( sabe mo eh! )

Nubayan! Napaghahalataan akong sobrang namimiss ko sya! Namimiss ko na si jhoana!😭

Pagkakuha ko ito ay nagmamadali akong bumalik sa BEG baka  kase biglang dumating si coach tai at mag umpisa agad.Ayokong ma-late at mas ayokong maparusahan.

Malayo pa lang ay may napansin na akong nakatayo malapit sa entrance ng gym, at kahit malayo ay kilala ko na kung sino yun. Di ako nagkakamali, si jhoana ang babaeng nakatayo ng pa side view sa kin.Lalo kong binilisan ang paglalakad, mas makakabuti kung ngayon pa lang ay makapag usap kame kahit pahapyaw lang para di na kame nagiilangan sa training,saka na kame magusap ng matino at maayos pag tapos neto.Promise yan.✋

Malapit na ko sa kinaroroonan nya at tatawagin ko na sana sya ng mapansin kong parang may kausap sya,di ko lang napansin kase mula sa kinaroroonan ko ay may nakaharang na poste kaya di ko alam kung sino yun,kaya ang ginawa ko ay nag adjust ako ng lakad para lang malaman ko kung sino yung kausap ni jhoana.Nakaramdam ako ng kaba bigla,ayokong isiping-----

"Shit!" bulong ko ng tuluyan ko ng makita ang kausap ni jho. Lahat ng dugo ko feeling ko unti unting pumapataas sa ulo ko. Napailing ako.Tama ang hinala ko.Nagkita na naman sila at talagang pumunta pa sya dito sa ateneo para lang makita si jhoana! Ang effort mo dude! tsss....

Napatago ako sa isang poste na malapit lapit lang sa dalawa ng lumapit ang loko kay jho, baka kaseng makita nila ako.Ayokong makasira ng moment kaya minabuti kong magtago dito. Nagtatalo naman ang isipan ko kung sisilipin ko ang dalawa o hindi na lang.Pero kase baka may ginagawa ng masama ang lokong yun kay jho kaya dahan dahan  akong sumilip sa dalawa. Pero mukhang wrong decision ang ginawa ko kase.......Di ko gusto yung nakita at naabutan 😢



Si jhoana..........





Yung ex nya(?)............





Magkayakapan.......Ng mahigpit..........Ng matagal..........




Di ko namalayan na nabitawan ko pala yung hawak kong paper bag.Nakatingin lang ako sa kanila habang masayang magkayakapan. Pano ko nasabeng masaya ang dalawa? Kita ko sa itsura ni jho.Nakangiti sya habang yakap ng ex----uhm.....ng boyfriend nya ulit. At yung lalake naman na yun ay lalo pang hinigpitan ang pagkakayapos kay jhoana at parang naiiyak pa nga.

( Ano yun naiiyak sa sobrang tuwa? Kase "sila" na ulit ng bff mo? )

Pwede? Siguro? Ewan ko. Di ko alam.🙁🙁🙁

May nararamdaman ako. Parang unti unting nababasag, nadudurog, sinasaksak.......di ako makahinga ng maayos.











"Ate bei?"

Napalingon naman ako ng may narinig akong tumawag sa name ko. Si deanna lang pala,na katayo sa likuran  ko kaya nginitian ko lang sya tas muling tiningnan yung magkayapos. Na hanggang ngayon ay ganon pa din ang ayos.Ang saya di ba......Nila.☹☹☹

"Ate sayo yata 'to" si deanna pa rin tas iniaabot sa kin yung paper bag na nasa lapag na kanina. "Nabitawan mo."

Di ako kumibo tas muli akong napatingin sa dalawa. " Ui, si ate jho yun ah." narinig ko pang sabe ni deanna. "Sya ba yung.......Bisita na sinasabe nila ate mae kanina?"

Kanina? So kanina pa sya rito, kanina pa silang magkasama. At mukhang alam ng buong team pwera sa kin.

"Oo. Si jho nga yun......At yung kaya----kasama nya......Si baham." nakayanan kong magsalita kahit parang may bara sa lalamunan ko. Di ko na nakayanang panoorin pa ang dalawa sa moments nila kaya bumaling ako kay wong na busy sa panonood sa dalawa. "You want?" yung tinutukoy ko ay yung paperbag na may laman na fries na nabitiwan ko at ngayon ay hawak ni wong.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now