Chapter 35

84 15 0
                                    

F*ck. Anong gagawin ko!? Para kong baliw na mabilis bumalik sa kanilang pwesto na agad kinakunot ng noo ni Sam. Fudge. Matalino nga pala ang mga anak ko. Si Ashley naman ay biglang na tahimik.

"Come on babies. Samahan niyo si mommy sa taas nalang tayo mag play." Hinawakan ko na sa braso si Ashley  na tila ayaw sumama

"Mom I want to My dad badly" nilingon ko si Sam tila ba inaantay ang sasabihin din nito

"Me too mom. Pleas let me and ash see our dad." Tila ba nanlamig akong bigla dahil sa sinasabi ng aking mga anak

Alam ko na dadating sa punto na magkikita kami. Sila. Pero hindi ko naman inaasahan na ganito kaaga. Kauuwi lamang namin kahapon. Bakit magkikita na agad? Hindi ko naman balak itago ang anak ko sa kanya. Hindi ko lang kaya na ngayon na.

Ilang minuto lamang akong tulala habang umiiyak. Hindi ko na alintana na makita akong ganito ng aking mga anak. Agad na nakalapit sakin si Ashley na agad din akong niyakap sa bewang. Nanatiling nakaupo si Samuel na alam kong gusto na rin akong yakapin ngunit mas piniling manatili sa kanyang kinauupuan

Ilang minuto pang ganun ang aming pwesto bago makarinig ng isang tunog. May cellphone na tumutunog. Hinanap ng aking mata ang teleponong tumutunog at umabot ito kay kuya Symon na naka tingin sa kanyang telepono sabay titingin sa akin. Anong problema ng isang to?

Sinagot niya ang tawag sa aming harapan

"Hello?" Hindi ko marinig ang sinasabi ng nasa kabilang linya ngunit kapansinpansing lumilingon sa akin si kuya Symon. Si kurt ba ang kausap niya?

"Sige. Sasusunod nalang. Ingat." Binaba na ni kuya si Ang tawag habang kaming lahat ay nakatingin lang sa kanya. Na tila ba hinihintay na mag sabi ito

Bumuntong hininga pa ito ng malalamin  bago mag salita "Si kurt ang tumawag" tama nga ako. Ano namang sinabi ng lalaking yun?

"Anong sabi?" This time si Kuya Drew ang nag tanong

Bahagya pang sumulyap sakin si kuya Symon bago nag iwas ng tingin ng makitang nakatingin rin ako sa kanya

"Hindi daw siya makakapunta, tinawagan siya Allyson. May sakit ito kaya kailangan puntahan ni Kurt" daretsong sagot ni kuya Symon

Nilingon ko ang kambal at nakitang nakatingin ito sakin. What?! Nilingon ko rin ang aking mga kapatid, at gaya ng inaasahan nakatingin rin ang mga ito sa akin. Ano bang problema nila!?

"What!?" Malakas na sabi ko na nasa tonong naiinis na

Imbis na sumagot ay nag iwas lang ito ng mga tingin. Tsk. Ayoko ng umalis. Itetext ko nalang si vell.

Umakyat na ko sa kwarto at iniwan silang habol ang tingin sakin. Nakakainis na.

Pag pasok ng kwarto ay agad kong sinara at nilock ang pinto. Hindi ko alam, ngunit bigla nalang akong natumba kasabay ng pagbuhos ng luha sa aking mga mata

"Akala ko ba ayaw mo pa silang magkita Alie!? Ayan na nga oh! Pinapaboran kana ng tadhana! Bakit umiiyak ka!"

Para kong baliw na kinakausap ang aking sarili

"Umayos ka Audrey Lexie Samantha. Hindi ka nagpakalayo layo ng pitong taon para lang sa wala. Hindi mo na dapat siya iniiyakan." Pangaral ko sa aking sarili habang tinatapik tapik pa ang aking pisngi

"Hindi mo na siya mahal. Hin-" hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin  ng bigla nalang tumunog ang aking telepono

Padabog ko naman itong sinagot.

"ANO BA!? NAGDADRAMA YUNG TAO DITO TAPOS BIGLA KA NALANG TAGAWAG!? ANO TO BASTUSAN LANG!? HINDI BA PWEDENG MAMAYA KA NALANG TUMAWAG!? ESTORBO KA EH ISTORBO!" Halos mapatid ang ugat ko sa lalamuna sa tindi ng aking pagkasigaw. Pakiramdam ko nga ay  umabot sa baba ang boses ko

"Ah eh ano kasi.. Alie? Si vell to kung hindi mo naaalalang lalabas tayo. Okey lang uuwi nalang ako" madramang sagot din nito sa akin

"Vell.." Naiusal ko na lamang ang kanyang pangalan. At nag simula nanamang pumatak ang mga luha ko

"Eyy may problema ba? Gusto mo bang pumunta ko jan?" Bakas sa tono nito ang pag aalala

"No. No.. I just. I just can't. Hindi ko kaya vell. Hindi ko kaya." Umiiling iling pang sabi ko. Saglit akong huminto at huminga ng malalalim bago muling nag salita " Mahal ko pa rin siya Vell. Mahal na mahal. Nasasaktan akong isipin na mag kasama sila." Pahina ng pahina ang bawat salitang binibitiwan ko

"Shh tahan na. Papunta na ko jan" wala sa sariling napatungo nalang ako habang kagat labing pinipigilan ang paghikbi

PROMISES (COMPLETED) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang