Chapter 5: is it over? [part 1]

Magsimula sa umpisa
                                    

“alam mo kasi anak ang love hindi yan yung basta basta mo na lang papasukin, hindi yan yung multiple choice na pipili ka lang kung gugustuhin mo o hindi, kusa yang dumarating... hindi yan parang, nakasundo mo lang siya mahal mo na kagad, nagandahan, nabaitan ka lang sa kanya, mahal mo na, hindi yun ganon.”

“what do you mean dad? That I’m not in love?”

“you are. Pero hindi pa ganon kalalim yung pagmamahal mo sa kanya...”

“masasaktan ba ako ng ganito kung hindi ko siya ganon kamahal?”

“pride and ego son, don’t you know that?”

“ipapakilala ko ba siya sa inyo kung hindi ko siya mahal?”

“eh bakit si Saj pinakilala mo samin?”

Ako na ang basag sa tatay ko =____=

“the thing about love son is, you don’t step into it. You fall. Fall madly and deeply. Yung hindi mo na kayang kontrolin at pigilan. And when you get into that situation, mahirap ng iwasan.”

Isang mahabang katahimikan ang bumalot samin.

Nagsindi ng cigarette si papa at pagkatapos ng halos tatlumpung minuto tinapon na niya yun...

Papasok na sana siya ng bahay when I asked him something... kanina pa kasi to gumugulo sa isip ko.

“pa... how did you and mom get everything so right?”

“hahaha parehas talaga kayo si Saj! Alam mo ba, pinaikling tanong niya yan sakin? HAHAHA.” Di na lang sagutin eh no.

“sagutin niyo na lang kaya papa...” =_____=

“it’s easy son...

I married my bestfriend!”

 

Isang oras... isang oras din akong nag-stay sa labas ng bahay namin.

Napaisip kasi ako... mahal ko ba talag si Ynnah? O hindi ko lang matanggap sa sarili ko na matagal na akong may mahal na iba?

 

**after 2 weeks.

 

Exam na namin. Si Saj... iniiwasan ako, tuwing susunduin ko siya pag papasok kami, either nakaalis na siya o tulog pa, pag naman naghihintay ako, sasabihin ng mama niya, aabsent daw.

Alam ko naming kasalanan ko kung bakit galit siya sakin, gusto ko namang mag-sorry di lang ako maka-tyempo.

Tapos lagi pa niyang kasama yung Shin na yun.

Siguro tama nga yung hula ko, si Shin si Mr. SN niya.

Bakit? Pwede din naming ako ah, Strike Novintes. S-N.

Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon