Chapter 1 - 2nd Monday of September

109 1 1
  • इन्हें समर्पित: Shayla Claire Perales
                                    

           Sa ikalawang araw ng ikalawang linggo ng Setyembre mabilis na mabilis akong tumakbo papunta sa aming silid aralan dahil mahuhuli na naman ako sa una naming subject. Sa pagmamadali  ko may nakabunggo akong isang lalaki. Tinulungan nya akong pulutin ang mga nahulog kong libro. Sa di sinasadyang pagkakataon bigla nyang nahawakan ang kamay ko. Nang tingnan ko kung sino ang lalaking nakabunggo ko, laking gulat ko na siya pala si Calvin. Ang lalaking pinakamimithi ng lahat ng babae sa aming paaralan. Aaminin ko, may konting pagkagusto rin ako sa lalaking yun kahit may pagkamayabang.

     " Sa susunod kasi wag kang absent minded pag tumatakbo! Alam mo bang mahal labhan ang uniform na to? Ayan tuloy may laway mo na!" sabi ni Calvin.

     "Ah, eh. Sorry." nahihiya kong sabi sa kanya. Tingnan nyo naman kung gaano kayabang yung lalaking yun! Kung makapagsalita akala mong...never mind. May ipagmamayabang din naman kasi sya. Ikaw na ang tagapagmana ng Smith Corporation. (Ang isa sa pinakamalalaking company hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo)

      Balik tayo sa aking pagtakbo.

  Daig ko pa ang runner sa Olympics dahil sa bilis kong tumakbo.

 Hingal.

.

.

.

PANT....

Nang makarating na ako sa aming silid aralan bigla akong nadulas dahil naapakan ko ang doormat ng room namin....

     "Aray, ang sakit ng pwet ko." inda ko dahil sa sorbrang sakit.  T_T (sakit talaga. pramis)

      "Ms. Sanchez! Bakit late ka na naman?"

      "Ah, eh kasi po Ma'am nanood po ako ng concert ng Kamikazee kagabi."

     "Wow! Ang ganda ng dahilan mo. Bakit palagi na lang kasama ang mga banda sa lahat ng excuses mo? Sige umupo ka na." galit na sabi sa akin ni Mrs. Labamba.

      Dali dali na akong umupo sa kanang sulok ng aming paaralan. Hindi ko alam kung bakit dun nya ako nilagay. Nasa hulihan ka na, pinakasulok pa. Ang alam ko lang na nilalagay na mga estudyante dun ay yung mga maiingay at mga wala masyadong alam sa aralin. Marahil dun nya ako nilagay dahil lagi akong late kung pumasok.

        "Carla,"mahina kong tawag sa katabi ko."anong page na tayo?"

       "Page 146 na Georgia." malumanay nya namang sagot sa akin.

        Binuksan ko na ang aming libro tungkol sa Kasaysayan ng Daigdig. Buti na lang at paborito kong subject ang History. Kaya kahit magpa-exam pa ang aming guro laging perfect ang nakukuha kong score. Kaya malakas din ang loob ko na magpa-late paminsan minsan.

Facts about me:

       Yung sinabi ng teacher namin tungkol sa lagi kong pag-e-excuse na late ako dahil sa mga banda, totoo lahat yun. Adik lang talaga ako sa mga tugtugan. Lagi akong nag-se-save ng pera pambili ko ng mga tickets ng mga banda. Minsan pag hindi pwede ang menor de edad sa isang gig nagpapanggap akong 18 years old. Hindi naman sila umaangal kasi nagbabayad naman ako. Pangarap ko rin kasing sumali sa Battle of the Bands sa school namin. Kaya lang wala pa akong kakilala na mga girls na marunong tumugtog ng musical instruments. Maganda rin naman kasi na girl band ang sumali dun kasi bibihira lang ang mga nakakalusot na girl band sa mga battles.

        Natapos na rin ang dalawa naming subject...

     " Yey!" :3

      Recess na naman.

        Mag-isa akong pumunta sa canteen.  (how sad)  : (

        Well, lagi naman ganun ang sitwasyon. Wala kasi akong kaibigan sa school. Madalas lang akong mag-isa. Wala rin naman pumapansin sa akin kasi isang hamak lang akong iskolar. Hindi katulad ng mga estudyante dito na mga galing sa kilala at mayayamang pamilya. Kaya hirap talaga akong makahanap ng kaibigan.

             "Ate pabili po ng isang Piattos yung cheese. Tsaka isa pong Sprite." yun ang lagi kong kinakain pag recess. Naghanap na ako ng pwedeng upuan. Halos lahat occupied na.

               Nang biglang...

              "Hoy!" tinig na nanggagaling sa aking likuran. Hindi ko muna pinansin kasi baka hindi naman ako yung tinatawag nya.

           "Hoy ikaw! Piattos girl." tawag ulit ng tao sa aking likuran.

            Napatingin ako sa aking hawak na Piattos. [Piattos nga.]

         "Teka, ako ba ang tinatawag nun?" sabi ko sa sarili. Saka pa lang ako nagpasyang lumingon at tingnan kung sino yung tumatawag. Nagulat na naman ako dahil si Calvin pala yung tumatawag sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ako bigla ng malamig.

            "Ako ba?" tanong ko sa kanya.

            "Oo. Bingi ka ba?" banat nya sa akin. "May kasalanan ka pa sa akin, diba?"

            "Huh? Kanina pa yun ah."

             "Kaya, nga. Kanina pa nga yun. Napanis na yung laway mo sa uniform ko."

              "Ahm...so-sorry na. Di ko naman sinasadya e." nanginginig na tugon ko sa kanya.

              "Sige. Papalampasin ko ang pagkakataon to."

              Hayy....

              Buti na lang.

              Akala ko mamatay na ko nung mga oras na yun.

             Sobrang kaba ko at takot.

         Iba kasing magalit yung lalaking yun e.

         Daig ba si Incredible Hulk kung magwala. [GRRRAWWWRRWW!]

Hate Loverजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें