minsan lang kitang iibigin

9.2K 191 25
                                    

den-den's POV

bukas ay second year anniversary na namin ni aly. we did it. nalampasan namin ang mga pagsubok na dumating sa relasyon namin. nagplaplano pa ko ng magiging surprise ko bukas sa kanya. gusto kong maging espesyal ito.

nag-aayos na ko ng gamit ko pauwi. andito ako ngayon sa doctor's lounge. pumasok si dr suarez at may kinuha sa locker nya.

tiningnan nya ko. nginitian ko sya.

dr suarez: talaga bang wala na akong pag-asa sa yo?

den; matagal na nating napag-usapan yan di ba?

dr suarez: ang swerte ni aly sayo.

den: swerte din ako sa kanya.

dr suarez: i wish you all the happiness.

den: salamat. oh sige, aalis na ko at may dadaanan pa ko para sa anniversary surprise ko sa kanya bukas.

dr suarez: sige, ingat.

lumabas na ko ng ospital at dumiretso sa kotse. habang nagdridrive ako ay napapangiti ako kung ano ang magiging reaksyon ni aly sa surprise dinner date ko sa kanya bukas. nasa gitna ako ng pag-iisip ng maapakan ko ang preno dahil may humarang na kotse sa kotse ko. bumaba ang mga apat na lalaking nakaitim lahat. tiningnan ko ang likuran, iaatras ko sana ang kotse pero hindi ko na nagawa dahil may kotse na may tatlong lalaki na nakaitim rin ang nakatigil sa hulihan ng kotse ko.

marahas na binuksan ng isang lalaki ang pinto ng driver's seat. bakit ba nakalimutan kong ilock ang pinto ng kotse? natatakot na ko. hindi ko na alam ang gagawin ko. 

hinawakan nya ang dalawang braso ko at hinatak ako palabas. hinila ako papunta sa kotse na nasa unahan ng kotse ko. binuksan ang pintuan ng likod ng kotse.

lalake: pasok!

wala na akong nagawa dahil may baril na nakatutok sakin. nasa gitna ako ng dalawang lalaki sa likod ng kotse. habang nakita ko na may pumasok sa kotse ko at nagconvoy ang tatlong kotse.

den: san niyo ba ko dadalhin?!

itinutok ang baril sakin at

lalake: tumahimik ka na lang kung ayaw mong masaktan.

tahimik akong lumuha. ang naiisip ko ay si aly. gusto ko syang tawagan pero naiwan ko ang cellphone ko sa kotse.

den; (sa sarili lang) tulungan mo ko bhe. natatakot ako.

hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga lalaking ito. gusto kong tumakas pero hindi ko magawa. lahat sila may baril. parang isang maling galaw ko, mamamatay agad ako.

CAUGHT IN THE MIDDLE - BOOK 1 (BangLyDen - AlyDen with Bang Pineda)Where stories live. Discover now