Chapter 3

12 1 0
                                    

Stitch Your Wounds Up...





East's  POV...

Pagkatapos kaming sabihan ng principal kung ano ang punishment, kailan ipapagawa ang punishment, at kung ano ang magiging parusa kung hindi sumunod sa pinag-usapan si November.

'Para namang nasa isang sindikato siya'

Sabay kaming nagpaalam sa kanya at lumabas na ng Principal's office. Pagkalabas namin ay wala ng tao dahil siguro sa may mga classes na. Nangyari kasi ang gulo nila ng recess dahil 15 minutes lang ang recess ay natural may classes na eh nagtagal kami ng mahigit isang  oras doon kaya wala na talagang tao sa hallway.

Liningon ko si November at ng akmang pupunta na ito sa klase niya ay pinigilan ko siya.





November's POV...



"San ka pupunta?" Tanong bigla ng kasabay ko. Liningon ko naman siya at kinootan ng noo.

"Papasok malamang. May classes pa'ko" sabi ko sakanya pero tinaasan lang ako ng kilay.

"Sa itsura mong yan papasok?"

'Ano daw? Aba! Aba! Nangiinsulto ba to?!'

Tinignan ko siya tsaka sinagot "Eh ano ngayon? Di naman nagsasabi ditong bawal pumasok sa klase kasi pangit ako diba?" Sa pagsagot ko sakanya ay nag iba ang kanyang mukha na kaninang nakataas lang ang kilay kanina ay ngayon ay nakakunot na ang noo.

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin November." natigil naman ako sa biglang pagbangit niya ng pangalan ko

'Hindi iyan ang ibig kong November'

'Hindi iyan ang ibig kong November'

'Hindi iyan ang ibig kong November'

Nagpaulit-ulit ito sa pandinig ko. Unang beses ito na tinawag niya ako sa first name ko.

Mas lalo pang kumunot ang noo niya "November"  pagtawag niya ulit sa akin na nagpabalik sa wisyo ko.

"Ah.... ano...pasok nako" pagkasabi ko sa kanya ay kumakad na ako pero nakakatatlong hakbang palang ako ay nagsalita ulit siya.

"Makakacause ka lang ng commotion doon kung pumasok ka" natigil naman ako don.

'Commotion? Bakit naman ako magcacause ng ganon?'

"Hindi naman po ako manggugulo don Mr. Shepherd, sa totoo nga non eh papasok ako dahil sa gusto kong matuto" pagsasabi ko sakanya

"Tss. Ang ibig kong sabihin eh magcacause ka ng commotion dahil may mga pasa at sugat ka pa na hindi pa nagagamot. Hindi naman lahat alam na naparambol ka at baka makasama pa ito sa tingin ng ibang estudyante sa iyo." Mahabang pagpapaliwanag niya

"Yun lang naman pala eh! Dami sinasabing hindi pwede! Eh ano naman ngayon kung mapasama pa ito sa tingin ng ibang tao? Hindi naman nila alam kung ano ang ginawa ko hindi ba? Kaya mauuna na ako sa iyo MR. SHEPHERD!" Pagdidiin ko sa huli. Nabwebwesit nako sa kanya, damidami sinasabi eh yun lang naman pala ang reason niya.

"Hindi ba bilin sayo ng mommy mo ang pagpapagamot mo sa mga sugat mo?" that stop me. Nakalimutan ko.

'Aish naman kasi eh.'

"Konting galos lang naman ito kaya okay lang. Pwede ko nalang ipagamot ito mamaya" sabi ko nalang sa kanya. Ayokong ipahalata na nakalimutan ko no!

"Tss. Konti? Nakita mo na ba mukha mo?" Irita niyang tanong sakin.

"Wala pa. Walang salamin don sa office eh" casual kong sabi. Napaawang naman ang bibig niya sa sinabi ko at napahilamos ng buhok.

Shepherdly KeepsWhere stories live. Discover now