PART 4

16.3K 567 36
                                    

"MASYADONG maganda para utusan, e siya ang unang nag-utos sakin." bulong ni Erica sa sarili habang maingat na hawak sa magkabilang kamay ang dalawang iced coffee. It turns out na hindi lang pala basta empleyado ang bading na iyon. Handler din ito gaya ng tita niya. Umungot ng iced coffee ang dalawang Brazilian female model nito at siya na hamak na assistant lang ay buong pusong sumunod at ibinili sila ng iced coffee. After all, it's her job.

Mabuti na lang din may kasabay siyang lalaki sa elevator na sa fourth floor din bababa. Hindi na siya nahirapan pang pumindot. Huminga siya ng malalim. Kinikilabutan talaga siya sa elevator na iyon. Pasulyap sulyap sa kanya ang lalaki, nababasa yata nito ang naiisip niya.

Nang tumunog ang elevator ay inunahan siya nitong lumabas at biglang nagsabing "May lalabas na kamay sa likod mo."

Natakot si Erica kaya nagmamadali siyang lumabas. Sa pagkataranta niya bumangga siya sa isang matigas na katawan. Worst, tumapon sa kanya ang mga hawak niya. Saan nagpunta ang lalaking iyon? Malilintikan ito sa kanya!

"Asar, bibili na naman ako ng bago." Ni hindi niya mapunasan ang basang basang harapan niya dahil sa mga hawak niya. Tiningala niya ang nakabangga para humingi ng sorry.

"Ikaw?" nagulat siya ng malamang ang nakabangga sa kanya ay walang iba kundi si Alex – the arrogant Demigod. Biglang nawala sa isip niya ang planong pag so-sorry.

Nagsalubong din ang mga kilay nito. "What are you doing here?" tanong nito himbis na magpakita ng concern sa nangyari sa kanya.

"I work here," maangas na sagot ni Erica. Bahagya pang nag-echo ang boses niya kasi wala ng tao sa lobby. Tapos na siguro ang pa-VTR. Photoshoot naman ng resident models para sa website ng agency ang ginagawa sa studio.

"Since when?" lalong lumalim ang pagkakaunot ng noo ni Alex.

"Since – ah! Why are you asking anyway? Palitan mo 'tong iced coffee ko!"

"Bakit ko papalitan 'yan may utang ka pa nga sakin?"

"At paano ako nag-kautang sa'yo?" manghang tanong ni Erica.

"I was the one who paid for the food that's supposed to be your payment remember?"

"Akala ko ba nagbago ang isip mong singilin ako?"

"Noon iyon. But since I saw you again sisingilin na kita uli."

Wala talaga siyang masabi sa ganda ng ugali nito. "Oo na. Pero wala akong pera dito. Sige na palitan mo na 'to. Kailangan na 'to e."

Tumingin sa harapan niya si Alex. "Mas concern ka pa sa iced coffee kesa sa sarili mo? You're drenched."

"Okay lang 'yan. Sarili ko naman 'to. E yung iced coffee hindi naman sa'kin pinabili lang iyon." Sinulyapan ni Erica ang binata. Nakatingin pa rin ito sa damit niya. Yumuko siya. Nag-init ang pisngi niya. Bakat na pala ang boobs niya sa suot niyang blouse. Bakit ngayon niya pa naisipang mag puti? She crossed her arms around her chest. Masama niya itong tiningnan. Inangat na nito ang paningin. Wala man lang kahit anong emosyon sa mukha nito.

"Umupo ka na nga lang 'don. Ako na ang bibili ng iced coffee," biglang sabi ni Alex.

Aba, nagpapakita ng kabaitan. Nakakatakot. Pero ang sinabi niya ay, "Dapat lang 'no."

Pagkatapos umupo si Erica sa pinakamalapit na bench. Inilapag naman ni Alex sa tabi niya ang bag na bitbit nito. Binuksan nito iyon at may kinuhang face towel.

"Dry yourself up and wait here." Kinuha nito sa kanya ang mga hawak niya at inabot sa kanya ang tuwalya. Inabala niya ang sarili sa pagpunas sa damit niya nang makaalis na ito.

MY DREAM STARWhere stories live. Discover now