“Hay naku!!” kami ni Paolo habang papunta kaming canteen

“Naku wag!!” napalingon kami sa likod at makita si Micarla

“Ha?” si Paolo

“Uhm sorry ha it’s just that please don’t post anything in twitter that I’m here!” sabi niya habang yakap ang isang libro

“Bakit naman?” si Paolo, chismoso ‘tong lalaking ito -__-

“Kasi—“ hindi na siya nakapagsalita dahil

“Girl, okay I won’t. Britney Sanchez!” sabi ni Britney sabay lahad ng kamay para makipag shake hands

“Nice meeting you Micarla Samson, Mica for short!” siya sabay ngiti

Hmmm gusto ko siya, mabait, maamo ang mukha at palangiti.

Carmella Hernandez, call me CC!” ako at nakipagshake hands sa kanya

“Paolo Carpio!” ganun din si Paolo

“You wanna join us in canteen?” ako

“Really you want me to?”

“Of course, yun ang tambayan namin kapag naghihintay kami ng next class! Tara!” ako

Sumabay nga siya samin, at marami siyang sinabi samin tungkol sa buhay niya. Palasalita rin pala siya, kaya bagay sila ni Britney. Naging close agad namin siya.

Oo nga pala, madami ding nakakakilala sa kanya dito sa campus kasi halos lahat twitter followers niya. Kaso hindi siya nakikilala kasi iba ang itsura niya ngayon

“Ayokong malaman ng lahat na nandito ako sa Pinas because I’ll surprise my first love!!” bulong niya samin

Kinakabahan ako bigla sa sinabi niyang ‘first love’ niya. Hindi ko naman alam kung bakit kaya binalewala ko nalang

Yun nga ang dahilan niya, kasi sa twitter at sa London ay kilala siya bilang Micarla na puno ng make-up ang mukha. Siya mismo ang nagsabi niyan, kaya nga natawa kami. Napakakulit niya, pati sarili minamaliit. Ngayon wala siyang make-up pero hindi halatang haggard siya dahil sa make-up tulad ng iba na nag-iiba ang itsura kapag walang make-up.

She’s a half-Filipino and half-German. Pero kung makatagalog parang dito lang sa Pinas nakatira kasi nga daw her mother talks to her in tagalog.

“Bakit ka nga pala lumipat dito Mica?” tanong ni Paolo na halatang interesado kay Mica

“I came here to see my first love at tuparin yung pangako naming magsasama kami kapag babalik ako ng Pinas for good!” sabi niya na naeeksayt talaga

“How romantic naman, I wish you all the best girl!” sabi ni Britney sabay apir kay Mica

Kinabahan ako ulit kaya sumubo nalang ako ng mango float.

Kumusta na kaya si Black?

Ngayon ay naiintindihan ko na siya kung bakit ang suplado niya dahil may mapait siyang kahapon, (Lalim ng mapait na kahapon :p) anyway gusto niyang ipakita sa lahat na matapang siya and he’s trying to cover his pain by being bad.

BOOK 1: Hired Boyfriend [Kathniel]Where stories live. Discover now