PART 8

15K 460 7
                                    

NAWALA ang atensyon ni Erica sa pag-dial sa mga numerong pinapatawagan sa kanya dahil sa isang matangkad at aristokratang babae na taas noong pumasok sa opisina nila. Nakasuot ito ng pulang hakab na hakab sa katawan na bestida, pulang high heeled shoes at sunglasses. Nakalugay naman ang kulot-kulot na buhok nito. Maputi at makinis ang balat, matangos ang ilong at mapula ang mga labi dahil sa matingkad na lipstick. Naaninag niya rin ang may katarayan nitong mga mata na pinaresan ng mga kilay na tila normal ng nakataas. Ngunit kahit walang lukot ang mukha nito ay pupusta siyang may edad na ito. Ang nagagawa nga naman ng siyensya.

Napansin niyang hindi lang siya ang nakatingin dito. But unlike her curious expression, the employees have a look of distaste while looking at the woman. Bakit kaya? Muli niyang tiningnan ang babaeng naglalakad. Nang mapadaan ito sa kanya ay bigla itong lumingon. Ngingitian niya sana ito ng biglang itong magsalita.

"What are you looking at?" asik nito.

Nabigla siya sa talim ng boses nito. "Ahh.."

She smirked. Why is that smirk so familiar? " Mukhang bago ka dito. You can't even answer me properly. "naghihinala siya nitong pinasadahan ng tingin.

"Bago nga lang po ako dito." sa wakas ay tugon niya. Nag-fade na ang pagkabiglang naramdaman. Pinapalitan na iyon ng inis.

"Oh, I bet you're one of those hookers na gustong magtrabaho sa mga ganito hoping na mapansin ng kahit na sinong modelo. You don't even have a fashion sense. Really I know your type." inismiran siya nito.

Pakiramdam niya ay nag-init ang mukha niya sa galit.Anong karapatan nitong ipahiya siya ng ganon? Sasagutin niya sana ito ng mahagip niya ng tingin ang mga empleyado, lahat ay tinitingnan na para bang nagbababalang huwag na siyang sumagot pa.

Nakalayo na sa kanya ang babae at isang empleyado naman ang pinansin nito. Hindi niya napigilang i-assess ang sarili. Nakablouse lang siya na hindi man fit ay humahakab naman sa katawan niya. Skinny jeans at booties naman ang pang ibaba niya.

"Alangan namang gayahin ko ang suot niya? e di hindi ako nakapagtrabaho ng maayos. Ayos man lait yon ah. Ipakulam kita e" Naiinis na bulong niya.

"Huwag mong masyadong pansinin." Bulong ng isang empleyado na naawa yata sa kanya kaya siya nilapitan.

"Sino ba yon? Grabe siya ngayon lang kami nagkita grabe na magsalita."

"Si satanas na nagkatawang babae." Natatawang sagot nito.

Narinig niyang hinanap nito ang owner ng agency. She called him Nicolo, walang bahid ng kahit anong pag respeto.

"Kaibigan ba siya ni Sir Nicolo?" iyon lamang ang naiisip niyang eksplanasyon sa kaangasan nito.

Natawa ang kausap niya. "Malabo. Masyadong mabait si Sir Nicolo para magkaroon ng ganyang kasamang kaibigan no."

"E sino siya? Bakit ganoon siya umasta?"

"Anak niya kasi ang pinakanagbibigay ng malaking income sa agency. Kaya tuloy kahit si Sir kinakaya-kaya niya. Hindi ko nga alam kung paano natatagalan ni Zander ang ganyang ina." Nailing na komento nito.

Napaawang ang labi niya. That revelation shocked her. Mabilis niyang tiningnan ang babaeng pumasok sa model's lounge. Siya ang ina ni Alex? No way!

"Sa kanya yata nagmana si Zander sa kasupladuhan." Dugtong nito.

"Sobra ka naman. Hindi naman ganoon si A-Zander." Baling niya rito. Hindi niya maiwasang ipagtanggol ang binata. Oo may kasamaan ang ugali nito pero hindi naman kasing extreme ng sa nanay nito.

MY DREAM STARWhere stories live. Discover now