X- Enigmatic Motivations (Volume One Final Chapter)

Начните с самого начала
                                    

Nagpaikot-ikot muna siya sa paglalakad sa palibot ng aming office bago tumigil at magwika muli.

"Well, nandito lang naman ako para i-congratulate kayo. I know na may RSPC pa, kaya kung need n'yo ang tulong namin, nandito lang naman kami."

"Uh, Jericho... Parang nakakahiya naman. We can handle this," Kendra insisted.

"It's okay, Kendra," may pagka-galanteng tugon ni Jericho. "Ganito naman talaga, eh. Tulungan lang tayo! People from The Graphophiles' Joint and us from SSC were comrades after all, 'di ba?

"If we have good relationship with each other, or if we both are in good terms, everything will turn out to be good along the way."

Then, he spoke again to bid his goodbye to us, "Iyon lang naman, Lysandre and Kendra. So, mauuna na ako, 'no?" And after that, he stepped out from the office.

Pero habang lumalayo siya ay hindi maiwasang manliit ang aking mga mata. I know, there's something with this guy along the way. We were just being silent, pero hindi kailanman magiging tikom ang mga bibig namin.

---

YOSEFF ADRIAN MUÑOZ

Natapos na nga ang Press Con at balik na naman sa dating gawi. Lunes na naman at na-miss ko na rin ang mga kaklase ko, ang mga guro ko, at ang mga naiwan kong gawain sa school. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas! Oras na para harapin ko naman ang aking responsibilidad bilang isang estudyante dahil marami akong na-miss.

Iyon nga lang din, kailangan ko ring maghanda para sa RSPC, pero hindi pa naman siguro ngayon; kailangan pang mag-sink-in ang lahat ng mga pangyayari sa mga nakalipas na araw.

Mamaya pang hapon ang klase namin, dahil nagkaroon ng general meeting ang lahat ng faculty members ngayong umaga pero dumeretso muna ako sa gymnasium dahil may practice kaming magkakaklase para sa presentation namin para sa PE subject namin kay Sir Roland.

Kanina pa ako dinadaldal nitong si Wil na humihirit ng libre sa akin na kasabay ko ngayon sa paglalakad patungo sa gym.

Masaya sila nina Lew at Ninang Berna noong nalaman nila ang pagkamit ko ng 5th place. Sa totoo lang, sa kanila ko iniaalay ang pagkapanalo ko. Kung hindi dahil sa dalawang tukmol na magpinsan na ito ay baka hanggang ngayon ay patuloy lang ako sa pananahimik sa may sulok.

Umaalingawngaw na sa buong gym ang mga linyang "Easy come, easy go. Little high, little low." na nagmumula sa speakers pagkarating namin sa loob. Buti naman at hindi pa kami late sa aming practice. 'Yong iba ko kasing mga kaklase ay naghahanda pa lang.

"Congratulations sa 'yo, Yoseff!" Pagkakita sa akin ng mga kaklase ko ay sinalubong ako ng shake hands at ng congratulatory greetings. Sadyang nakaka-overwhelm 'yong gestures na pinapakita nila sa akin.

"Famous ka na talaga, pars. Walang kalimutan, ah?" Saka sumingit si Wil at binulungan ako. Sa halip na sumagot ay siniko ko na lang ang loko.

Parang linya sa kantang Bohemian Rhapsody ang mga nangyayari sa akin ngayon: "Is this the real life? Or it is just fantasy?"

Ayaw ko pa ring maniwalang nangyayari na ang mga bagay na akala ko ay imposible lang mangyari para sa tulad ko. Kung dala ito ng kismet o suwerte ay hindi ko na iyon alam.

Pero iniaalay ko pa rin ang pagkapanalo ko sa mga kaklase ko. Kahit medyo may pagka-ambivert ako, sila 'yong narito para suportahan ako.

The Graphophiles' Joint | Volume OneМесто, где живут истории. Откройте их для себя