worth the wait

9.2K 176 12
                                    

aly's POV

nagmulat ako ng mata. wala akong makita kundi ang salamin sa kisame.  inilibot ko ang mga mata ko. sa kanan ay nandun ang picture ko, ang picture ni denden at picture naming magkasama. sa medyo malayo, andun ang drawer namin ng damit. sa paanan ng kama ay ang tv . tumingin ako sa kaliwang bahagi ng kama, andon ang study table kung saan gumagawa  si denden ng mga paper works nya at ako naman ay ang mga lesson plans ko. napangiti ako dahil nasa kwarto namin ako.

umalis ako mula sa pagkakahiga at umupo sa kama. nasapo ko ang aking ulo. masakit ang ulo ko. nahipo ko pa na medyo basa pa ang buhok ko. tiningnan ko ang damit ko. naka asul na tshirt na ako ngayon. wala na ang kaninang basang suot ko. maging ang pang-ibaba ko ay napalitan na.

balak ko sanang tumayo pero napalingon ako sa may pinto dahil bumukas iyon. iniluwa ang isang dilag na animo ay isang anghel. nakangiti sya. naka spaghetti strap na blouse at maikling shorts. may hawak na tray ng pagkain. napangiti ako dahil sa pagdating nya.

inilapag nya ang tray sa side table. umupo sa tabi ko at hinipo ang leeg at noo ko.

hinayaan ko lang sya.

???: kumusta pakiramdam mo?

aly: (nakangiti) okay lang.

???: pinakaba mo ko kanina. nahimatay ka sa sobrang taas ng lagnat mo.

aly: (ngumiti lang)

???: next time wag ka ng magbababad sa ulan ah.

aly: (ngumiti ulit)

???: wala ka na bang ibang alam kundi ngumiti?

aly: meron. 

hinawakan ko ang isang pisngi nya, tinitigan ko ang bughaw nyang mga mata. saglit kong idinampi ang labi ko sa kanyang labi.

aly: i love you den. i love you bhe.

den: (hinawakan ang kamay na nakahawak sa pisngi nya) i love you so much..

nakita ko ang pagpatak ng mga luha sa pisngi nya. napakunot ang noo ko dahil dun.

aly: bakit?

den: wag ka ng mawawala sakin ah.

umiling ako saka sumagot sa kanya. 

aly: hindi na.

media time :) ahahaha :) ang demanding ko noh?

para sayo itong chapter na to @gigglepop :) meron syempreng ganito. hindi ko na dapat ide-details pero dahil request mo :) eto na :P

CAUGHT IN THE MIDDLE - BOOK 1 (BangLyDen - AlyDen with Bang Pineda)Where stories live. Discover now