Chapter One - Determination

Start from the beginning
                                    

Hindi ko mapigilang hindi ma-excite. Yung tipong gusto ko nang mag-harlem shake because finally, I found him,

The one and only Reginald Uy Sarmiento. Ang lalaking napaka-gwapo at talino pero kung ano ang ikinaganda ng paglalarawan ko sa kanya ay siya namang ikinapangit ng tingin sa kanya ng buong university dahil nga sa bwisit na classmate niya at sakit sa puso na si Keith.

"That's enough Reika. Second period na natin." Ang hilig talaga manira ng moment nito.

"Ten minutes more. Kung gusto mo titigan mo na lang din yung ungas mong Boyfriend na mukhang higad." Sabi ko since naroon din siya. Nanggugulo at lumalandi.

Alam kong nasasaktan si Marie sa mga komento ko sa Boyfriend niya pero alam ko naman naiintindihan niya iyon atsaka give and take lang naman. Inaasar niya si Reginald kaya inaasar ko din si Keith pero labas yung Friendship namin doon kaya hindi kami nag-aaway. Mas importante pa rin ang pagkakaibigan namin.

"Okay class. Since our topic is about ears, Let's have a bonus question to be answered by Mr. Sarmiento na mukhang bored na bored."

Pati teachers pinagiinitan siya dahil sa ungas na si Keith. Palibhasa sumisipsip yung mga teachers kay Keith kasi may malaking shares ang pamilya niya dito sa Eskwelahan na ito at takot sila sa kanya. Kawawa tuloy si Reginald na nanahimik at nakikinig. Tumayo na siya para sagutin yung tanong ng teacher nila.

"Who was the famous artist who cut his ear off?"

Tiningnan ko si Reginald at halata sa kanya na hindi niya alam yung sagot dahil nakayuko siya tapos si Keith naman nakangisi. Akala mo kung sinong matalino ito, kung alam ko lang nagpapagawa lang siya ng mga homeworks sa mga taong takot sa kanya kaya isa siya sa mga Dean's Lister.

I have no choice left but to help Reginald who's in need. Pasalamat siya na kahit iritang-irita siya sa akin hindi ko siya sinusukuan at ngayon, magiging knight in shining armor pa niya ako dahil kilala ko kung sino yung tinutukoy nung teacher niya.

"Vincent Van Gogh!" Sigaw ko kung kaya't napunta yung atensyon nilang lahat sa akin pati si Reginald. Napansin ko ring nawala yung mga ngisi ni Keith.

Dahil sa sobrang kaba at panic ay hinila ko si Marie papunta ng classroom namin. Doon ko lang napagtanto yung kashungaan na ginawa ko. Grabe, first year college na ako pero nagagawa ko pa rin yung mga ganoong bagay.

Pagkahinto namin sa harap ng pintuan ng classroom namin ay bigla akong binatukan ni Marie at sinermonan. Grabe mas nakakatakot pa siya kaysa sa nanay ko magalit.

"Ganoon ka na ba kahibang sa stupidong lalaking iyon?" Tanong niya at tumango ako.

Siguro ganoon na nga ako kahibang sa kanya kung saan dumadating sa punto na isinasakripisyo ko ang sarili ko at ipinapahiya mapasaya lang siya o matulungang sa mga problema niya.

"My God Reika! You're unbelievable. You know what, you should stop chasing him." Ayan na naman siya sa you should stop-stop na iyan.

"Marie. Hayaan mo na lang ako please?" Sabi ko sa kanya.

"Fine. Basta kapag makikita kitang umiiyak dahil sa kanya, asahan mong hihingi ako ng tulong kay Keith para palutangin yung bangkay niya sa Ilog Pasig." Biro niya.

Nagtawanan lang kami. Kaya mahal na mahal ko tong Best Friend ko na ito. Handa niya akong suportahan sa kung ano ang makakapagpasaya sa akin kahit nagiging mukhang tanga na ako at Handa niya rin akong damayan kapag may problema na ako.

"Finally, I found the two of you and It looks like both of you are too happy."

Bigla akong nakaramdam ng isang maitim na maitim presensya ng isang taong ayaw kong makita. Lumingon kami dahan-dahan dahil mahirap na kung biglaan at nakita ko ang least favorite teacher ko tuwing First Period, Si Sir Ed.

CRUSHWhere stories live. Discover now