Part 17

14.8K 467 7
                                    

NANATILING nakaupo sa couch si Zander habang ang kanyang ina at si Odessa ay abala sa pag aayos. He didn't sleep at all. Because he already made his decision. Mahabang panahon niyang sinunod ang kagustuhan ng kanyang ina. Hindi niya napag-isipan kung ano ba talaga ang gusto niya. But now he knew.

Sa totoo lang, Wala sa plano niyang makitang muli si Erica bago siya umalis. But then he saw her. And he can't take the thought that he will no longer see her again.

"O Zander, where's your things? Bilisan mo na at baka mahuli tayo sa flight."

"I can't do this Khun mae."

"What are you talking about?"

"Hindi ako aalis. And I will not marry her."

"No!" defiant na sagot nito.

"Khun mae."

"No! I said no! Have you forgotten. Sinabi ko na sayo, susundin mo ko or I will destroy that woman!" patiling sagot nito. Sinubukan niyang sundin ito. Hindi niya gustong may kahit anong mangyari kay Erica. Kaya nga kahit labag sa loob niya ay napapayag siya ng ina ng madaliin ang pag-alis sa bansa. Her mother discovered his weakness. But he realized there is another way to protect her. To be beside her.

"Khun mae! Please." Tumayo siya at hinawakan ito sa magkabilang balikat.

"No! Odessa, ilabas mo ang gamit ni Zander!" sigaw nito. Lumabas sa kwarto si Odessa. Hindi niya ito pinansin.

"I want to stay here. I want to stay with Erica." malumanay na sabi niya.

"Why? Bakit mo ko ipagpapalit sa kanya?!" he knew his mother is close to hysteria.

"Because she doesn't see me as Zander Uijleman the supermodel. She just see me as Alex - as just me. Matagal na panahon ko ng nakalimutan ang bahaging iyon ng pagkatao ko Khun mae. Na kaya ko naman palang maging masaya sa mga simpleng bagay. Na kaya ko palang alalahanin ang mga bagay na nangyari sa akin sa Thailand na hindi ako makakaramdan ng lungkot o galit. Na posible pa lang tumingin ako sa hinaharap kasama ang isang babae na hindi ko iniisip na kaya lang kami magkasama ay dahil may kanya-kanya kaming pakinabang sa relasyon namin. That I can possibly love a woman without anyone telling me to like her. So please stop meddling with my life already." Mahabang sagot niya. He actually never thought he's capable of talking that long. But he wants his mother and Odessa to hear him out. To let them understand.

"No!" tili nito. "Odessa!" sigaw na naman nito.

"Khun mae please." Tumaas ang boses niya. He's starting to feel frustrated. "This is the first time that I really felt happy. Please don't take it away from me." pakiusap niya.

Tumitig ito sa kanya. Pagkuwa'y kumalas ito sa pagkakahawak niya. Nilingon nito si Odessa. "Odessa!"

Sa labis na frustration ay ginawa niya on impulse ang una niyang naisip gawin. He kneeled infront of her. Natigilan ito. Maging si Odessa ay hindi natinag.

"Im begging you Khun mae. I don't want us to fight. You're my only family. But please let me do what I want."

Hindi ito nagsalita.

"Let him do what he wants to do Mama Lorraine." Napalingon siya nang magsalita si Odessa. Nakatingin ito sa kanyang ina.

Matagal bago sumagot ang ina niya. "Bahala ka! Pero aalis pa rin kami. Hindi ko alam kung anong ginawa sayo ng babaeng iyon. You will regret this Zander." Hindi tumitinging sagot nito.

"I doubt it Khun mae. Mas magsisisi ako kapag pinakawalan ko siya."

She smirked and went out. Naiwan siyang nakaluhod pa rin. Lumapit sa kanya si Odessa. "Magbabago din ang isip niya." sabi nito at tinulungan siyang tumayo.

MY DREAM STARWhere stories live. Discover now