time to let go

9.2K 207 26
                                    

aly's POV

nalaman na ni denden ang totoo. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. kasalanan ko pero hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. tumayo ako mula sa pagkakalugmok sa sahig. sinundan ko si denden sa guest' room. nasa tapat na ko ng guest room. akmang pipihitin na ang doorknob ng marinig ko si denden.

den: ang sakit sakit aly. ang sakit sakit kasi mahal na mahal kita. pano mo nagawa to?


hindi ko na naituloy ang pagpihit sa door knob. natigilan ako. wala akong alam na pwede kong gawin para kahit papano ay bawasan ang sakit na nararamdaman ni denden. sakit na idinulot ko sa kanya.

aly: (sa sarili) sorry den. sorry.

-------------------------------------------------------------------------------------

kinabukasan. 

denden's POV

gumising ako ng maaga. pasado alas-sais na ng umaga ng magising ako. ramdam ko ang pananakit ng mata ko dahil sa kakaiyak kagabi. bumangon ako at nag toothbrush, diretso ligo na sa cr dito sa guest room. nag-ayos na ko ng sarili ko. 

tumingin ako sa salamin. eto pa rin ako. ang denden na mahal na mahal si aly. pero ang pagmamahal na yon ay natatabunan ng galit dahil sa ginawang pagtataksil ni aly sakin.

bumalik sa isipan ko kung gaano kami kasaya noon.

kung paanong niligawan nya ko nung nasa dorm pa kami kasama ang ibang lady eagles. 

kung paanong mamatay-matay sya sa selos nung magtapat sakin si myco sa san juan arena, over the mic.

nung mag walk out sya sa practice namin dahil nakita nyang sweet kami ni LA sa sulok. magkayakap kami. ang hindi nya alam ay kino comfort ko lang si LA dahil unang araw pa lang ng panliligaw nya ay binasted ko na agad sya.

naalala ko nung araw na sinundo ako ni aly kahit nabagyo pa. stranded ako nun sa espana dahil binisita ko si jessey.

naalala ko nung hingin nya ang sagot ko. nagprepare pa sya ng sweet dinner by candlelight. 

nung nagcelebrate kami ng 6th monthsary namin sa tuktok ng mount apo. kakaibang trip.

at nung ayain nya kong magsama na kami. pinuntahan nya ako sa bahay nina mama. nagpaalam sya sa mga magulang ko. hindi man payag sina mama pero dahil gusto ko na rin na magsama kami ay walang nagawa sina mama.

sa dinami-dami ng pinagdaanan namin, ng mga masasayang ala-ala, hindi ko lubos maisip kung pano nya nagawang maghanap ng iba.

tumulo ang luha sa aking mga pisngi. hinayaan ko lang na tumulo ang mga ito.

den: ito na ang huling beses na iiyakan kita aly. hindi ka worth it sa lahat  ng mga luha ko. minahal kita. buong-buo. pero ginanto mo lang ako. wala kang kwenta. kaya kong humanap ng iba na higit pa sayo.

CAUGHT IN THE MIDDLE - BOOK 1 (BangLyDen - AlyDen with Bang Pineda)Where stories live. Discover now