Symson University

13 0 0
                                    

"Miss pwede ba ko magtanong?" Naglakas loob na kong magtanong dahil kanina pa ko paikot ikot sa buong district pero wala pa din, hindi ko pa din makita yung school ni Lolo.

"Bente kada tanong" malamig na sagot nya nang hindi manlang tumitingin sakin, seriously?! Kusa nalang nagsalubong yung noo ko. Sasagot lang naman pero may bayad pa.

Hindi ko na sya sinagot at umalis na sa harapan nya. Nagpalinga linga ako upang maghanap ng mapagtatanungan ulit. Nahagip ng mata ko yung matandang lalaki na nasa tindihan ng flowers. I think sya yung may ari. Dali-dali akong naglakad papunta sa direksyon nya

"Pwede po magtanong?"

"Ano? Wala akong tindang talong! Ano ka ba naman bata ka hindi mo ba nakikita na mga bulaklak yung tinda ko?" Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Seryoso? Bakit ganito mga tao dito?!

Naupo nalang ako sa isang gilid habang nakayuko dahil baka hindi ko na mapigilan ilabas yung tunay na ako. Bakit kasi hindi ako hinatid nila Lolo o kaya pinasundo manlang.

"Um..may problema ba? Kanina pa kasi kita nakikita na paikot ikot dito" Napamulat nalang ako ng biglang may magsalita sa harapan ko. He's wearing a black pants and black jacket with a golden logo in the left side. May panyo din sya na nakatali sa ulo nya. Yung parang sa albularyo. Ang cool pero ang weird.

"Umm...oo e. Kanina ko pa kasi hinahanap yung Symson university pero hindi ko pa din mak—"

"Dun din ako pupunta, kung gusto mo sumabay kana sakin" hindi ko alam kung dapat ko ba na pagkatiwalaan 'to at sumama nalang. Base kasi sa mga tao na nandito mukang hindi sila dapat pagkatiwalaan

"Kung nagdududa ka pwede ka naman hindi sumabay" napatayo nalang ako sa pagkakaupo. Nababasa nya ba yung iniisip ko? Tiningnan ko sya mata sa mata.

"Hindi ko nababasa nasa isip mo, hinulaan ko lang" napalaki nalang bigla yung mga mata ko. Nababasa nya nga! Paano nangyari yun? Lahat ng iniisip ko alam nya.

"Tara na kung sasabay ka, medyo malayo pa dito yung University kaya baka abutin pa tayo ng gabi. Anyway, dun ako nag aaral" naglakad na sya papunta sa parking lot habang ako nakatayo pa din. Istudyante pala sya dun, ano ba naman yan pinagdudahan ko pa sya. Nakakahiya tuloy. Kailangan ko magsorry sa kanya.

Habang nasa byahe nakadungaw lang ako sa bintana. Halos inabot na kami ng gabi. Madalang nalang yung mga bahay na nadadaanan namin at di nagtagal ay para na kaming nasa loob ng gubat, puro puno na lamang sa magkabilang gilid ng kalsada at walang ka' bahay bahay. Nagsitayuan yung mga balahibo ko. Bakit dito pa si lolo nagpatayo ng University? Sa loob ng gubat? Sa may dulong bahagi tanaw mula dito sa sasakyan yung napaka laking gate. Ang creepy ng lugar.

"We're here" napalunok nalang ako ng huminto kami sa harap ng gate.

"Natatakot ka ba? Haha. Relax kalalaki mo'ng tao" natatawa syang humawak sa balikat ko. Nakitawa nalang din ako para hindi sya makahalata.

"H-hindi 'no! Hindi pa ba tayo papasok?"

Nagkibit balikat lamang sya at hindi na sumagot pa. Saglit na katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan bago magbukas ang gate. Kusang lumaki yung mga mata ko.

"Wow"

"See? Walang dapat ikatakot. Ang ganda hindi ba? Sabi nga nila 'dont judge the book by it's cover'." Napangiti nalang ako sa sinabi nya. At the second time mali na naman ako ng iniisip. Nang makaparada na kami sa parking lot ay naglakad na kami papasok. Hindi ko mapagilan mamangha at mapangiti. Sobrang laki at sobrang ganda nito kumpara sa inaakala ko. Ang daya ni lolo, hindi manlang sinabi sakin.

"Hey? Are you with you?" Naramdaman ko nalang na may umaalog sa mga balikat ko. Napangiti nalang ako. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng pinto ng dean office.

"I'll go ahead. Kaya mo naman na siguro sarili mo. Yung dean na bahala sayo. See you around" tumakbo na sya paalis hahabulin ko pa sana sya para magpasalamat at humingi ng tawad dahil sa pagdududa ko sa kanya kanina at para itanong na din kung ano yung pangalan nya kaso naramdaman ko na bumukas na yung pinto sa gilid ko. Agad akong lumingon.

"New student?" Tumango lamang ako at pumasok na kami sa loob. Nagpalinga linga ako sa paligid, Mr.Alvin Lim yung pangalan na nandun sa ibabaw ng table. Sya siguro yung dean. I think nasa early 40's na sya.

"May I have your paper's?" Inabot ko sa kanya yung folder na naglalaman ng fake na info ko. Ilang minuto nya muna'ng binasa yun bago muling humarap sa'kin at ngumiti.

"Mr. Clyde DeGuia welcome to Symson University. I am Mr. Alvin Lim 'the dean in these all boy's school." Inabot nya yung kamay nya. Napanganga naman ako sa huling sinabi nya 'all boys school', totoo ba yung nadinig ko? What the?! Bakit hindi manlang sakin sinabi ni lolo?! Kaya pala pinag disguised nya pa ko! Humanda sakin yung matanda na yun mamaya!

"Hey..Mr.DeGuia is there a problem?"

"Wala po" dali dali kong tinanggap yung kamay nya at nakipag kamay.

"Let's go, ihahatid na kita sa room mo....."

".....3 persons every room ang policy dito sa University kaya may 2 roommates ka. Sila ng bahala ng lahat ng kailangan mo'ng malaman" tumango na lamang ako at sumunod sa kanya sa paglalakad. Wala din naman akong magagawa kahit na magreklamo pa ko. Room 333 daw yung room number ko, pati room number ang creepy. Maya-maya ay huminto na kami sa harap ng isang kwarto at kumatok.

"Ano yun?" Cold na sabi nung lalaki na nagbukas ng pintuan. Medyo messy yung buhok nya. Halatang kakagising lang o baka naman nagising lang namin?

"Mr. Luke Forbez this is Mr. Clyde Clarkson your new roommates. Clyde here's your duplicate key, take it. Kayo ng bahala sa kanya. I'll go ahead." Inabot ko yung key na ibinigay nya. Naglakad na sya paalis. Timingin ako sa susi na ibinigay nya. Ano kayang mangyayari sakin sa school na to?

"Papasok ka ba o tutunganga ka na lang dyan?"

"P-pasok na. Sorry" ang sungit naman nito. Napatingin ako sa mata nya. Wala manlang akong nakitang kahit na anong emosyon doon. Tumalikod na sya papasok kaya sumunod na din ako.

Namangha na naman ako pagkapasok ko. Sobrang laki nito. Inilibot ko yung paningin ko, may isang bakanteng kama yung nasa gilid. Naglakad ako papunta sa direksyon na yun. Sigurado naman ako na ito yung kama na gagamitin ko dahil yung dalawang natitira ay may mga gamit na nila.

Symson UniversityOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz