"Uhh.. ano kasi." Akira held my hand which made me look up to him.


"Whatever it is, you don't have to tell me." He smiled at me. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa akin, na-realize niya din yata yun kaya agad niyang inalis. His ears instantly turned red. I chuckled.


"Aki can I tell you a secret?" Sandali pa siyang natigilan dahil sa tanong ko. Then he smiled and nodded my head. Akira has always been so nice to me. Siya ang palagi kong kwentuhan ng mga nangyayari sa buhay ko noon. Tahimik kasi siya at alam kong nakikinig talaga siya pag nagkukwento ako sa kanya.


"You know I won't tell."


"Promise me you won't judge me."


"I—I have—" Huminga ako ng malalim at yumuko upang tumingin sa ice cream na nasa harap ko. "I already have kids."



"What's wrong about having kid?" I was about to correct him with kids. Plural pero hinayaan ko nalang siya.

"I—I'm not married. Wala akong asawa."I waited for him to talk. Pero tahimik lang siya at hindi nagsalita. I looked at him and he's softly looking at me.


"Mori, you know I was raised by my mother alone. Hindi din sila kasal ni papa—well, not until I was eighteen. You know the story." He pointed out.

Oo nga pala. Nabuntis ang mama niya ng hindi alam ng papa niya. His mother found out that she was pregnant after they broke up and his father went back to Japan. Kaya noon hindi Yukihara ang gamit niyang apelyido. Nalaman lang ng papa niya ang tungkol kay Akira ning eighteen na siya.

"So? Magkukwento ka na ba?" Ibinalik ko ang tingin sa ice cream.


"Masiyadong mahaba ang kwento ko. Mabo-bored ka lang."

"Mori, kelan pa naging boring ang kwento mo? Nothing about you is boring." I rolled my eyes at him.

"Tse! Ang sabihin mo, tsismoso ka lang." Hinampas ko siya sa braso at natawa kami pareho.


"Seriously Mori, sabihin mo sa akin kahit ano tungkol sayo makikinig ako." I looked him in the eye and I can tell that he's sincere about it. He raised both his eyebrows. "So?"


Matagal tagal ko na din gustong magkwento sa kaibigan. Yung makikinig sa akin. Yung hindi ako huhusgahan. Ngayong mga nakaraang araw kasi wala akong mapag kwentuhan. Si Sofia at Idan busy sa pagbubuntis ni Sofia, nung araw na magkikita sana kami dumating naman ang ama ni Eros.


Hindi naman ako makapag kwento kay Belle at Iris dahil busy sila at may pasok na. At isa pa, ayaw ko na din silang idamay. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.


"You remember Idan?" I asked him. He nodded his head. Classmates kami nung college at ilang beses na din sa kanyang ikinuwento si Idan. "He married my bestfriend."

His mouth fell open as I said it. Natawa naman ako sa expression niya. Akira is the only one who knows that I was in love with Idan.


"Pero di ba..? How?"

"I introduced him to Sofia—my bestfriend. Don't worry it was all in the past." I gave him a reassuring smile. "Pero hindi yun ang kwento ko ngayon. Nabanggit ko yun dahil nangyari ang lahat nung kasal nila."


"We are talking about Eros now, aren't we?"

"Yes. I was drunk and it happened. Then I found out I was pregnant with his child. Hindi ko pa nga siya matandaan nung una kaya tinulungan pa ko ni Sofia at Idan na mahanap yung ama nung kambal."


"W-w-wait." Itinaas niya ang kamay niya upang patigilin ako. "Twins?"


Ngumiti ako ng malapad sa kanya. "Yes. Twins, one boy and one girl. Apollo and Artemis."

"Wow." Hindi makapaniwalang sabi ni Akira. I chuckled.


"Yeah." Tumingin ulit sa ice cream na nasa harap ko. Ginalaw ko ang kutsara at kita ko na medyo tunaw na ito.


"I bet they're as cute as their mother." My eyes landed with his.


"Hindi naman. Pero ang cute nilang dalawa, magkaibang magkaiba ang ugali nila. Si Artemis kasi iyakin pero mahilig ngumiti at makulit. Si Apollo ang sungit!" Natatawang sabi ko sa kanya.


"You're a proud mom." Ngumiti ako sa kanya ng malapad at tumango.


"You should meet them."

"Sure."

Napahaba pa ang kwentuhan namin ni Akira. Nagkwento siya about sa nangyari sa kanya sa Japan habang kinuwento ko naman sa kanya ang nangyari sa akin. Kung gaano siya kabait nung umalis, ganon pa rin hanggang ngayon. At masaya pa rin siyang kausap. Nang malapit nang dumilim nagpaalam na kami sa isa't isa.




"So pano Psyche? Next time ulit?"


"Oo naman Aki! Kailangan mo din makilala ang mga anak ko. Sayang wala ka nung binyag nila, ninong ka sana!" Tumawa naman siya.


"I'd love to meet them." He said smiling.

Pagkatapos ay napatingin siya sa likod ko. He look shocked na para bang gulat na gulat siya sa nangyari.

I tried to turn my head and looked at what he was looking. Lumingon ako. Then Akira immediately held my head. Tinakpan ng kamay niya ang mga mata ko pero huli na ang lahat. I saw them. Eros and the girl. They were kissing. Napahawak ako sa mga braso ni Akira dahil pakiramdam ko nawalan ako ng lakas at ano mang oras matutumba ako. Hanggang sa isa-isang tumulo ang mga luha ko.

One Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon