Shoot 4 "Announcement"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Magaling! Sinasabi ko na nga ba't magiging isa kang magaling na mag-aaral ng Blue Wave University," kahit pa sabihin nating naka-program lang ang sinasabi nitong NPC na ito, sinong hindi matutuwa kapag nakakarinig ka ng papuri 'diba? "Ang alam ko ay hinahanap ka ni Zelda dahil may ipapagawa siya sa'yo. Siya ang may-ari ng boutique sa right wing ng paaralan."

Ibig sabihin lamang nito ay doon ko makukuha ang pangalawa kong quest, naglakad na ako palabas ng faculty. Bumababa pa lang ako sa hagdan ay namataan ko na ang maraming estudyante na nagtatakbuhan papunta sa hall. Anong mayroon? May event ba?

Dali-dali akong bumaba at nagtanong sa babaeng tumatakbo. "Excuse me, anong mayroon?" Tanong ko sa kanya.

"May post na sa notice board tungkol sa magaganap na unang school war," sabi niya sa akin kung kaya't maging ako ay nakitakbo na rin papunta sa hall.

Ngayon ko lang nakita ang hall na napuno dahil sa maraming bilang ng estudyante, sinubukan kong makipagsiksikan para makita kung ano ang nakalagay sa notice board. Batid ko naman na hindi ako makakasali sa school war na iyon, I am just curious with it.

Inabot ng ilang minuto bago ako makarating sa harapan dahil na rin sa maraming bilang ng estudyante.

***

Announcement! Magaganap ang unang school war sa ikatlong araw ng hulyo! Dito masusukat kung anong paaralan sa SWO ang may pinakamalalalas na estudyante.

Ang bawat paaralan ay kailangang magpadala ng dalawampung estudyante para sa magaganap na school war, may limang paaralan sa SWO kaya naman sumatutal ay isang daang estudyante ang magpa-participate sa unang school war!

Where: Destroyed City
When: July 03 2025. 8:00pm- 12mm
Prize: Costume set for each participant of the winning team
Required level: 15 and above.

***

Matapos kong mabasa ang notice ay napatingin ako sa oras, 7:05pm. Shit! Malapit na kaming mag-dinner at baka magalit si mama kapag hindi pa ako bumaba ng kwarto. Pumunta ako sa sulok ng hall at doon nag-log out.

Idinilat ko ang aking mata at tinanggal ko ang nerve gear sa aking ulo, basang-basa ng pawis ang ulo ko kaya naman pinunasan ko ito ng towel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Idinilat ko ang aking mata at tinanggal ko ang nerve gear sa aking ulo, basang-basa ng pawis ang ulo ko kaya naman pinunasan ko ito ng towel.

Mahigit tatlong oras din akong naglaro ng SWO ngayong araw. Partida, ito ang unang beses na nilaro ko iyon at talaga naman na-hook agad ako.

Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at naaamoy ko na agad ang masarap na adobong niluluto ni mama. "'Ma! Adobo?" Tanong ko sa kanya at tumatalon na parang bata na napakapit sa kanyang balikat.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon