Shoot 2 "Playing the Game"

Magsimula sa umpisa
                                    

Maraming babae ang sumusuporta kay Mateo, matapos ang praktis ay nakatanaw lang ako sa kanya habang pinagkakaguluhan siya. "Oh, ba't 'di ka rin makigulo doon?" Tanong sa akin ni Jace.

"Masaya na 'kong nakita ko siya, halika na, umuwi na tayo." Sabi ko sa kanya.

Naglakad na kami palabas ng school, hinatid ako ni Jace hanggang sa sakayan, magkaiba kasi kami ng daan na dadaanan.

I bid a good bye to him at nag-thank you ako for the last time dahil sinamahan niya ako manuod.

Pagkauwi ko sa bahay ay sumalubong agad sa akin ang package na nakapatong sa lamesa. Agad ko munang pinuntahan si mama at nagmano. "'Ma, ano yung nasa lamesa?" Tanong ko.

"Padala ng tita Mylene mo, tingnan mo kung kasama doon yung sapatos na hiningi mo." sabi ni mama.

Excited akong napatalon-talon pabalik sa sala upang tignan ang laman nung package, may isang package doon na nakapangalan sa akin kung kaya't iyon ang kinuha ko.

Dali-dali ko itong binuksan at isang pares nang nike na sapatos ang laman nito. Mas ikinagulat ko ang kasama nito sa package nito-- isang game, yung School War Online. "'Maaa! Sa akin ba 'to? Hindi naman ako nagpabili nang game na 'to?" Malakas kong sigaw upang marinig ni mama na kasalukuyang nasa kusina.

"Sa Kuya Peter mo 'yan, Dani!" Ganti ni mama kaya naman napatango-tango ako. Sinukat ko ang sapatos na ibinigay ni tita Mylene at kasyang-kasya iyon sa paa ko.

Matapos kong makita ang hitsura nung sapatos ay pinagbalingan ko naman ng tingin yung game, hindi ko naman alam na pati si kuya ay mahihilig dito sa School War Online. Wala si kuya ngayon sa bahay dahil sa Pampanga siya nagtatrabaho and umuuwi lang siya kapag weekends.

I decided na tawagan si kuya para naman malaman niya na nagpadala na si tita Mylene.

Wala pang limang segundo nung sinagot na niya ang tawag ko.

"Hello," bigkas niya sa kabilang linya.

"Kuya! Nagpadala na si tita Mylene, nandito na yung hiniling mo, yung School War Online!" Masaya kong sabi sa kanya. "You should check this game! Sobrang ganda raw sabi ni Jace."

"Aw! Iyan pa rin pala yung binigay ni tita Mylene, mayroon na ako niyan e. Pumila rin ako last week para makabili. Level 12 na nga ako e!" Masayang sabi ni kuya. Mabagal lang magpa-level si kuya pagdating sa mga game dahil nga may trabaho siya, mas prioritize niya ang trabaho niya instead of gaming.

"May copy ka na?" I asked.

"Yup,"

"Sayang naman 'to, walang gagamit nito sa'tin." Sabi ko habang tinitingnan yung SWO.

"Bakit hindi mo na lang ibenta? I'm pretty sure maraming mag-aagawan diyan dahil wala pang stock hanggang ngayon sa Pinas ng laro na 'yan. Ibenta mo na lang then 50-50 tayo sa hatian." Suhestiyon ni kuya na nakapagpalakpak sa aking tenga.

"Cool! Sige! Bye kuya!" Sabi ko. Tama! Ibebenta ko na lang ito, I already quit gaming na rin naman. Mas maganda pagkakitaan ko ito, kahit yata ibenta ko ito ng doble sa presyo ay may bibili pa rin nito.

***

"Yabang bago ang sapatos!" Malakas na puri ni Jace habang nakatingin sa sapatos ko. "Binyagan na 'yan!" Hindi ako agad naka-react at mabilis niyang naapakan ang paa ko.

"Siraulo ka talaga kahit kailaaan!" Sabi ko at mahinang hinampas ang kanyang braso. Malakas na tumawa si Jace dahil nabwisit niya na naman ako.

Sa buong maghapon namin dito sa school iisa lang ang naririnig ko, tungkol iyon sa School War Online. They're all talking about like it's the hottest issue for the week.

"Anong level ka na?"

"Anong club ang sasalihan mo kapag nag-level 20 ka na?"

"Tapos mo na yung quest about..."

Like heck! Hindi ko inasahan na buong school namin ay mahihilig sa ganoong laro, well, mukhang maganda naman talaga pero ang OA naman na halos karamihan namin ay naglalaro no'n.

"Maglaro ka na rin kasi para hindi ka na mairita sa mga naririnig mo," pagpupumilit sa akin ni Jace. "May GC kami, lahat nang taga-Northford University. Nagtutulungan din kami minsan sa mga quest dahil karamihan sa NorthFord ay Red Ember University din ang piniling school sa laro." Paliwanag sa akin ni Jace.

"I am not interested." Maiksi kong tugon.

"Alam mo, magsisisi ka, mapag-iiwanan ka and mao-OP ka sa lahat ng mga topic! Can't you see? Puro tungkol sa SWO ang pinag-uusapan ng mga tao. Yung iba, um-order pa sa ibang bansa para lang makapaglaro kasi wala pang stock sa pinas." Here we go again, ipinapakita niya na naman ang pagiging game freak niya.

Hindi ko siya pinansin but dalawang lalaki ang lumapit kay Jace. "Hey Jace!"

"Oy! Kumusta kayo? Natapos ninyo na yung mission doon sa Dark Forest?" Tanong ni Jace. I guess they're talking about the game habang ako ay pinagmamasdan lang silang mag-usap.

"Oo nung isang araw pa! Hindi ka kasi online, tinapos na namin! Level 15 na ako, malapit na akong makapili ng club ko. sa Heavy ako sasali!" Proud na sabi nung isang lalaki.

"Whoah! Samahan ninyo naman ako mamayang gabi sa Dark Forest, tapusin ko lang ang quest ko doon." Pakiusap ni Jace. "Level 13 na 'ko."

Nag-usap pa sila at inabot din yata ng 15 minutes ang pag-uusap nila patungkol sa game. Nakatingin lang ako sa kanila dahil tama si Jace, na-OP lang ako.

"Level 13 ka pa lang? Weak." Pang-aasar ko kay Jace.

"Kung maka-weak kaaa! Subukan mo kasing maglaro para malaman mo kung gaano kahirap magpa-level. Ang max level lang kasi doon is 100 kaya mahirap talaga ang magpa-level. Ang hirap din magpa-EXP boost kasi wala akong mahanap mas--"

"Okay. Stop na, ayan ka na naman sa pagiging game freak mo." Sabi ko na ikinatawa ni Jace.

Dumaan ang maghapon ko at pag-uwi ko sa bahay ay iritang-irita ako, ikaw ba naman ang marinig mo ay patungkol lang doon sa SWO. Pagdating ko sa classroom, iyon ang pinag-uusapan, pagdating ko sa cafeteria, iyon pa rin ang pinag-uusapan! Kahit saan yata ng sulok ng Northford ngayon ay iyon ang pinag-uusapan e.

Walang ibang tao sa bahay kun'di ako, siguro ay nag-grocery si mama.

Pinagmasdan ko yung SWO na nakapatong lang sa ibabaw ng fridge dahil wala namang naglalaro. "Try ko kaya?" Mahina kong tanong sa aking sarili. Sa pagkakaalam ko rin naman kasi ay buo pa yung nerve gear ko kahit anim na buwan itong natambak.

"Maglaro ka na rin kasi para hindi ka na mairita sa mga naririnig mo..."

Parang isang sumpa na um-echo sa tenga ko ang sinabi ni Jace, sabi ko na nga, Diablo ang kaibigan kong iyon. Ang lakas manghawa.

"Kaso baka kapag nilaro ko 'to ay sabihin lang ni Jace na bandwagon ako at asarin lang ako ng mokong." Para akong tanga na kinakausap ang aking sarili.

"No, Danica, huwag mo na lang i-try..." Napakagat ako sa aking kuko dahil hindi ako makapagdesisyon. "... or maglalaro ako pero wala akong ibang pagsasabihan. Tama! Iyon na nga!" Pagtutuloy ko.

Kinuha ko ang SWO at pumasok sa aking kwarto.

Sinuot ko ang nerve gear sa aking ulo at kampanteng humiga sa kama. In-on ko ito at mabuting gumagana pa ito.

"It's showtime."

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon