Chapter 3 - Taming The Beast

21 1 0
                                    

Mula nung araw na nalaman ko na ako ang magiging representative na class namin ay naging super busy ang schedule ko.

           

Lumipas ang tatlong araw na punong puno ng history ang isipan ko. Ito na ang araw kung saan mayroon akong workshop. Pinapapunta ako ni Mayumi sa kanilang estate. Pero sa gate pa lang ay hinarang na ang tricycle ni tatay. Bawal daw kasi ang tricy sa loob ng subdivision.

            "Ano ba yan? Hindi ko man lang naisip na bawal pumasok sa sosyal na subdivision ang tricycle namin. Hayyy." Sabi ko sa sarili habang hinahalughog ang napakalaki kong bag para kunin ang cellphone.

Type. Type. Type.

Send.

After 15 seconds.

♪♫ "I got a pocket, a pocket full of sunshine..." ♫♪ sorry yan ang ringtone ko.

"Hello Mayumi."

"YOU COST ME A LOT OF TROUBLES! You wait for my car. Troublesome lady. Tsk tsk"

Tut. Tut. Tut.

End call.

"Binaba nya na agad?" takang taka ako. Ganun ba kalaki ang galit nito sa akin.

            Naghintay kami ng tatay ko ng mga anim na minuto at sa wakas ay nakarating na ang sundo ko. Isang makinang at maitim na Mazda 3 ang humito sa harapan namin.

"Miss, are you Ms. Georgia Sanchez?" tanong ng driver na naka-coat and tie.

"Yes."

"Do you have an ID?" tanong ng driver sa akin in a robotic computerized manner. He seems so cold. Hindi man lang ngumiti or something. Naka-shades pa si kuya. Kahit natatakpan ng shades ang mukha nya ay kitang kita mo na ang kinis ng mukha nya. Walang blemishes or pimples. Bello o Calayan? I wonder.

Opps. Tama na sa kung ano anong naiisip. Halughigin mo na ang bag mo Georgia. Sabi ng konsensya ko.

"Asan na ba yun?" parang inis na kinakabahan ako habang hinihanap ang ID ko sa bag ni Dora, este bag ko. Halo halo kasi. I am a proud artist that's why I'm so disorganized. But I don't think it's a license for that. "Gotcha." Sabay abot ng ID ko kay kuya driver. Binusisi nya itong mabuti na tila peke yung IDng hawak ko.

"Well then, hop in." sinabihan nya lang ako na pwede na akong sumakay pero hindi man lang nya ako pinagbuksan ng pinto. Anong nangyayari sa mga lalaki these days? Psy na lang ba ang gentleman? Ay, title lang pala yun ng kanta nya.

"Ano pang tinatayo ko rito?" kinakausap ko na naman ang sarili ko. Kumakaway na nagpaalam na ako sa tatay ko at sumaludo naman sya sa akin. Ganun ang pagba-bye nya sa amin ni nanay.

Pagpasok naming sa loob ng exclusive na subdivision, manghangmangha ako sa mga naglalakihang gusali. Mali. Bahay pala.Nakakalaglag panga sa ganda!

Sa wakas nakarating na rin kami sa estate nina Mayumi. Sobrang laki nito. Parang kasya ang bahay namin kasama pa ang bukirin sa loob at aalog-alog pa. Ang ganda ng garden. Puro white rose ang flowers na nakatanim. Hindi kaya nila pinipintahan yun ng red or pink? Then meron pang fountain. Parang Fontaine du Cirque or The Fontaine de l'Observatoire ang inspiration para makagawa ng ganito kagandang fountain. Pwede kayang mag-wish dito?

Pagpasok ko sa loob, sobrang linis at lawak. Yung mga kurtinang gamit nila ay parang ginagamit sa mga palasyo. Ang mga display nila sa bahay ay tiyak na mamahalin. Siguro ang iba dito ay sa mga subastahan pa nakuha.

Maya-maya pa'y bumaba na si Mayumi sa mala palasyong hagdan kasama ang isang matangkad, maputi, medyo naglalagas at nangingintab na ulo na lalaki. Siguro nasa mid 40's na sya. Nakasuot sya ng slacks at coat na gray. Naka brown leather belt and brown Italian shoes. Sa kaliwang dibdib nya ay may fuchsia pink na panyo. Napaisip tuloy ako kung beki ba sya o sadyang ganun lang ang fashion trend this season?

"You are one minute, thirty seconds and two millisecond late!" galit na banat ni Mayumi sa akin. Meron ba sya ngayon? I am expecting a dramatic welcome pa naman. Parang ganito à "Welcome to Kagura's Estate. A place that is full of enchantment. Feel the magic." Naiisip ko pa lang natatawa na ako. Korni kasi.

Bigla akong napangisi ng mahina.

"Is there anything funny? Is it funny that a beauty representative is late? That is the number one rule. Value time. Time is the most precious thing in the world. If you have an appointment with a person and you came late, it sounds like you're impertinent. Understand?" wow ha. Daig pa nya ang senador na nag-privilege  speech sa senado. Parang Roar(Tiger) lang kung magalit. Di ko alam kung she's trying to give me an advice or sadya lang namemersonal lang sya. Porquet hindi siya nakuha na representative kung magalit wagas? Hindi ata workshop pinunta ko rito kundi Awards Night. Ang dami kasing sinasabi, parang 1:30:02 minutes late. Over sa OA din  tong half Japanese one-fourth French and one-fourth Filipino kung magalit!

"This is Mr. Christopher Laurent. He is my personal trainer. All of my pageant he's been there for me. He is an expert when it comes to hair and make-up. He got the highest rank when he was in a Fashion Institution. When it comes to proper manner, he is a terror." Pagpapakilala nya sa lalaki. "Mr. Laurent this is Ms. Georgia Sanchez. I hope you could work well with this lady. She is quite rebellious and catastrophic." Ang ayos ng pakilala nya kay Mr. Laurent tapos sa akin puro panlalait. Masunurin naman akong tao ah. Kung hindi lang ako pinakiusapan ni President Isaac wala ako dito ngayon. Edi sana ikaw ang nagmemorya na napakaraming bansa at capital nila. Pasalamat ka at ako ang kinuha, kundi baka talsik talsik na ang utak mo ngayon sa sobrang dami ng kinakabisa. Ahaha. So harsh.

"Mademoiselle Sanchez, please to meet you." Sabay abot ng kamay ko at hinalikan ito. Iw, iw, iw. Kadiri. Kung si Prince Yuki ang hahalik sa kamay ko pwede pa. Pero sya, as in karimarimarim. Ayaw ko ng ganitong custom.

"Eh-hehe, Please to meet you rin po Sir." Tumango tango na lang ako at ngumiti na medyo pilit. Sana hindi nya nahalata na fake lang smile ko. Pinunasan ko yung kamay ko na hinalikan nya na hindi nya nakikita. Yuck. Puno na ng DNA nya ang kamay ko. Sorry. Masyado na yata akong nag-iinarte.

"Breakfast?" tanong ni Mr. Laurent. Parang ang dami yata ng pagagawa nya sa akin at kailangan ko pa munang kumain. Well, siguro sya naman ang gagastos. Okay lang.

"Yes. Ano pong ulam?" toinks. Halatang gutom.

"Mademoiselle Mayumi, what do we have for breakfast?"

"I know you'll be here today Sir that's why we will serve the best meal for you and for our uneducated guest." Nakangiting sabi ni Mayumi at pinakalembang na nya ang maliit na bell para tawagin si Ming, este ang katulong. Sinabihan nya ito na i-ready na ang mga pagkain namin. Tama ba yung sinabi nya? Uneducated guest daw? Sa pagkakaalam ko uneducated guess yun. Teka, ako ba yung tinutukoy nya? Namemersonal talaga.

Nang handa na ang pagkain ay pinapunta na kami sa kanilang dining room. Habang papunta ng dining room, nakita ko ang music room nila. Pero drum set lang ang nakalagay sa loob. May kapatid ba syang lalaki? Ang alam ko nag-iisang anak lang sya.

"Ah, Mayumi. Sino gumagamit ng drum set nyo?

"Ako."

"Whoaa! Hindi nga? Ikaw? Talaga? Bakit?"

"None of your business."

Gulat na gulat talaga ako! Hindi ko ma-imagine na nag-da-drums pala siya. Sa school kasi hindi mo halatang mahilig sya sa mga instruments. To think na drums pa yung trip nyang tugtugin, Amazing! Parang yung hinahangaan kong Japanese girl band na Scandal. Nag-head bang din kaya sya pag tumutugtog or simpleng poker face lang? Basta dahil sa impormasyong nakalap ko lang kanina parang naging interesado ako sa kanya. Dyosang drummer. Waaaa. Di ko na ma-take. Galing talaga! Parang nabuhayan ako dun sa pangarap ko na magkaroon ng girl band sa school na lalaban sa grupo nina Calvin. Pero imposible. I am an invisible type of person. Malabo. So sad. :(

 Nang makarating na kami sa kanilang dining table ay tumambad sa amin ang isang...

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Hi folks! I cut ko na muna rito ang ating kwento.

I've been thinking and searching kung ano ang dapat pang ilagay sa story na ito pero wala talagang sumasagi sa utak ko.

Bear with me fellas!

If you have comments or suggestions feel free to inform me.

Till then.

ciao

Hate LoverWhere stories live. Discover now