Chapter 23

65.3K 1.2K 135
                                    

23

Umiiyak na ako sa mga sinasabi ni Johann. Ngayon ko mas lalong napagtanto kung gaano niya ako kamahal. Iyak ako ng iyak tapos siya punas naman ng punas sa mga luha ko. Sayingsoothing words to calm me. Pero mas nangingibabaw ang takot ko. Takot sa maaring mangyari sa amin. Nasa ganun kami nung biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking sumampal sa akin kahapon.

“So it’s true that Zamora had played superhero to his damsel in distress.” Tumawa na parang demonyo yung lalaki. Kinilabutan ako. Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Johann sa akin. In fact his body is covering me from the view of the guy.

“Don’t you dare hurt her!” Sabi ni Johann in gritted teeth. This time hinarap niya ang lalaki at nasa likod niya ako. Tinago niya ako sa likod niya.

“And you have the guts to dare me? You’re funny! And stupid! Stupid to come here for that girl and funny that you still have the guts considering the situation you’re currently at.” Tumawa ulit siya. I shivered at siguro naramdaman yun ni Johann kasi humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

“Let her go! You only want me, so let her go.” Hindi ko alam kung paano na kalmado pa ang boses niya despite our situation. Tumawa lang yung lalaki.

“ You know better than to negotiate with me Zamora! If I am in your situation, I would let her die than risk your life and your agency. Stupid love struck guy!” Tumalikod siya tapos binuksan ang pinto. Maya maya pa pumasok ang apat na lalaki.

“Separate them.” Utos niya sa tatlo. Agad namang hinawakan ng dalawa si Johann at dalawa din ang humawak sa akin.

“Johann!” Humigpit lalo ang hawak niya sa akin at hinigpitan ko din ang hawak ko sa kanya. Ayaw kong malayo sa kanya. Baka ano ang gagawin nila kay Johann.

Tears of Angel (The Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon