Chapter 3: always there

897 19 2
                                    

Chapter 3: always there.

Silence doesn’t always mean ‘yes’, it may also mean ‘no’ but, it’s better left unsaid.

***

 

Sajieleigh’s POV:

 

Hayy~ isang lingo din...

Isang lingo ko silang iniwasan pagkatapos sabihin ni Kei na ipapakilala niya si Ynnah sa parents niya.

Ewan ko ba! Dati naman, hindi ako ganto ka-affected , pero ngayon, sobra sobra na akong nasasaktan.

Tapos ngayon, eto ako, nasa bahay nila Kein, inaya niya kasi ako eh, ngayon na daw kasi ipapakilala si Ynnah, pinapunta niya ako para daw hindi kabahan yung baby niya -_- ano ako?! Cheerer niya?! TSS!

Nung una, umaayaw ako, kaso kasi eh!

Ang hirap tiisin ng hinayupak na ‘to!

So eto ako, chika chika muna kay TITO! Pinagbawalan na kasi ako ni Kei na tawaging Mama at Papa yung parents niya, kasi daw, baka mailing o magselos daw si Ynnah! Jusko! Ako talaga ang may kailangang mag-adjust para lahat sa kanila madali? Tapos ako nahihirapan, ang galing din nila eh. Bravissimo!

At kung nagtataka naman kayo kung bakit ang tawag ko talaga sa parents ni Kei is mama and papa, yun po kasi is dahil parang anak na daw nila ako kaya dapat daw, ganun yung itawag ko sa kanila.

“Pap--Tito, bat ganun? Matagal na kayong mag-asawa ni Tita pero, bakit yung sweetness, pati cheesy and kilig moments, andun pa din?” natanong ko lang out of the blue

“ang sikreto kasi diyan Sajie, Love.” Haynako, corny din pala si Tito, no wonder, mana nga talaga sa kanya si Kei =__=

“eh pano niyo yun napapanatili? Di po ba dumating yung time na... na parang nagsawa kayo kay Tita, kasi parang ang tagal din nun ah.”

pag naman mahal mo yung isang tao, hinding hindi mo siya pagsasawaan eh.”

TAMA NGA NAMAN! Korek korek! HAHAHAHA!

“eh pano niyo po yun nagawa, yung parang lahat ayos, walang problema, hindi complicated, parang lahat ng bagay, tanggap niyo sa isa’t isa, yung parang... lahat tama sa inyo? Walang complications? Ganon...” tanong ko ulit, haha ang kulit ko no? -.-“ pero sa kinahaba haba ng aking question eh, hindi din nasagot ni tito, banaman kasi, umextra extra si best.

“Pa, malapit na daw si Ynnah.”

Ahh~ kaya pala.

Ohwell. Pumunta na kami sa dining area.

“wow~! Myyyy favorite! Dabest ka talaga mama—este tita pala! HAHAHA!” wow! Pinakbet! Dabest yan!

Best friendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt