze at ma-overwhelm sa kanyang mga sinabi.

May nagtulak sa akin na yakapin ko siya at ginawa ko iyon. Natatawa siyang yumakap pabalik sa akin, "Parang tayong nasa movie tuloy." Aniya.

Tumawa ako at nagyaya ng umuwi. Masaya kaming nagkekwentuhan at ng bigla naming makasalubong ang kanyang ex. Nawala ang ngiti namin sa labi, tumingin ako kay Andy at seryoso nanaman ang kanyang mukha.

××××
Sabaw sabaw. Ngayon lang ako nag-update kasi stressed ako. Hahaha. Pero since marami pong naging interesado sa story ko at nagvovote, eto na! Hahahaha. Malaking sorry kasi sobrang tagal bago ako mag-updateeee! ;_____;

Will You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon