Chapter 16

61.3K 1.3K 141
                                    

16.


Pain reaches the heart with electrical speed, but truth moves to the heart as slowly as a glacier.
Barbara Kingsolver

“Johann!” Paolo called after John.

Bakit niya tinawag na Johann si John? Hindi ko napigilan ang sarili ko, sinundan ko silang dalawa. My heart hammering against my chest. I wanted to know. I wanted to know why Paolo is following John and why did he call John Johann.

“Johann!” Paolo again called out to John pero hindi lumingon si John. Saan siya pupunta? Iiwan niya ako?

I saw Paolo almost running just to catch up with John and nung malapit na siya, nagulat ako sa ginawa niya. Bigla na alng niyang sinuntok si John. Kung hindi ko napigilan ang sarili ko, tumakbo na ako para pigilan si Paolo.

“What the hell!” John cursed nung hawakan niya ang labi niya and he saw blood on his fingers. Ang buong akala ko susuntukin niya din si Paolo pero he just stared at him.

“What the hell is wrong with you?!” He shouted at Paolo pero ang sama pa din ng tingin ni Paolo sa kanya. Parang napakalaki ng kasalanan ni John kay Paolo.

“What the hell is wrong with me? You’re seriously asking me that? Di ba ako dapat ang nagtatanong niyan Johann?” He called him Johann again. At parang siguradong sigurado siya na si Johann ang kausap niya.

“What are you saying? I don’t know what you’re talking about.”

“Pwede mong lokohin ang lahat pero hindi ako. Nasa sinapupunan pa lang tayo kilala na kita. Kaya hinding hindi mo ako maloloko Johann.” John looked shocked sa sinabi ni Paolo. Kahit ako na shock. Sinasabi ba niyang si John at Johann ay iisa? Paano nangyari yun?

I waited for John to say something. To deny Paolo’s accusation but he didn’t say a word. Instead yumuko siya. Hindi ako makapaniwala. 

“I don’t know your reason for doing all of this. I just hope that you have a damn good reason sa mga ginagawa mo. For putting us all into this misery. Dati pa naman ganyan ka na. Mahilig kang magsarili ng problema. You never told anyone except me. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari na pati sa ako pinagtataguan mo. Bro, we’re brothers. We’re twins and nung akala ko nawala ka, parang nawala na din ang kalahati ng buhay ko. Ngyon hindi ko alam kung matutuwa ako dahil buhay ka or magagalit ako sayo kasi tinago mop sa amin ang totoo. But one thing’s for sure. I’m glad that you’re alive.” Nakita kong umiyak si Paolo.

    

“Paolo... I’m sorry.” I can’t believe what I am hearing. Pinipilit kong hindi maniwala pero parang sinasampal ako ng katotohanan.

“Hindi na ako magtatanong ng kung ano pa man. I just want to ask you na sana huwag mong ipagkait sa amin ang sarili mo. Kahit niloko mo pa kami, hindi maalis ang katotohanan na isa ka pa ring Zamora. Anak ka nina Mommy and Daddy, kapatid ka namin at kakambal kita. And we terribly miss you, Bro.” And with that Paolo hugged Johann and Johann hugged Paolo. Namumula ang mukha niya. Parang pinipigilan lang niya ang umiyak.

Nanghihina ako. Napakapit ako sa may poste na pinagtataguan ko. Feeling ko anytime matutumba ako. I clenched my fist and hammered it towards the post. Pinipigilan ko ang sarili kong mapahagulgol.

“I'm sorry Pao. Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo ang totoo. At least not now. But in time, I will.” And that confirmed it.

Si John at Johann ay iisa.

Hindi na ako makaiyak. I clenched my fist tighter to control my emotion. The emotion that is slowly building up inside me.  An emotion as strong as the love that I’ve felt towards that guy. Nanginginig ang buong katawan ko. My knuckles are turning white dahil sa lakas ng pagkakuyom ng mga kamay ko.

Kahit kailan hindi pa ako nakaramdamn ng ganito.

A soft cry of pain came out of my lips and this time tumulo ang mga luha ko. Pero this time hindi lang dahil sa nasasaktan ako. This time umiiyak ako hindi lang dahil sa sakit, kundi dahil sa galit.

Galit dahil sa mga natuklasan ko.

Hate towards the guy I truly love.

Tiningnan ko ulit sila. Lalo na siya. How could he deceived me so easily?

“It's okay. I'm just glad that you're alive. I just can’t understand bakit sa kanya nasabi mo ang lahat pero natiis mo kaming pamilya mo.” I know that Paolo is referring to me. But he is wrong. Hindi lang kayo ang natiis niya. Buti kayo natiis lang niya. Ako niloko pa niya.

“She doesn’t know.” He said silently and I’m hating every word that comes out of his mouth.

No Johann. You’re wrong.

Now I know.

Tears of Angel (The Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon