Ballpen

30 0 0
                                    


"Kapag ang ballpen ay naubos, re-refill-an mo lang ng ink tapos okay na uli, susulat na itong muli.

Parang tayo.

Kapag tayo ay nasaktan, nauubos tayo. Yung para bang may parte ng pagkatao mo ang nawala rin sayo kasabay ng pag-alis niya. Pero sa tulong ng panahon, magiging okay rin tayo kasi may darating upang refill-an yung naubos nating pagmamahal. Tapos okay na uli, magmamahal na tayong muli.

Pero tulad ng ballpen, darating ang araw na mauubos na naman tayo. At mauulit na naman. Hanggang sa marating mo ang dulo ng tinta, ang dulo ng pag-asa, ang pag-asang hindi na muling masasaktan. Pero heto ka't nasaktan na naman. Hanggang sa wala nang dumating na magre-refill, wala nang magpupunan ng pagmamahal sa puso mong winasak na naman.

Hanggang sa wala na tayong maibigay na pagmamahal kasi miski tayo, naubos na rin. Na pati sarili mo, napagod mo nang mahalin."

"Uy! What are you up to?"

Mabilis kong sinarhan ang notebook na sinusulatan ko. Ayokong may makakita ng mga isinusulat ko.

"Wala," I smiled bitterly.

"Anothery poetry?" He said while settling beside my seat.

"Kinda."

Nandito na naman siya. Parang dati lang. Parang nung mga panahong okay pa ang lahat.

I moved a little bit further than him. I just doesn't feel comfortable around him anymore.

"C'mon why are you being like that?" He said. Para namang di na siya nasanay.

"What am I being like?" WHAT THE HELL. I SOUND STUPID!

He chuckled then may kinuha siya sa bag nya. Lunchbox. Our lunchbox. It's kind of a habit na siguro sa kanya na dalhan ako ng lunch.

"You should eat something." He said while he's preparing our food.

"You shouldn't be here." I said while staring at him.

Why am I so lucky? I don't deserve this treatment.

I don't deserve him.

"Stop tapping your ballpen on the table," he said.

His face lightened up when he's about to tell me something.

"Ohh I get it now. Ballpen na naman?" He said.

What?

"Yung sinusulat mo kanina. Ballpen na naman?"

I was shocked. Paano nya nalaman? BAKIT NYA GUSTONG MALAMAN? I'm so confused and pressured right now. Does he knows? Alam ba nya? MAY NAGSABI BA SA KANYA? Oh my gosh! For pete's sake, sana hindi nya alam na my poetries are all about him.

When he realized what he said, I saw a little panic in his eyes.

"Fuck," he mumbled under his breath.

Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako!

"Wait here, I'll just get my coat. Alright?" He said then I nodded.

Gaano na ba ako katagal dito? Hindi ko na mabilang. Ayoko na bilangin. Basta ang alam ko, kasama ko siya. Yun nalang ang mahalaga.

Someone approached me. He even reached my arm.

"Hi Mystie, nandito na sila."

"Who are you? Don't touch me!" I said. What the fuck is wrong with strangers nowadays? Bigla nalang silang mang-ggrab ng arms ng di nila kilala then act like nothing is wrong? Stupid!

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Dec 05, 2017 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

One Shot StoriesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt