SHUFFLE

829 27 2
                                    

Note de L'auteur

I've been into music since I was a kid. Grade five ako nang pinag piano lessons ako ni Papa. After studying for a year, I decided to quit. I do love playing piano, pero hindi ko alam kung bakit ako nag-quit noon, but I'm glad to still remember the basics i've learned, kahit papaano hanggang ngayon marunong pa din akong tumugtog. Namulat din ako ng konti sa pag-awit. Noong elementary ako, madalas akong mag special number sa church namin tuwing Sunday. I'd wear that pretty dress, with my Papa playing the guitar, o kaya minsan 'yung organista sa church namin, and I'd sing. 

First year High School naman ako nang mapagpasiyahan kong magpaturo ng gitara kay Papa. Mas nagustuhan ko kasi hindi ko na kailangan lumabas para mag-aral, araw araw kaming may lesson tuwing pagka-uwi ko mula sa school. Papa taught me the basic chords, the rest ako na ang umalam. Hanggang ngayon, iyon ang hilig ko. Good thing din dahil may gitara sa bahay, madalas akong tumutugtog. 

Fourth year High School naman ako ng kumuha kami ng entrance exam sa UP. Dahil mahal ko ang music, I decided to apply for Conservatory of Music. Unfortunately, hindi ako nakapasa. Simula bata pa kasi ako iyon na ang pangarap ko. Pero siguro may ibang plano pa sa'kin, siguro hindi ako para doon sa ngayon. But that doesn't stop me from creating and loving music. 

Nang una akong magkaroon ng cellphone na may music player noong unang taon ko sa kolehiyo, una ko talaga iyong nilagyan ng mga kanta. Mahilig din akong mag-discover ng iba't ibang artist, by that mas lumalawak iyong mga alam ko 'pag dating sa iba't ibang kanta. 

Gaya ng marami, I'm in love with music. Tuwing makikinig ako isang magandang kanta, hindi ko maiwasang hindi mag-imagine. 

Alam ko kasi na sa bawat awit, may storyang nilalaman ang mga iyon. Of course, only the composer would tell the story nehind the song. 

Pero nang ma-discover ko ang pagsusulat, mas naunawaan ko. 

 Music is well said to be the speech.

Music like people has a soul. 

Hindi lang ito basta letra o tono. Whatever the inspiration is, there's a greater story behind it. 

Ang drama ba?

So, I came up with these. Mga kanta (mula sa ibang mga tao) na ginawan ko ng storya. 

Music, and story. 

Put your imaginary earphones on. Let's put the playlist in a shuffle. :)

M <3

SHUFFLEWhere stories live. Discover now