Part 2 (His POV)

333 11 74
                                    

Part 2 (His POV)

~~~

Ang pangalan ko ay Train. Ako yung loko-lokong kaibigan ni Devy.

"Hoy kuya, kinikilabutan ako sayo. Wag ka ngang mag-emote dyan! Hindi ako sanay! Tigilan mo yan!"

"Manahimik ka nga Thea. Tss."

"Sungit mo! Ganyan ba pag broken-hearted? Hmm?"

Napakunot yung noo ko sa sinabi niya. Ano bang meron dito sa kapatid ko at palaging updated sakin? Wala na atang hindi alam e.

"San mo na naman nasagap ang balitang yan huh? Chismosa ka talaga kahit kailan. Tss."

"Nag-iisang kapatid lang kita kuya, kaya malabong hindi ko yun malaman."

"Nakakatakot ka palang maging kapatid."

"Ang sama mo!! Ako na nga tong concern sayo e.."

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit kasi pinaalala pa ni Thea.. Yan tuloy..

Oo na, ako na ang tanga. Wala akong kamalay-malay na pinapaasa lang ako ni Mara. Kasalanan ko ba yun? E siya tong bait-baitan sakin e. Ayaw niya pag nagtatampo ako, ayaw niyang nagagalit ako, pag malungkot ako pinapasaya niya ko, pag aalis siya gusto niya kong kasama.. Ay lintik lang! Hindi ko naman alam na bestfriend pala ang hinahanap nya! Sa pagkakatanda ko kasi, boyfriend ang inaapplyan ko sa kanya, hindi yang lintik na bestfriend na yan! May bestfriend bang mag-a-i love you sa bestfriend nya? Wala di ba? Muntanga lang..

"Kuya Train..."

Napaharap uli ako sa kanya. Ano na namang problema nito?

"Oh??"

"Mukha kang tanga." sabi niya.

"Hoy bata ka. Kung makatanga ka naman sakin dyan parang hindi mo ako kuya ah!"

"Kung makabata ka parang ilang taon ang tanda mo sakin ah? FYI, dalawang taon lang ang tanda mo sakin. Buti nga at tinatawag pa kitang kuya e."

"So anung gusto mong palabasin? May utang na loob pa ako sayo?"

"Hay naku kuya, seryoso. Mukha ka talagang tanga." sabi niya ulit ng ipinagdidiinan pa yung word na TANGA.

"Oo na oo na! Alam ko naman e! Wag mo nang ipagduldulan sa mukha ko. Hindi purkit lalaki ako hindi na ko nasasaktan Thea! Tao din kami! Nasasaktan din kami!"

Tunay naman di ba? Hindi lang naman ang mga babae ang may karapatang masaktan at magdrama di ba?

"Alam ko naman yun! Pero kuya, hindi deserving yang si Mara. Wag kang maging ganyan nang dahil sa kanya. Kaya ka nagmumukhang tanga e, nagmumukmok ka dahil sa isang taong hindi deserving! Wag kang ganun kuya!"

Aaminin ko, natahimik ako dahil sa sinabi ng kapatid ko. Tama naman talaga siya e. Hindi deserving si Mara. Sinaktan niya ako, pinaasa niya ako, kaya hindi siya yung taong karapat-dapat sa pagmamahal ko.

Pero sa totoo lang, hindi naman siya ang dahilan ng pagmumukmok ko kanina. Hindi siya ang iniisip ko bago pa punahin ng kapatid ko yung 'pag-eemote' kuno ko daw. Naalala ko lang yung kay Mara dahil sa pagpapaalala ni Thea, hindi kasi talaga siya yung pinuproblema ko. Basta yun. Magulo na kung magulo.

     

♪ Heto ka na naman kumakatok sa 'king pintuan

Muling naghahanap ng makakausap

At heto naman ako, nakikinig sa mga kwento mong paulit ulit lang

Nagtitiis kahit nasasaktan ♪

Ayoko Lang Masaktan Ka (Short Story) [ON EDITING]Where stories live. Discover now