Chapter 9: Relationship Agreement

Magsimula sa umpisa
                                    

I started feeling bothered pag-upo ko pa lang sa arm chair. Sa last row kami nakaupo kaya kitang-kita ko na everyone's having an eye on us. May earphones na ako sa tenga pero dinig ko pa rin yung mga bulungan ng classmates namin, ayoko sa lahat yung maingay kaya inis na inis ako. I pretended to be calm habang palabas ng classroom pero deep inside gusto ko nang sumigaw para tumahimik ang lahat, but nevermind, mag-stay na lang muna ako sa library para palipasin 'to and probably will take a nap dahil maaga rin akong nagising kanina. May 1 hour pa naman bago mag-start yung first subject kaya kaya pa naman umidlip kahit 30 minutes lang.



"Tristaaaaan! Hintaaaaaay!" sigaw nung tatlo pagkalabas na pagkalabas ko sa classroom, nagkabuntot na naman ako nang 'di oras. "You're going to meet Shamina, right? A-absent ka na naman. Sawa na kaming pagtakpan ka." Chris said habang naghahabol ng hininga nang maabutan nya ako sa paglalakad.





Ang ending...

The planned library nap has turned into early basketball session. Wala pa naman ako sa mood pero sige na nga pampalipas oras na rin naman instead na mag-stay ako sa classroom diba.

Nag-unahan kami sa pagtakbo papuntang gym.



----------





Pagdating na pagdating naman doon wala nang tanggal-tanggal ng damit, pinasa agad sa akin ni David ang bola at nag-start na kaming maglaro.

While dribbling the ball hindi ko alam but I suddenly remember Shamina. Hanggang ngayon hindi pa rin sya nagrerespond sa mga messages at tawag ko. After that night we haven't seen each other again until now. Para syang nabigla sa mga nangyari, actually ako rin. But I admit there's a sort of excitement nung makita ko sya na dumating sa party because I'm not expecting it. I'm also kinda surprised for what she did para mas magmukhang realistic yung plano ko sa harap ni dad, ni Janelle at ng marami pang tao kahit na alam nyang mali.



*Booooooooooooooog!*

I got hit by a ball "Tulala lang sa'king kwarto at nagmumuni-muni." naagawan na pala ako ni David ng bola. "Okay ka lang, bro?"





"Epekto 'yan ng bagong love life, ano ba kayo!" sinalo ni Chris yung bola na galing kay David then passed it to Lance. "Sana all diba!" sabi naman ni Lance sabay pasa naman ng bola sa akin na hindi ko naman nasalo. Lahat sila pinagpapawisan except sa akin dahil magdamag lang yata akong nakatulala.





"Teka, hindi ba dapat yung may love life ang nanlilibre?"

"Pass!"





"Pass na naman?" parang gulat pa yung tatlo sa sinabi ko eh lagi naman pass ang sagot ko palagi kapag sa bar ang yayaan nila. "Believe me, hindi kayo makakahanap ng perfect girl kapag sa bar kayo nagpunta." I seriously told them.





"Grabe Tristan, ikaw ba talaga 'yan, pare?! May sakit ka ba?" pabirong sabi ni Lance. Hinawakan nya rin ako sa bandang noo at leeg na parang chineck nya kung meron akong lagnat. Siraulo talaga 'to kahit kailan.



"Wow iba na talaga mag-isip pag may love life! Pakigalaw naman ang baso kung ikaw yan, Tristan please." para namang may kausap na hangin si Chris dahil nakatingala sya habang nagsasalita. Can't even imagine kung bakit ba nagkaroon pa ako ng barkada na ganito, sakit lang sa ulo ko 'tong mga 'to eh.



"I'm tired. Bahala na nga kayo dyan." naglakad ako papunta sa bench at naupo, check ng phone tapos inom ng water. Panggap na pagod kahit hindi naman para lang tigilan nila 'ko sa pang-aasar.

"Tired agad? Parang hindi ka nga pinawisan eh. Sus, ang sabihin mo napagod ka kakaisip kay Shamina. Yown!" sigaw ni Chris. Nag-echo pa yung boses nya sa loob ng gym. Buti na lang kami lang apat dito kundi kanina ko pa binatukan 'tong tukmol na 'to. "Shut your mouth, I'm not in the mood." I smirked.





Take A Chance (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon