Almost

104 1 1
                                    

ALMOST

"Shairaaa! May kwento ako sayo."

First day of class palang pero heto at sinasalubong na kaagad ako ng chismis ng kaibigan ko na si Abby. Hindi na muna ako pumasok sa classroom dahil hinarang na niya ako.

"Diba crush mo si kuya simula pa nung grade seven tayo?"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman napakagat ako sa labi ko. Yup, mannerism.

Totoo ang sinabi ni Abby. Crush ko nga talaga ang kuya niyang nasa grade nine na ngayon habang kami naman ay grade eight palang. Ayoko man aminin pero sobrang transparent talaga ako pagdating sa mga nagugustuhan ko.

"Wag kang maingay Abby!"

"Ayieee! Alam mo ba Shai??? Binanggit ni kuya pangalan mo nung summer!"

WHAT?! Kilala niya ako? Kilala ako ng kuya ni Abby? Kilala ako ni Lawrence? At binanggit pa raw niya ang pangalan ko! Kyaaaaa!

"Totoo ba yan? Bakit naman niya binanggit?"

"Nanonood kasi kami ng movie tapos sabi niya kamukha mo raw yung bidang babae. Sabi ko nga hindi eh kasi mas maganda yun!"

Hinampas ko naman sa braso 'tong kausap ko. Tama bang laitin ako? Hahaha siraulo talaga itong kaibigan kong 'to.

"Ibig sabihin nagagandahan siya sa akin?"

"Parang ganun na nga!"

Waaaah! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumalon-talon na ako at tumili dahil sa sobrang kilig. Nabubuhay ang pag-asa kong maging kami. Lawrence mylabs nasa stage two na tayo!

Unofficial na may mutual understanding. Kyaaaa! Hindi ma-absorb ng utak at kaluluwa ko jusko!!

"Leann! Ikaw na bahala dito sa kaibigan natin oh. Mamamatay na sa kilig," sabi ni Abby habang naglalakad papasok ng classroom.

Buo na araw kooo! Pati yata buong school year ko kumpleto na eh. Grabe ka Lawrence mylabs, i love you na agad!

"Hoy Shai! Pumasok ka na nga dito mukha kang tanga diyan," natatawang sabi ni Leann.

Mas close kami ni Leann kasi sakanya ko nasasabi lahat ng gusto kong sabihin. Parang human diary ko siya at ganun din naman ako sa kanya. Magkaiba nga lang kami ng type sa lalaki. Ang gusto niya ay tall, dark and handsome samantalang ang gusto ko naman ay yung maputi at mukhang good boy. In short, si Lawrenceee!

***

"Hoy Abby kasalanan mo ito eh," sabi ni Leann habang naglalakad kami palabas ng school.

"Huh? Anong ginawa ko?" sabi naman ni Abby.

"Buong araw lutang si Shai dahil sa sinabi mo," sabi ni Leann at sabay naman silang tumawa ni Abby.

"Nagkatinginan kami kanina! Feeling ko talaga may gusto rin siya sa akin," sabi ko.

"Wag kang masyada umasa Shai. Kakabreak lang nila ni Dianne, baka di pa nakaka-move on yun," sabi ni Leann.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now