Kabanata 12

5.8K 288 67
                                    


Hindi siya

"P-Patawad. Hindi ko s-sinasadya. Patawad talaga," nauutal na ani Harper kay Zeid.

"Are you kidding me? Mukha ba akong aswang? Why are you so stupid?!" nakatiim-bagang na tanong nito sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang sobrang galit at pagkainis. "Mukha ba akong dumi kaya mo ako winalis, ha? Tatanga-tanga ka ba talaga?"

Hindi siya makagalaw sa sigaw nito. Naiintindihan niya naman kung bakit ito galit. Ramdam niya iyon. Ang tanga niya nga talaga. Wala na siyang nagawang matino.

Iniwasan niya ito ng tingin pero hinawakan nito ang braso niya at marahas siyang pinaharap dito. Sobrang lakas nito at halos mapiga ang braso niya. Hindi rin siya makaalis sa pagkakahawak nito.

"H-Hindi ko talaga sinasadya. Hindi kita gustong s-saktan," nanginginig ang boses niya nang sabihin niya iyon.

Natatakot siya sa maaaring gawin ni Zeid. Kung si Maria ay may kapangyarihan at mahika siguradong may taglay rin si Zeid dahil pamangkin ito nito. Maaari nitong gamitin iyon laban sa kaniya at iyon ang kinakatakot niya.

Hindi lang naman siya kay Zeid natatakot. Takot siya sa lahat. Takot siya dahil bago sa kaniya ang lahat ng ito.

"Kaya ayoko sa mga normal na katulad mo. Tatanga-tanga kasi kayo! Mga walang silbi!"

Mas humigpit pa ang hawak nito sa kaniya kaya nakaramdam na siya ng sakit.

Nag-umpisang uminit ang sulok ng mga mata niya. Ayaw niya sanang umiyak sa harap nito pero hindi niya mapigilan.

"A-Aray... nasasaktan ako. B-Bitiwan mo ako," pakiusap niya kay Zeid. Tumulo na nang tuluyan ang luha niya kaya yumuko siya para hindi nito makita iyon. Ayaw niyang isipin nitong mahina siya kahit iyon naman ang totoo.

Unti-unti nitong niluwagan ang pagkakahawak sa kaniya hanggang sa binitiwan na siya nito. Pinahiran niya ang mga luha niya at tiningnan ito. Mas kalmado na ngayon ang mukha ni Zeid pero nakakunot pa rin ang noo nito.

Nagtama ang paningin nila at ilang sandali siyang natulala.

Ang mga matang 'yon...

Nakaramdam siya nang kakaiba kaya iniwas niya ang kaniyang tingin at dumapo iyon sa braso nito na may mga galos gawa nang malakas na paghampas niya rito.

"Patawarin mo sana ako. S-Sana ay pahintulutan mo ako na gamutin iyang mga sugat mo," sabi niya kay Zeid. Siya naman ang may kasalanan kaya dapat lang naman na siya ang gumamot sa mga sugat nito.

Hindi ito sumagot, bagkus ay naglakad ito papasok ng mansyon. Sinundan niya ito kahit na hindi niya alam kung payag ba ito sa sinabi niya.

Nang nakapasok sila ay dumiretso ito sa taas. Hindi niya alam kung susundan niya ba ito dahil ang sabi nito sa kaniya noon ay hindi siya pwedeng pumasok sa silid nito.

"Harper, halika rito." Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses na 'yon at nakita niya si Lian na nakaupo sa sofa habang nakakrus ang dalawa nitong mga paa. May manipis din na gadyet sa harapan nito na mukhang maliit na telebisyon.

"Gusto mo?" alok ni Lian sa kanya nang isang chichirya. Umiling lang siya.

"Narinig ko kayo ni Zeid sa labas. Really, huh? Mukha bang aswang si Zeid para sa 'yo?" natatawa nitong tanong.

"A-Akala ko lang naman." Napailing ito sa sinabi niya at hindi na sumagot.

Umupo siya sa tabi nito at humarap sa manipis na gadyet na nakapatong sa mesa. Nanonood ito ng pelikula na hindi niya naman maintindihan.

Sleight Of Magic (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon