Chapter 1

20 1 0
                                    

Her trouble...

East POV...

"Pare, pare pare!" tawag sakin ni Drake. Kaibigan ko at isa sa mga servants ng SBO.

"Why are you back here again Drake?" tanong ko habang tinignan ko siya at ibinalik ang tingin sa mga papeles na pinipermahan ko.  Kasi kaka alis palang nito sa office namin eh tapos bumalik na naman? Ano trip nito?

Ibinalik ko nalang abg paningin ko sa mga papel na pinipirmahan ko

"Naks makatanong to! Bakit bawal ba? Ha?! Dali!" Tanong niya sakin na parang na inis sa tanong ko

"Tss. San? " tanong ko sa kanya habang nakatuon parin ang mukha ko sa mga papeles.

Aba't niyayaya niya ako! Ano trip neto at nangyayaya? Ang alam ko eh breaktime na kaya magpapasama to cafeteria.

"Tss. Ano ba yan! Breaktime time na! Aba't hindi ka ba kakain? Tara na!"

"Tss. Dami ko pang ginagawa. Kita mo to? Dami no? Baka gusto mong ikaw nalang magpirma neto? Ano gusto mo?" napa iling na naman siya at tumawa. Sininghalan ko naman siya

'Ulol'

"Aba't pre parang iba na yan ah! Diet ka ba? Hahahaha" malakas na tawa niya

"Ulol! Labas na! Kung ayaw mong pakick out kita dito! " pagpapalayas ko sa kanya. Mas tumawa pa ito ng malakas at pumunta na malapit sa may pintuan

"Geh...geh oo na oo na diet ka na pre! Hahahahaha geh una na ko sa caf! Kita nalang mamaya! Hahahahaha!" pagkasabi niyang yon ay sinara ang pinto

'Ulol!  Buti umalis na yun. Baka hindi pa ko matapos sa liquidation na ginagawa ko. Kaka asar lang yun! Badtrip kasama. Tss.'

Napabuntong hininga nalang ako at tinuonan nalang ng pansin ang mga papeles na nasa harapan ko. Ganyan talaga ang trabaho ko lalo na't kakatapos palang ng first event sa school year na ito. Ngayon palang ay July. Nutrition Month at eto ako ngayon ay nagliliquidate ng lahat nang ginastos ng school. Shepherd nga naman ako. Napabugtong hininga nalang ako.

Pagkatapos ng  ilang mga minuto ay natapos na'ko. Naligpit ko nalang yung mga papeles at inayos na ang ipapasa at lumabas na ng opisina.

Yup may sariling opisina ang SBO. At ako yung shepherd sa school na ito.

Ito nga pala ang Saint Vincent Ferrer Academy.  Isa ang paaralan na ito sa pinaka kilala't pinakamalaking  paaralan dito sa lugar namin

Papunta nako sa cafeteria ng may narinig akong mga nagsisigawan. Nasa may bandang likod ito ng isang building ng school kaya kailangan kong takbuhin ito.

Pagkarating ko doon ay nakita ko ang mga istudyanteng nagkukumpulan at nagsisisigaw ng kung ano ano. Pinalilibutan nila ang dalawang istudyante, isang lalaki at isang babae.

May nakita din akong mga nakahilata ng mga limang lalaki. At pagtingin ko sa nalilibutan ng mga istudyante ay nabigla nalang ako ng makita si Ember. Siya yung kalaban ng lalaki.

Akmang susuntukin na siya ng lalaki ay pero nailagan niya iton at sinapa sa may bandang tyan ng lalaki. Namilipit ito sa sakit at akmang susuntukin ulit siya pero naunahan siya ni Ember kaya bumagsak na ito sa lupa.

Tumayo ulit ang lalaki at akmang susuntukin ulit si November pero lumapit na ako at ipinatigil ito.

"What is happening here?! All of you that are not involve in this fight go back to your classes now! Ms. Myth! Mr. Garcia and company in the guidance office now!" Pagtigil ko sa kanila. Nagsipagtinginan silang lahat sa akin at tinignan ko naman ang ibang mga istudyanteng nanonod at nagsipag alisan naman sila isa-isa. Binalik ko ang tingin ko kayla Garcia at Myth.

Tinignan ko ang grupo ni Garcia, nakatayo na ang mga nagpakahilata kanina at inaalalayan si Garcia. Nagsidatingan naman ang ibang mga opisyal at tinulungan sila papunta sa office ng guidance councilor. Tinignan ko si Garcia at putok ang labi nito. Napansin ko din na may tinitignan siya kaya sinundan ko ito at nakita ko si Myth na nakangiti lang sa kanya habang inaayos ng mga kaibigan niya ang kanyang damit.

"You may have won this time Myth! But next time you'll surely die!" Sabay lakad paalis ni Garcia. Sinundan ko naman ng tingin siya.

Sarap bangasan kng hindi ko lang pinoprotektahan ang pagiging equal ko sa lahat! Ka lalaking tao pumapatol sa babae? Bakla ata to!

"Sige ba! Aabangan ko yan!" Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita ko si Myth pala na parang tuwang tuwa kay Garcia.

"Ember ano ba! Tama na yan. Dumudugo na bibig mo oh" suway sa kanya ni Grey. Isa sa bestfriends niya.
Tinignan ko siya. Putok na yung labi niya at dumudugo na. Nakatungo nalang ito na nahihiya at tumatawa pa.  Pinagpapatuloy parin ni Grey ang pag aayos kay Myth habang salubong ang kanyang kilay.

"Ano ka ba naman Ember! Tss. Nakainis ka na ah! Sinabi ko na kasi sa iyo na wag mo ng patulan, pinatulan mo pa din! Ano ka ba naman!" Parang nanay pinapagalitan naman na sabi ng isa pang kaibigan niyang si Jazz.

Tinignan ko ulit si  Myth at umiwas naman ito papalayo sa mga kaibigan niya at pumunta sa isang lalaking nakasalamin. Matangkad iton ngunit payat. Hindi naman masyado parang yung tipo  lang na nerd style parang ganun.

"Ayos ka lang ba Seth?" tanong niya sa lalaking nilapitan niya. Inilahad niya ang kanyang kamay para matulungan siyang makatayo.

"Ayos lang ako. Pasensya na November at nadamay ka pa sa gulo ko. Sorry talaga" sabay tungo niya kay Ember

"Hahahahaha ano ka ba naman Seth okay lang yun noh! Sanay nako dyan! No probs" sabay tawa niya

'Napailing nalang ako sa sinabi niya. Parang sanay na sanay na nga'

"Wow! Sanay na pala ah! Hoy Ember ano ka ba naman sanay na ah! Nakikita mo ba yang mukha mo?! Dumudugo pa yang labi mo oh!" pagsita sa kanya ng kaibigan niya na naka cross arms pa na sumisigaw. Si Zacheiah

Napakamot nalang sa batok si November at napatingin sa mga kaibigan niya na napapatawa.

"Hahahaha sorry naman po" napailing nalang ito sa kanya

"Ano ba yan! Ember tama na yan! Tara na nakakahiya na sa boung council naghihintay na sila sa atin oh!" sabay turo sa amin.

Napatingin naman siya sa direksyon namin at napakamot sa batok at napangiti ng nahihiya

"Sorry hehehe tara na po" sabay lakad sa mga kaibigan niya at lumakad na sa may hallway

"Let's go" biglang sabi ni Lucas. Tinanguan lang siya nina Grey at nagsimula na silang maglakad


Hallway....

"East bakit di mo kausapin?" Tanong sa akin ni Herald. Tinignan ko naman si November at umiling nalang sa kanya

"Ayoko. Bakit ko naman kakausapin?" sabay iling ko sa kanya

"Lol! Shepherd ka ano ka ba naman! Syempre kailangan mong tanongin kung okay lang ba siya, ano ka ba naman?!" inilingan ko nalang siya at tinignan ko si November.

'Iba talaga tong babaeng to. Kahit putok na yung labi tumatawa parin. Ewan ko ba kung sadista ba to o ano lang'

Tinitignan ko lang siya ng bigla may bumulong sa likod ko

"Makatitig ka pre ah" napatingin naman ako sa likod ko at nakita si Drake na nangisi

"Ano?" nanatili lang siyang nakangisi sa akin at inginguso ang tinutukoy niya. Sumunod naman ako sa nginguso niya.

'Si Ember?'

"Tss." singhal ko nalang sa kanya at ibinalik ang tingin ko kay Ember

"Ewan ko sayo pre pero makatitig kasi iba eh, hahahaha"

"Bahala ka nga dyan" di ko naman na siya pinansin at lumakad na siya palayo sa akin na tumatawa.

Napailing nalang ako at tumingin muli kay Ember ng.....



She






































She

















She smiled at me?

Shepherdly KeepsWhere stories live. Discover now