"Yun na nga eh!" putol ko sa kanya. "Para sa parents nyo walang problema kung maging mag kaibigan ulit kayo,a-ako rin naman eh(liar ka bea!) okay lang sa kin kung maging mag kaibigan ulit kayo.Pero di ko maiwasang di magalala sayo....Niloko ka nya, pinagpalit ka sa iba,ilang months mo sya iniyakan,nagpakatanga ka nga di ba sa kanya pero bakit di mo magawang sabihin sa family mo yung pinag gagawa nya sayo?Ano to pinuprotektahan mo pa rin sya? Until now?"

"Ayoko lang pati magulang ko problemahin yung personal life ko." sagot sa kin ni jho na mataas na rin ang boses. "Kung anuman ang naging problema namen ni baham sa min na lang yun at saka malaking posibilidad na magkita kame sa batangas or kahit saan.Ayoko lang ng may lageng may iniiwasan."

Napailing ako at nag walkout para kaseng  nagkakalokohan na kaya bago pa akong mabad trip ng sobra ay aalis na muna ako.Binuksan ko ang pinto ng kotse pero napatigil ako ng hawakan nya ang braso ko,libu libong kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng gawin nya yun.

"Wag naman ganto beatriz." apela ni jho. "Pagaawayin ba naten ang walang kwentang issue na 'to?"

"Kung walang kwenta pala ang issue na 'to,wala dapat tayong pinagtatalunan ngayon.Pero meron eh.At naiinis ako sa thought na baka isang araw magising ka na lang na inlove ka naman sa taong yun na once mong kinasuklaman dahil sa sakit na pina ramdam nya sayo." ako.


Unti unti kong naramdaman ang pag bitaw nya sa braso ko at alam kong nakatingin lang sya sa kin.Nakayuko ako guys,parang ayoko syang titigan sa mata.Ayokong makita nya na maiiyak na ko.

"Ngayong araw dapat masaya ako pero di ko magawa.Wala ang parents ko,wala rin si kuya.Naging okay naman ng about 3 hours pero binawi rin agad." saka ko sya tiningnan di ko matiis eh. "Ikaw dapat yun eh.Alam kong pag nalaman ni madz ito, sure ako magtatampo sa kin yun ng sobra.......pero yun ang na feel ko kanina." huminto ako ng sandali. "Nakabawi na yung buong team sa kin kase meron pa lang birthday surprise silang hinanda for me at yung inaasahan kong may dala sana ng cake ay yung taong pinakamalapit sa kin,sa buhay ko,next sa family ko......" hinarap ko sya. "Alam kong nagiisip bata naman ako pero......Jhoana,umaasa ako......Umasa ako na,ikaw yun. Kase ikaw yung least sa lahat ng na pwedeng makalimot sa special day ko pero......Ikaw pala ang nakalimot." malungkot kong sabe.

Nakita kong biglang nagbago ang itsura ni jho.Siguro ngayon alam na nya.Alam na nya na kung ano yung importanteng araw na 'to sa kin.Para akong bata,alam ko na ang nasa isip nyo guys pero kase umasa talaga ako na sya yung punong abala sa pa birthday surprise nila sa kin pero mali nga ako di ba? Hu-mopia ako.Saklap naman guys!☹

"Jhoana,birthday ko ngayon." malungkot kong sabe. "Di ko inaasahan na kung sino pa yung taong pinakamalapit sakin ay sya 'tong nakalimot sa special day ko. Tas malalaman kong nakikipagdate ka ulit sa ex mo." alam kong nangingilid na ang luha ko. "Kahit man lang makita kong andun ka okay na sa kin yun pero,ITO? ITO talaga ang pa BIRTHDAY mo sa kin? Ang ganda at ang saya ng gift mo. Natutuwa ako,grabe." sarcastic kong sabe.

"Di ko naman nakali---"

"Enough."putol ko sa kanya tas binaling ko sa iba ang tingin ko. "Tama na jhoana. Okay na.Gets ko na." at tuluyang binuksan ang kotse at pumasok dun. In-start ko at umalis.Iniwan ko si jho doon at sinadya ko yun. Ayoko munang makita sya at makausap,ayokong marinig ang mga paliwanag nyang di naman totoo.

Palabas na ko ng ateneo ng tawagan ko si jia at pinakisuyo ko sa kanya si jho na sunduin ito malapit sa moro.Kahit nagtatampo ako at may sama ng loob sa kanya ay inaaalala ko pa rin sya. Baka kase kung mapano yung babaeng yun.

Dumiretso ako sa room ko pagkauwi ko sa bahay.Di pa ako tuluyan nakakapasok ay naguunahan ng tumulo ang luha ko na pinipigilan ko para di makita ni yaya. Alam kong gusto ni yaya kanina tanungin ako pagkalabas ko pa lang ng kotse ko kase alam kong naniningikit na ang mga mata at namumula pa ang ilong ko.Kase habang nabyahe ako pauwi ay naiiyak na talaga ako.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now