"ikaw? magaling na yung braso mo?"tanong nya.

"ayos na, alam mo ba may magic potion si Belle para makapagpagaling ng sugat? tingnan mo wala ng marka"

"I see.. good to hear that"

"you can have some Prince Sean! Maraming alam tong girlfriend ko sa mga magic medicines! haha!"sabi naman ni Dre na nakaakbay kay Belle.

"Nasa box dun sa kusina! May isang bote pa ako dun!"sabi ni Belle.

"Tara na Prince Sean, gamutin na natin yan agad bago pa ma infection"alalang sabi ni Merielle at hinila si Sean sa kusina.

t..teka? akala ko ba ako yung maggagamot sa kanya?

pati ba naman yung pagggamot Chichi?

"oh yung nguso humahaba.."bulong sakin ni Belle na nakangisi sakin kasama si Dre.

inirapan ko nalang sila pareho at binigay yung dog food sa kanila.

"Chi! sasaglit lang kami sa bilihan ng condiments ah? ikaw muna dyan kasama namin si Churva, mabilis lang kami"sabi ni Belle at lumabas na sila bitbit si Churva.

"hey.. magaling kana?"bulong sakin ni Jae na nasa tabi ko na pala.

ngumiti ako at tumungo sa kanya.

"thank you ah"mahinang sabi ko.

Ngumiti naman sya at pinisil bigla ang pisngi ko.

"ikaw bigla kang nawawala, buti nalang iniwan kita kay Prince Sean.. alam ko namang hindi ka nya papabayaan"

"hehe..sorry nung araw na yun, nahimatay kasi ako tapos paggising ko nasa hospital na ako"

"ibig sabihin nainjectionan ka?"taas kilay nyang sabi pero nakangiti.

"oo"

"hindi ka natakot?"

"natakot. actually umiyak pa ako nun pero nandun naman si Sean at nilakasan yun loob ko"

"aahhh.. mabuti hindi kana takot"

"bakit nga pala kayo nandito ni Merielle?"

"Nagpasama sakin si Merielle, gusto ka kasi nyang makausap at humingi ng sorry"

"ahh..hehe.. naku hindi na yun kailangan.."napatingin ako sa kusina at nagulat ako ng makita si Sean na nakatingin sakin at nakakunot ang noo.

Nasa bungad kasi sila ng kusina.
Nakaupo si Sean at nakatingin sakin habang ginagamot sya ni Merielle.

ano na namang problema nya?

"Uhh... pupunta lang ako sa kwarto saglit, magpapalit ako ng damit"

"o sige"

umakyat na ako sa taas at nagpalit nga ng damit dahil natalsikan ako ng putik kanina.

Si Sean din pala may putik din sa damit.

Aalis na sana ako ng biglang umilaw si Book.

agad akong lumapit sa night desk at inabangan sya.

bumuklat ang libro at may lumabas na mga letra.

NAGKAMABUTIHAN ang prinsipe at dalaga matapos ang sakunang dumating sa dalaga, madalas na silang lumalabas ng magkasama, at nagdaan na panahon ay unti-unti ng lumalalim ang nararamdaman nila sa isa't isa, gabi gabi ay walang sawa sila sa kakaisip sa isa't isa at pagpapalitan ng mensahe sa telepono. Bawat minuto at oras ay hinihiling nila na magkasama palagi.

Matapos kong mabasa ito ay napabuntong hininga ako.

Bakit? Bakit ganito yung feeling?

ano?anong feeling mo?

✔Book ApartWhere stories live. Discover now