No Name

66 3 4
                                    

TIK. TOK. TIK. TOK.

"Mmmm..." (-_-)zZz...

Napadilat na lang ako dahil dun sa alarm clock sa tabi ko. Di naman siya nagriring, tic-tock lang ng tic-tock.

5:49 am.

"Ang sama namang panaginip nun..." sabi ko. "May nilapitan at kinausap daw akong multo... Haha... Ang sama talaga..."

"Um... excuse me?"

(O____O)!?

Dahan dahan akong lumingon sa tabi ko...

"GWAAAAHHHmmmpphhh--"

Sigaw ko pero mabilis niyang tinakpan yung bibig ko gamit nung isang kamay niya.

"Shhh..." nilagay niya yung index finger niya sa lips niya.

Whatthefudge?! Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito? Sa kwarto ko?!

KNOCK. KNOCK. KNOCK.

"Anak? Ba't ka sumigaw? Anong nangyayare dyan?"

"Buksan mo tong pinto, Snow!"

Tawag sakin nina Mama at Papa. Narinig yata nila yung sigaw ko.

Ay mali. Narinig talaga nila.

Napakaripas ako ng takbo sa pinto at *blag* nadapa dapa pa ako.

Binuksan ko ng konti yung pinto.

"Bakit ka sumigaw?" -Papa

"Rinig na rinig namin sa labas yung boses mo." -Mama

"Ah...haha... Sorry po. M-may multo po... I-i mean... i-ipis po pala... Nagulat lang po ako..." palusot ko.

Sana maniwala sila. Sana maniwala sila.

(^_^|||) - me

(o___o) - Mama and Papa

"Ah... Ganun ba? Kala ko naman kung ano na." sabi ni Papa tapos tumalikod na.

"Grabe. Tinakot mo kami ng Papa mo. Sige, bumaba ka na lang at mag-almusal ka na." -Mama

"O...opo. Sige po." sabi ko sabay sara ng pinto.

Lesheng kamatis to o. Muntik na akong madulas dun ah.

"Hi." Nagwave pa yung guy saken.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba nasa panaginip lang kita? Nanaginip pa ba ako? Wait, pakigising nga ako."

Sinampal *plak* *plak* ko yung sarili ko. Awchie. Sakit.

"Sama naman nito. Panaginip daw.Hello~. I'm reaaaal. Totoo po ako." sabi ni Kuyang Mumu.

"Sino ka? Ba't ka nandito?!" tanong ko sa kanya. Hinablot ko yung hanger na nakasabit sa tabi at dinuro ko yun sa kanya.

*poof*

Bigla siyang nawala dun sa kama ko tapos nag appear sa harap ko. Bwiset na multo to o, nagteteleport!

"Wala lang. Bored na ako dun sa academy eh. Walang pumapansin saken, so sinundan kita." explain niya.

Sinundot sundot ko siya gamit nung hanger. Wow, di tumatagos (o_o).

"Sino ka nga sabi eh!" Sabi ko ng mahina. Baka marinig nung parents ko eh.

Gulay naman o! Sobrang lapit niya sakin! Yumuyuko pa siya ng konti para magkasing eye level kami. Lapit ng mukha niya! (@_@)

Kahit multo siya, gwapo pa rin siya! Hindi ako immune sa charms niya! Ay lande!

Ghost Prince (ON HOLD)Where stories live. Discover now