Rich Kid

54 3 0
                                    

Nakarating na kami sa labas ng Alvarez Estate...

And wow.

Napanganga na lang ako. As in ngangang nganga.

HANLAAAAKIIIIIII NUNG BAHAY SA LOOB! Bahay pa nga ba yun? Mansion na to eh!

First time kong makalapit maski sa gate man lang nung lugar... At kahit ang layo pa nung actual na mansion ay kita na agad sa labas dahil sa sobrang laki.

"Bibig mo." Isinara nung mumu yung bibig ko. Nyemas, kanina pa "Maglilimang minuto ng nakabukas. Papasukan na ng langaw."

Tiningnan ko na lang siya ng masama. "Well sorry kung ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay."

"Tss. Bahay lang yan. Tara na, lapitan na natin yung guard." Inikot ni Kuya Ghost yung tingin niya sa mansion. "Looks familiar..."

Parang nay binulong siya pero di ko na narinig eh. Masyado kasi mahina.

"Um... Excuse me. Dito po yung Alvarez Estate, di ba?" Tanong ko dun sa guard. Nasa likod ko yung multo at ewan ko na kung saang lupalop nagpunta yung bwisita kanina.

"Oo. Bakit? May kailangan ka?" Tiningnan ako nung guard tapos parang nag-'tsk' siya. "Sa itsura mong yan, mukhang wala ka namang kailangan eh. Umuwi ka na, bata."

Vein pop. =_____=++ Bastusing gorilla to ah.

Ngumiti ako sa kanya. Yung tipong may kira kira sparkles at mga bulaklak sa background.

"Rest in peace."Yun lang ang sinabi ko bago ako nagdeliver ng isang mainit init pang flying kick sa mukha niya.

"Hmph. Yabang yabang, nagtatanong lang naman ako. Buti nga. =v=)v" pinagpag ko yung mga kamay ko habang siya... Ayun nakahandusay.

"BWAHAHAHAHAHA! Seryoso Snow?! Ni hindi mo nga kilala yung lalaki tapos sinapak mo na. Hindi ka nagsasalita may lahing amazona ka pala!" Tawa niya.

"Shuddup, pwede?" Inis kong salita. Although aminado akong nagiging warfreak-slash-amazona ako kapag binabastos.

"Ahm... Nakausap mo na ba yung..." A wild Christian Alvarez appears!

"...guard..."

Napatigil si Christian nung makita ang walang malay na guard sa harap ko. Ako lang ba to o parang may kaluluwang lumalabas sa bibig nung guard?

Nganga siya.

"Tara, pasok na tayo." Yaya ko sabay pasok sa loob ng gate.

"Uy... Anong nangyari dun sa guard...?" Tanong ni Christian sakin pagpasok niya.

"Ha? Dun sa guard? Ewan ko rin eh. Nakita ko na lang siyang nakahiga dun eh. Nakatulog siguro." Sagot ko.

"Ganun ba? Kailangan na palang palitan yung guard na yun. Hindi siya binabayaran para matulog sa gitna ng trabaho." Salita niya naman.

"Sinabi mo pa."

"Hehe... Ayos ka rin ah. Sinipa mo na nga. Tapos papaalisin mo pa sa trabaho." Bulong sakin nung mumu.

"Kasalanan niya yun. Hindi porket mas matanda siya sakin, di niya na ako gagalangin." Bulong ko rin.

"May sinabi ka ba, miss?"Tanong ni Christian.

"Wala. Teka nga, wag mo nga akong ma-'miss miss' diyan. May pangalan ako at Snow yun."

"Ah, sorry."

Takte, napapagod na ako dito ah. Ang layo naman ng mansion sa gate.

Few minutes later...

"Sa wakas! Nakarating na rin!" Pagchicheer ko nung makarating kami sa malaking pintuan ng mansion.

"Pagod ka agad? Lapit lang naman ng nilakad niyo." Comment nung ghost na palutang lutang sa tabi ko.

=____=++

"Malapit?! Langya! Eh singhaba ng San Mateo Road yung nilakad namin para lang makapunta dito eh! Pasalamat ka ngang multo ka di ka na nakakaramdam ng pagod! Not to mention di mo kailangang maglakad!" Pasigaw na bulong ko sa kanya.

Hinarap ko si Christian tapos inilahad ko yung palad ko sa kanya. "Bayad."

Pagkasabi ko nun, biglang bumukas yung malaking double doors ng mansion.

"Welcome back, Young Master Christian!"

***MEANWHILE***

[APPLE'S POV]

"Mmm..."

-____-

o____-

-____o

O___O

Teka... Asan ba ako...?

Ah... Tama, bahay to ni BFF...

Bakit ang dilim?

"Aray... Ang sakit ng katawan ko..." Bulong ko sa sarili ko nung tumayo ako mula sa sofa.

Hinanap ko agad kung adan yung light switch malapit sa pinto at nung nagkailaw na...

"OHMYLANTANGGULAY! SINONG MINURDER DITO?!" Sigaw ko.

Then I saw blood sa damit ko... Don't tell me...

"May pinatay ako nung natutulog ako?! Lord, di ko po sinasadya! PLEASE FORGIVE ME! AAAAAAH!" Sigaw ko habang nagtatatakbo sa sala.

\\(@o@)//

BLAG!

"Ouchie..." grabe ha? kailangan ba talagang mauntog ang beauty ko sa salamin?! Oh well, since nasa harap na lang rin naman ako, samantalahin na nating titigan ang kagandahan ko XD.

(O_O)

"MULTOOOOO!" sa harap ng salamin may nakita akong girl na na yung mukha niya puno ng kulay itim na mga linya lalo na sa mga mata mukha tuloy siyang may black eye. Ang nakakatakot pa... nakatitig siya sakin DX.

Tatakbo na sana ako ng may naisip.

wait.

Salamin to di ba? eh asan yung magandang mukha ko? Nilingon ko uli yung salamin. Tapos gumalaw.

Taas kamay.

Sampal sa sarili.

Make faces.

WAtda? Ginagaya nung nakakatakot na babae yung mga ginagawa ko!

processing...

"ANYARE SA MAGANDA KONG MUKHA?! BAKIT PUNO NG LINES?! WAAAAH!" tili ko.

Natigil lang yung pagsigaw-sigaw ko nung may nakita akong permanent marker sa ilalim ng table.

Tapos parang may light bulb na lumiwanag sa utak ko.

Isa lang ang may kagagawan nito.

"SNOOOOOW!"

***

A/n:

Yo!

Sa kung sino mang nagbabasa nito, sensya na, ngayon lang nakapagUD. Busy sa school.. Hehe...

Mas mahaba pa sana ito eh... Kaso di ako sure kung kailan makakapagwattpad uli... So eto na lang muna.

Pagpasensyahan na rin sana yung mga typo...

Thanks for reading, sana nagustuhan niyo! First time ko kasing gumawa ng romcom story eh...

Til next time! >o<

Ghost Prince (ON HOLD)Where stories live. Discover now