IJL (A Night TO-GET-HER)

Start from the beginning
                                    

"Eto naman parang—aish! Dito ka sa kama. Ako na lang sa sahig."

"Okay lang ako dito. Mas kumportable nga eh."

"Jasmine..."

She sighed. Saka naupo sa gilid ng kama. Bale, nakatalikod pa rin sya sa 'kin. Hindi ko nakikita yung mukha nya pero parang alam ko na yung expression. Malungkot. At parang iiyak.

Ganun na ba kami ka-distant? Dati-rati palagi akong natutulog sa kama nya. Minsan naman, natutulog sya sa kwarto ko. Tabi kami...

Well... before that.

Bago nya nalamang mahal ko sya...

Bago naging kami.

Bago nagulo lahat.

"Lalabas lang ako. Matulog ka na." Lumabas ako at naghanap ng hangin. Kapag naaalala ko yung dati... naninikip ang dibdib ko. Ewan... nagkakasakit na ata ako sa puso...

Nagawi ako dun sa terrace.

*Gale*

Weeee! Si Toby ba yun? Ba't ba kahit nakatalikod ang gwapo nya? Haha... eh ako na nga kase ang obsessed! Mabuti na lang talaga at lumabas ako ng kwarto na yun!

Chance na!

"Hi!"

Lumingon sya sa 'kin at... umismid. Tapos umirap. Tapos napabuntong-hininga.

"Pag minamalas nga naman..." Bulong nya. Bulong na sinadyang iparinig sa 'kin.

Saka sya umalis.

Napadungaw na lang ako sa terrace... parang...

Ang sarap sarap tumalon. :)

*Femi*

"Femi... tao ka ba?" Tanong ni Author. Magkatabi kami sa kama. Pareho ng naka-pantulog at matutulog na lang. Patay na nga ang ilaw eh. Patay din ang aircon. Lamigin pala kase kami pareho kaya electric fan na lang.

"Huh?" Eee... ano ulit yung tanong nya? Kung tao daw ako? Mukha ba 'kong alien?

"Eh kase... ba't ano ka dyan. Blank ka lang. Parang wala kang pakiramdam?"

"Masama ba?"

"Oo. Nakakatakot eh..."

"Ganun? Sabagay, sabi nga nila para daw akong serial killer eh. Babait-bait sa una pero 'wag kang tatalikod kase baka—" >:)

"FEMI!"

"Ahahaha! Eh ikaw kase eh! Ano ba namang klaseng tanong yan?"

"Haynaku. Abnormal!"

"Haha. Good night na nga."

"Good night."

Tapos tumalikod ako sa kanya.

Hmmm... ano kayang ginagawa nung iba ngayon? Baby? Whahaha... asa kayo! Sila? Eh kung pagpalitin pa baka! Pero hindi rin pala...

Wala. Safe sila sa isa't isa.

Walang mangyayare...

*Gale*

Patay na 'ko. Wag ng gawan ng POV.

.

.

.

.

Joke! Haha.... masarap tumalon pero ayoko mamatay. Sayang ang kagandahang taglay! Madaming iiyak! Hindi pwede... lalaki lang yan Gale!

So eto, kakagaling ko lang sa CR, nag-freshen up ako saka nagbihis. Mga 30 minutes din ako dun. Nag-isip pa 'ko eh. Bakit ganun noh? Mas nakakapag-isip ng ayos kapag nasa banyo? Haha... Tanong lang.

Anyways...

Pagbalik ko ng kwarto, patay na ang ilaw. Nakahiga sa sahig si Rico. Namamaluktot. Kase yung kumot nakalatag sa sahig. Kaya wala syang pantaklob sa sarili nya...

Eh pakialam ko ba? Ginusto ko bang magkasama kami sa kwarto?

Pano kung mamatay sya sa lamig?

Eh di condolence!

Oh—galit ka na nyan sa 'kin? So?

Don't like me?

Then have a seat with the rest of the bitches waiting for me to give a fck!

I don't give a damn okay?

Matutulog na 'ko.

A few hours later>>>>

"AAACCHOOOOO!"

Shit. Pang-ilan na yan! Kanina pa sya bahing ng bahing! Ayaw ba nyang magpatulog?!

"ACHOO!"

"Pwede ba!"

"S-Sorry... nagising ka ba?"

"Hindi! Tulog ako! Duh!"

"Hehe.. pwede bang hinaan yung aircon? Ang lamig kase eh..."

I saw him shiver. Yakap yakap nya yung katawan nya. How pathetic. Ang hina hina ng aircon, nilalamig na sya?

"Ayoko! Papawisin ako!"

"O-Okay...good n—ACHOO!" He sniffed.

Binato ko sya ng isa pang kumot. Not that I care but—ugh. Maingay.

"T-Thanks..."

"Don't thank me."

"E-Eh di w-w-welcome..."

"Tss. Whatever."

I slumped back to bed. Thankfully naman, natahimik na sya. Baka patay na? Haha... joke lang! Kayo naman... mahal nyo kase si Rico. Ayan oh—inyong inyo na!

Ay wait—

Di pala pwede...

Kay Femi na yan eh. ^^

I Just Loved (COMPLETED)Where stories live. Discover now