Unexpected Bwisita

77 3 4
                                    

"Then I'll prove to you that I'm not a kid." seryosong sabi niya sakin.

"Grabe ha? Supersensitive lang? Porke sinabihang bata--"

"I'll make you fall in love with me."

...ANU DAW?!

***

I'll make you fall in love with me.

Three seconds of silence.

"Pakiulit nga yung sinabi mo?" tama ba yung dinig ko o baka naman naghahallucinate na ako dahil sa kulang sa tulog?

" I said I'll make you fall in love with me--"

Sabi niya, parang may kasunod pa yun pero di ko na narinig kasi napatawa na lang ako ng malakas.

Di ko na napigilan eh.

Normally, kikiligin ka kapag nasa ganung sitwasyon ka di ba? Kung nagkataong di siya multo baka kinilig na ako to the bones nito eh. Kaso hindi eh.

"H-hoy! Ba't ka tumatawa?! Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah!" naguguluhang tanong niya.

"Wahahaha...haha...ha... Sensya na..

Haha... Di ko na napigilan... Laughtrip... talaga yang sinabi... mo eh..." hirap na sabi ko sa kanya. Takte, hirap magsalita habang tumatawa.

"Wala naman kasing nakakatawa sa sinabi ko ah! (>A<)"

"Anong wala? Sabi mo maiinlove ako sayo." sagot ko sa kanya.

"Anong nakakatawa dun?!"

"Ako? Maiinlove? Sayo? Asa ka pa. Kung sa tao nga di pa ako nagkakacrush, let alone mainlove, sa multong gaya mo pa kaya?" sabi ko sa kanya. Temporarily nalimutan yung awkward na position namin.

"Eh ano naman kung multo ako?" tanong niya.

Tinukod ko yung siko ko para makabwelo umupo, habang iniiwasan yung mukha niya.

Tapos tinulak ko siya pahiga, yung mga kamay ko nasa balikat niya. Di siya nakapagreact dahil na rin siguro sa gulat. Baligtad na kami ng position ngayon.

"Listen here, Mr. Ghost. Imposibleng magkagusto ako sa isang multo for a lot of reasons. Pero syempre... Ang pinakaobvious na rason ay multo ka." paliwanag ko sa kanya.

Tahimik naman siyang nakikinig.

"You're already dead. Nakukuha mo yung point ko? Patay ka na. Imposibleng magkatuluyan ang isang multo at isang taong buhay pa. The living weren't even meant to see the dead." I brushed my hand on his cheek.

In fairness, ang kinis. Alagang alaga. His skin's smooth yet cool.

"Second, kung himala mang magkagusto ako sayo. Iiwan at iiwan mo pa rin ako. Want to know why?" tanong ko sa kanya.

"Why?"

"Kasi... The moment na matapos mo yung unfinished business mo rito, whether you like it or not, it's either heaven or hell ang pupuntahan mo. Paano na ako nun?" tumawa ako ng mahina.

Aalisin ko na sana yung kamay ko pero pinigilan niya. So hinayaan ko na lang na nakapatong yun sa mukha niya.

"Third... Napakalaki ng handicap mo. It just so happens na AYAW ko sa multo." nanlaki yung mga mata niya nung narinig niya yun.

"Kung ayaw mo sa multo, then why the f*ck are you letting me stay here?" serious na tanong niya sakin.

"I didn't let you stay. You barged in here, idiot. Ilang beses na kita pinalayas eh kaso sadyang matigas yang kokote mo," I pressed my free hand's index finger sa noo niya. "at hindi yata pumasok yung mga sinabi ko sayo."

Ghost Prince (ON HOLD)Where stories live. Discover now