Kabanata 7

7.5K 442 223
                                    

Ignorante

"What? Are you freaking kidding me?"

Ano raw? "P-Priking?" nauutal na tanong ni Harper sa babae. Tama ba ang narinig niya?

Umiling ito. "I mean, nagbibiro ka lang, 'di ba?"

Nasa isang kainan sila ngayon na tinatawag na tsaynis restaurant—kung tama nga ang pagkakarinig niya sa sinabi nito kanina.

Nagkakilala na rin sila ng babaeng nagligtas sa kaniya. Ate Lian na lang daw ang itawag niya rito. Hindi naman nalalayo ang edad nito sa kaniya. Mas matanda lang ito sa kaniya nang dalawang taon.

Ito pa lang ang kauna-unahang tao na nakilala niya rito na tumulong sa kaniya. Kinu-kwento niya rito kung paano siya napunta sa lugar na ito at kung saan siya nanggaling habang hinihintay nila na dumating ang binili nitong pagkain.

"Walang halong biro ang lahat ng sinabi ko sa iyo, Ate. Ngayon lang ako nakalabas ng isla kung saan ako nanirahan sa loob nang labing siyam na taon. Totoo rin na napunta lang ako rito sa bayan dahil sa isang mahiwagang pintuan." Hindi niya alam kung maniniwala ito sa kaniya—sa mga sinasabi niya, pero sinabi niya pa rin.

"Hindi ko nga alam kung paano—"

"Hey, stop it! Ano ka ba! Hinaan mo nga 'yang boses mo, Harper. Ilan na ang nakwentuhan mo n'yan?"

"Ikaw pa lang po," sagot niya. Bakit? Dapat bang ikuwento niya rin iyon sa ibang taong makakasalamuha niya?

Nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito. "Good! You'll only be mocked by other people. Walang maniniwala sa 'yo."

Nanlumo siya sa sinabi nito. "Kung ganoon ba ay hindi ka rin naniniwala sa akin?"

"Hindi naman ako na shock ng dahil sa magical book and door na sinasabi mo. Actually, nagulat ako na nakayanan mo pang mabuhay na parang nakakulong. Alam mo, hindi ko kaya 'yon. Kung ako siguro ang nasa position mo, nabaliw na siguro ako."

Kahit siya man ay hindi makapaniwala na nakayanan niya iyon. Iniisip niya na lang na darating din naman ang panahon na makakalabas siya ng isla at hindi naman siya nabigo.

Saka, papaanong hindi ito nagulat sa sinabi niya tungkol sa mahiwagang libro? Hindi niya na lamang tinugunan ang sinabi nito. Ngumiti na lang siya nang pilit kay Lian.

Habang kumakain sila ay tinatanong niya ito ng mga bagay-bagay na sadyang bago para sa kaniya na sinasagot naman nito.

"By the way, paano ka makakabalik sa pinanggalingan mo? Do you think there's still another possible way for you to go back?"

Natulala siya sa mga sinabi nito. Ano raw?

"Pasensya ka na, Ate Lian. Hindi kita lubos na naiintindihan," sabi niya habang nakangiwi.

Napasinghap ito. Maarte nitong itinapat ang kamay nito sa dibdib.

"Gosh! Pahirapan 'to. Hindi ka ba marunong mag English?" tanong nito at ngumuso. Ang bibig nito ay parang ang arte kung magsalita.

"Mayroon akong kaunting kaalaman pero hindi ako sanay sa lenggwaheng iyon."

"Okay, fine. Sorry kung minsan, nasisingit ko ang ibang language. I stayed outside the country—Uhm, I mean, medyo sanay na kasi akong mag English dahil tumira ako sa ibang bansa, for a couple of years," anito saka inikot ang mga mata. "Anyway, sa tingin mo ba ay may iba pang paraan na pwedeng gawin or anything para makabalik ka ro'n?" tanong nito. Kinuha nito ang inumin at agad iyong ininom. Hindi niya alam kung naniniwala ito sa kaniya o nakikisakay lang ito sa mga sinasabi niya.

"Iyon ang hindi ko alam. Maaaring may iba pang paraan upang makabalik ako roon sa isla pero sa ngayon, nais ko muna sanang maranasan kung papaano ang pamumuhay rito. At nais ko rin sanang mabisita ang iba't ibang lugar—"

Sleight Of Magic (COMPLETE)Where stories live. Discover now