Wicked Chapter Twenty-Two

Start from the beginning
                                    

Maraming nakakita kay Cindy na umiiyak habang palabas ng ballroom. Nakita rin ng mga iyon ang pagbuntot ni Prince sa bruha palabas. Noong una ay wala silang mga ideya sa kung anong meron. Pero nang malaman nilang nagulpi si Zach—at ang nanggulpi ay ang pasensyosong anghel de la guardia ni Cindy na si Prince—napagtagpi-tagpi na nila ang kwento.

Naghiwalay na ang college queen bee at nobyo nitong babaero. Naniniwala ang lahat na ibang babae ang dahilan lalo't maloko nga si Zach. Hindi lang masiguro ng mga usisero kung nagkusa si Prince na bugbugin si Zach o ipinag-utos ito ng bruha. Mas marami ang naniniwala sa huli. Sa  pagkakaalam kasi ng lahat, hindi mahilig sa gulo si Prince. Ayaw nito nang may kaaway. Kaya imposibleng maisipan na lang nito ang manakit ng iba. Kung tutuusin, puro pagpapasensya nga ang ginagawa nito sa malditang dalaga.

"Anong kinalaman ng hayop na yon sa usapan natin?"

Stephanie pursed her lips. Nakaramdam siya ng paninibago nang mag-iba ang tono ng pananalita ni Prince.

"I was just saying... nalulungkot ako para sa kanya. Yun lang. And I know you feel the same for her. Siguro nga nag-aalala ka talaga sa kanya. For sure, she's feeling down right now—"

"No, she's not," he cut her off.

"Uh, really?"

"Yes. Cindy's perfectly fine." She doesn't need that bastard!

"Ah, talaga?" Hindi lang pansin ni Prince ngunit may panghihinayang sa boses ni Stephanie. Akala pa naman niya ay nagdurusa ngayon ang bruha.

"Well, that's good!" labas sa ilong na pagpapatuloy niya. "Akala ko kasi malungkot pa rin siya. Bali-balita kasing umiiyak siya kagabi. Nagi-guilty tuloy ako. Pinigilan pa kitang damayan siya kagabi. You know you were right when you said she needs you."

Nakakunot ang noo ni Prince nang muli niyang balingan si Stephanie. Nag-iinit talaga ang dugo niya sa tuwing maaalala niya ang ginawa ni Zach kay Cindy.

"Can we not talk about this, Stephanie?"

"Ow, sabi ko nga eh. Ikaw naman kasi, ang lalim ng iniisip mo! Akala ko tuloy si Cindy na naman. You know I'm really grateful you're here right now. Feeling ko bumabawi ka sa pang-iiwan mo kagabi. Kaso ang lalim lang talaga ng iniisip mo kanina."

Yumuko si Prince at muling bumuntong-hininga. "I'm sorry."

Ngumiti lang si Stephanie, umiling at hinawakan ang isang kamay ni Prince. "It's okay, my Prince, I understand. And from now on, I promise to always do what I can to understand you."

Napailing na lang si Prince. "No. I'm sorry. Ang totoo—"

"My Prince, I said it's okay. I understand."

Yumukong muli si Prince. Nang sandaling mag-angat ulit siya ng tingin, nakita niya ang magandang ngiti ng dalaga. Agad nawala ang ngiting iyon nang sa wakas ay masabi na niya ang talagang ipinunta niya:

"Stephanie, let's end this."

Natahimik si Stephanie. Ayaw atang iproseso ng utak niya ang narinig niya. She blinked afew and forced herself to smile, "A-Ano?"

Sumagot si Prince sa mahinang boses, "Mag-break na tayo."

Pinilit na lang ni Stephanie ang sariling tumawa. Iniisip niyang dapat siyang tumawa dahil isang malaking biro lang ang lahat.

"Hey, hey, what's this? Ano bang... ano bang kalokohan 'to?"

"Stephanie, hindi 'to kalokohan. I'm breaking up with you."

"Hey! Why? May... may nasabi ba 'ko kanina na hindi mo nagustuhan?"

"No, hindi sa ganon."

"E ano? Bakit? Kanina okay lang tayo ah? Now you're telling me that? You're telling me that you're breaking up with me? Bakit?!"

Stephanie was starting to get hysterical. Hindi niya talaga alam kung bakit bigla-biglang nakikipagkalas si Prince sa kanya.

"Stephanie, para sa'yo rin naman 'to eh."

"Sa'kin?" Stephanie let out a sarcastic smirk when she thought of something. "Si Cindy... si Cindy na naman ba? May sinabi na naman siya, 'no? Siya lang naman ang—"

"Walang kinalaman si Cindy rito," mahinahong putol ni Prince sa sinasabi ni Stephanie. "Desisyon ko 'to. Ako ang may gusto nito."

"Oh? Talaga?" Halata sa boses ni Stephanie ang pagdududa. "Sige nga, eh bakit ka nakikipag-break?"

Hindi kita mahal. "Basta," sagot niya.

"Anong basta? Hindi pwedeng basta! Sabihin mo sa'kin! Si Cindy, di ba?  Gusto niyang mag-break na tayo? Alam mo, siya lang naman ang pwedeng dahilan mo eh. Prince, bakit mo ba kasi kailangan sundin lahat ng sabihin niya? Mas mahalaga pa ba sa'yong sundin ang gusto niya kaysa sa relasyon natin? Hihiwalayan mo 'ko dahil yun ang sinabi niya? Dahil 'yon ang inutos niya?"

"Stephanie, please," ang tanging nasambit ni Prince. Naroon ang pagnanais niyang kalmahin ang babae. "Walang kinalaman si Cindy rito. Sarili kong desisyon 'to."

"Oh? Talaga? E bakit hindi mo masabi sa'kin yung reason mo para makipag-break? Kasi wala naman talaga? Kasi si Cindy lang naman ang may gusto nito?"

"Alam mo," panimula ni Prince. Nag-uumpisa nang maubusan ng pasensya si Prince. "Walang pupuntahan 'tong usapang 'to."

"Talagang wala dahil ayaw mong sabihin ang totoo."

"Stephanie, ano bang mapapala mo kung malaman mo?"

"Marami! Alam mo, kung talagang may problema lang tayo, kung totoong wala 'tong kinalaman kay Cindy, edi sabihin mo. Ayusin natin kung ano man ang problema. Pag-usapan natin. Hindi yung ganito! Bakit kailangan nating maghiwalay samantalang okay naman tayo?"

Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ni Stephanie. Mabilis kasing nangilid ang mga luha niya.

"Prince, why are you doing this to me? Don't you love me?"

Tuluyan nang nagbagsakan ang mga luha ni Stephanie ngunit hindi manlang natinag si Prince. Hindi rin siya nagsalita kaya nagpatuloy si Stephanie.

"This is so unfair! I'm pretty sure siya talaga ang may gusto nito eh. Ano, porke broken-hearted siya igagaya ka niya sa kanya? At ikaw, payag ka naman?"

Naisuklay ni Prince ang kanan niyang kamay sa kanyang buhok. "Stephanie, I told you, walang kinalaman si Cindy rito!"

"At ipagtatanggol mo pa siya? Talagang ipagtatanggol mo pa yung bruhang yon samantalang siya 'tong sumisira sa'tin?"

"Alam mo, ang kulit mo! Paulit-ulit ka na lang! Nakakasawa na!"

"So ano, yan ang idadahilan mo sa'kin ngayon?"

"I'm sick of this, really. I'm sorry."

"Prince?"

"I'm sorry." Matapos sabihin 'yon ay tumayo na siya’t tinalikuran si Stephanie. Nag-umpisa na rin siyang humakbang palayo.

Hinabol siya ng tawag ni Stephanie ngunit hindi niya ito nilingon. Ni hindi siya huminto sa paglakad. Desidido na talaga siyang tapusin ang lahat sa pagitan nila.

The Wicked CinderellaWhere stories live. Discover now