Love Somebody

438 32 4
                                    

 If I fall for you, I’ll never recover.

----- 

“Mahal kita, Janelle,”

‘Yan ang sabi mo sa’kin. Graduation natin ‘yun nang college ng finally sabihin mo sa akin ang mga salitang iyon. Katatapos lang ng ceremony at nagbabatian ang bawat isa ng ‘Congratulations’, nang mahanap kita sa kabilang row ng mga upuan, agad akong kumaway sa’yo. Akalain mo nga naman kasi, apat na taon na pala ang nakalipas? Dati mga first year pa lang tayo sa kolehiyo at nangangapa sa buhay kolehiyo natin. Naalala mo? Nagkakilala tayo dahil sa NSTP subject natin. Pareho tayong hindi pinapasok noong first day ng klase, kasi hindi tayo naka NSTP uniform. Nandu’n tayo sa labas, napag-usapan natin ‘yung kani-kaniyang coure natin. Ako, MassCom, ikaw naman MedTech. Tinatanong pa nga kita kung ano ‘yun, natawa ka tapos sinabi mo, kayo ‘yung nangunguha at nagre-test ng dugo at kung anik-anik na mga dumi ng tao.

Ang galling mo nga sa Chemistry, pa’no ba naman, bawat sem may Chem subject kayo. Kaya nga hindi ako nahirapan noong Gen Chem naming, kasi may tutor ako.

Ngayon naka-itim na tayong toga. Nasa kamay na natin ‘yung diplomang pinaka-aasam natin.

“Congrats Abet!” Batik ko sa’yo. Ngumiti ka lang, hindi mo ako binati ng ‘Congratulations’ bagkus ay tumingin ka lang sa mga kamay mo, medyo nabawasan ‘yung ngiti sa mga labi mo. Hinintay kitang magsalita. Hinintay kita, kahit sumesenyas na sila Mama sa akin.

“Mahal Kita, Janelle,” sabi mo.

Ano bang dapat kong isagot? Sorry Abet, kasi hindi ko alam kung paano ko sasagutin ‘yung sinabi mo.

Ilang taon ko na bang hinintay na sabihin mo ‘yan? Ang tagal na ‘Bet. Ang tagal tagal na. Ang totoo, simula pa lang noong tinuruan mo ako ng Chemistry sa cafeteria isang hapon. Salita ka ng salita, focus ka sa pagtuturo sa akin, kasi Midterms na. Habang pinapanuod kita na nag-e-explain gamit ng notes ko, napagtanto ko sa sarili kong hindi lang Chemistry ang itinuro mo sa akin. Hindi lang mga elements ang gusto kong marinig sa mga labi mo.

Gusto kong sabihin mong mahal mo ako.

Nag second year tayo. Naging third year. Hanggang fourth year.

Naghintay ako Abet.

“Abet—“ Humanap ako ng mga salitang dapat kong sabihin. Pero pangalan mo lang ang nasabi ko. Pangalan mo. Iyong pangalan na itinatabi ko sa pangalan ko sa likod ng notebook ko kapag sobrang boring ng lectures ng Prof, kahit laos na, magf-FLAMES pa din ako. Iyong pangalan mo, at pangalan ko.

“Si Janelle, kaibigan ko.” Pakilala mo sa akin tuwing may makikita kang kakilala mo tuwing magkasama tayo. Bakit nga naman ako magrereklamo. Wala namang tayo.

“Abet, mahal kita.”

Nasa bleachers tayo noong una kong sabihin sa’yo ‘yan. Break time at naisipan nating magkita. Third year tayo noon. Sobrang busy na natin dahil may thesis na tayong pareho noon, pero nagagawa pa din nating magkita paminsan-minsan.

Naka earphones ka at nakatingin sa mga naglalaro ng basketball sa court. Hindi mo ako narinig Abet. Ni hindi mo ako tinignan.

Ngayon. Sinabi mong mahal mo ako. Ang tagal kong hinintay Abet. Hindi ako nag-boyfriend, kahit may mga nanliligaw sa akin. Bakit? Kasi umaasa ako. Umaasa akong may puwang sa puso mo na nilaan mo para sa’kin.

Sana dati sinabi mo. Sana, sinabi mo na dating mahal mo ako.

Kung sa bagay. Kasalanan ko din. Naging duwag ako. Hindi ko uli sinabi sa’yong mahal kita.

Sana hindi tayo nanghula. Sana, hindi ko kailangan mag-isip ngayon kung anong sasabihin ko sa’yo.

“Mahal Kita, Janelle.”

Mahal din kita, Abet.. Dati..

“Congrats Abet, tinatawag na ako nila Mama,” umalis na ako. Hindi kita nilingon. Sa may pinto ng hall nandoon sila Mama at Papa, at si Migs – boyfriend ko.

Ilang buwan lang nang makilala ko si Migs. Nakilala ko siya during internship. Noong una, akala ko nagustuhan ko siya dahil marami kayong similarities. Pero mali pala ako, unti unti kong naramdaman na lumalawak ang pagmamahal ko sa kanya, at paliit ng paliit ang sa iyo. Hindi pala kayo pareho.

Akala ko lang.

Ngayon kasi, nararamdaman ko na ang lahat ng naramdaman ko sa’yo dati, kapag kasama ko siya.

At sa kanya, Abet, hindi ako natakot na sabihin kong Mahal ko Siya.

Akala ko hindi na ako makakahanap ng iba.

Sabi ko kapag minahal kita, hindi na ako makakaahon.

Pero mali ako.

Malapit  na sana tayo. We’re halfway there. But sadly, hindi tayo nagtagpo, nang papunta ka na, huli na, may ibang tao nang sumundo sa akin.

Sana, dati pa Abet.

Sana.

* * * * * *

(Love Somebody by Maroon 5)

SHUFFLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon