Chapter 6: is it over? [part 2]

Magsimula sa umpisa
                                    

“hello po...”

“Sajie, pwedeng pakiasikaso muna si Kei, lumuwas kasi kami kagabi, nung tinawagan ko kasi siya, inuubo, may sakit ata.” May sakit? Sabi ko na nga ba eh.

“sige po.”

“salamat.”

Nagbihis lang ako, di pa kasi ako nagpapalit ng damit naka-uniform pa din ako, ako na tamad!

Ang lakas naman ng ulan.

“oh, san ka pupunta?”

“may sakit si Kei, wala sila tita eh.”

“ang lakas ng ulan oh.”

“kaya ko yan :))”

Kinuha ko na lang yung pinakamalaki naming payong tsaka lumarga papunta sa baler nila Kei...

Pero wala, kahit sobrang laki ng payong basang basa pa din ako.

Pagdating ko sa bahay nila kinuha ko yung susi sa ilalim ng paso...

Pagpasok ang tahimik, kumuha na lang muna ako ng twalya, aba basang basa kaya ako...

Nung medyo natuyo na ako, kumuha ako ng basin tsaka face towel, buti nakalabas lahat, ang weird nga eh, ohwell.

Pag akyat ko nakita kong nakabukas yung pinto ng kwarto ni Kei.

Pagsilip ko... nakita ko sila.

Magkayakap.

Haay. May nag-aalaga na pala sa kanya eh, ano pang role ko dito?

**Graduation day.

 

Kei’s POV:

 

Dalawang linggo... naka-fast forward ang buhay ko ngayon... and just to admit the fact, I miss Saj... so much.

Hindi ata kumpleto ang araw ko kapag wala siya...

Siya na yung mundo ko, sa kanya na umiikot.

“Kei, bilis malelate na tayo...”

“opo.”

Dinampot ko na yung toga ko tapos bumaba na...

Pagdating naming sa venue ng graduation, hinanap kagad ni mama si Saj, di naman kasi nila alam na nag-away kami eh.

“tita!” ayun... dumating na siya, wearing a white dress...

Ang ganda niya :)) I can’t help myself but to stare at her.

Haaayyyy. Sa wakas nagdamit pambabae na din tong si Saj, lagi ko kasing nakikita lang yan na naka-jersey shorts and t-shirt -_- nakakapanibago tuloy sa paningin ko.

Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon