Nang isang beses na magdedeposito ng pera sa bangko ang kanyang daddy, ay nagpasama ito noon kay Romy, ang ama ni Matthew. Habang papunta raw noon sa bangko ay may humarang ditong mga kalalakihan at hinoldap ang dalawa. Nanlaban ang kanyang ama at sasaksakin sana ito ng isa sa mga holdaper subalit napigilan iyon ng tatay ni Matthew at sa halip na ang daddy niya ay si Romy ang nasaksak sa tagiliran. Natakot daw marahil ang mga holdaper nang makitang nakasaksak ang isa sa mga ito kaya nagmamadaling nagtakbuhan at iniwan ang kanyang ama at si Mang Romy. Mabuti na lamang at hindi napuruhan si Mang Romy. Binata pa ang kanyang daddy nang magyari iyon habang si Mang Romy naman noon at Aling Lydia ay may anak na,at iyon nga ay si Matthew.

Humanga ang daddy niya sa katapangan na ipinakita ng tatay ni Matthew.Magmula noon ay naging kanang kamay na ng kanyang ama si Mang Romy. Nagkasundo ang mga ugali ng dalawa. Ito lang ang nag-iisang pinagkakatiwalaan noon ng kanyang daddy. Doon na nagsimula ang pagiging matalik na magkaibigan ng dalawa. Tila magkapatid daw kung magturingan ang mga ito, ayon sa kuwento ng daddy niya. Malaki ang utang na loob na tinatanaw ng kanyang ama sa tatay ni Matthew. Kung hindi dahil dito ay baka hindi na raw siya naisilang. Kaya naman ng pumanaw ang mag-asawa ay hindi na nagdalawang isip ang kanyang ama at kinupkop na si Matthew.

Nakikita na rin naman niya noon ang lalake, pero she never pay that much attention to him. Nang lumipat si Matthew sa bahay nila, they grew up together,they became close, he was her protector. Kamamatay lang noon ng kanyang ina. Dahil siguro parehas silang nawalan ng mahal sa buhay kaya tila nakasumpong siya ng kakampi rito. And when puberty took over, that was also the time when she started to look at Matthew as a man. She confessed her feelings but he rejected her, nakababatang kapatid lamang daw ang turing nito sa kanya, at kung ano man daw ang nararamdaman niya ay lilipas din iyon. But he was wrong, because the way she felt for him back then and the way she feels for him now ay walang pagkakaiba. He's still the love of her life and she will do everything para mahalin din siya nito.

When they were in highschool, kapag nababalitaan niyang nagkakaroon ng girlfriend si Matthew ay inaaway niya kung sino man ang babaeng iyon. Binubully nila ng mga kaibigan niya. Maldita as she was, hindi niya tinitigilan ang mga nagiging girlfriend ng lalake hanggang hindi naghihiwalay ang mga ito. She was young kaya mabilis din siyang pinapatawad ni Matthew at dahil siguro bata pa rin noon ang lalake at hindi pa seryoso sa mga nakakarelasyon nito kaya balewala dito kung maghiwalay man ito at ang girlfriend nito. Minsan pa nga, dahil siguro sa awa nito sa mga nagiging girlfriend na binubully niya ay ang lalake na mismo ang kusang nakikipaghiwalay.

Laging pinapatawag noon sa principal's office ang daddy niya. There was one time na muntik na siyang makick out sa school dahil sa pangtotorture niya sa girlfriend noon ni Matthew. She became a problem to her dad. So her father came up with a solution and made a deal with her. Naaalala pa niya ang pag-uusap nila noon.

"Why do you keep on doing this Chari? Do you really like Matthew that much na kailangan mong manakit at mambully ng schoolmate mo?!" galit na galit na singhal ng daddy niya sa kanya.

"I don't like him dad, I love him! Hindi siya puwedeng mapunta sa iba, sakin lang si Matthew. Those other girls don't love him the way I do." Puno ng conviction na sabi niya.

"But you can't keep doing this! Baka sa susunod sa presinto na ko ipatawag dahil sa mga pinaggagagawa mo."

"I have to do this Dad, hindi puwedeng mapunta sa iba si Matthew. Mahal na mahal ko siya."

"Enough with this nonsense Charito!" tila napuno na ang daddy niya. "Kung anuman iyang nararamdaman mo para kay Matthew, mawawala rin 'yan. You're too young, marami ka pang makikilala, you have a lot to experience, and this thing with Matthew, lilipas din 'to."

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now